Adobo Take 2

Mga food essays, articles at isang episode sa isang local TV show ang nag-udyok sa akin para magluto ulit ng isang improved version ng aking nakasanayang adobo.  Sa pagbabasa ko ng ilang mga food blogs, napunta ako sa isang lumang article sa New York Times na sinulat ni Sam Sifton kung saan sinabi niyang: “Filipino cooking is an evolutionary masterpiece, a cuisine that includes Chinese, Spanish, American and indigenous island influences, all rolled into one.” Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit kung gaano karami ang ating mga isla, ay ganoon din ang dami ng paraan ng pagluluto ng adobo. “Adobo holds the power to change moods and alter dining habits,” sabi ng batikanong food critic.

Ang kilalang Pinoy historian na si Ambeth Ocampo, sa isa sa kanyang mga columns sa Philippine Daily Inquirer na pinamagatang “Adobo in Many Forms,” ay nagbanggit naman ng ilang mga historical facts kung paano nga ba nagkaroon ng sanlaksang bersyon ang ating paboritong ulam. May tuyo, may masabaw, may tustado, etc. Marami nga raw hanggang ngayon ang nagtatalo kung ano ba talaga ang ating national dish: adobo ba o sinigang? Paborito ko rin ang sinigang pero sorry, mas biased ako sa adobo.

Sa isa namang episode ng “Kris TV” nung isang linggo, pinakita ang mga culinary journeys ni Kris Aquino in search of the perfect adobo–from Bohol to Ilocos to Bicol, etc., kinapanayam ni Kris ang mga cooks sa iba’t-ibang region ng bansa at dinemonstrate talaga ang iba’t-ibang paraan ng pagluluto ng adobo.

Dahil sa aking adobo information overload, nag-decide akong magluto ulit nito. Sabi ko sa sarili, ano kaya kung pagsama-samahin ko ang aking mga  nabasa at napanood  para makagawa ako ng aking  version ng adobo? So ganito ang ginawa ko. Nung weekend, bumili ak0 ng isang kilo ng baboy sa palengke. Tamang tama, may bay leaves pa akong natira na nakita ko sa isang supermarket. Mayroon din akong suka, bawang, toyo, asin at paminta.

Unang-una kong ginawa, gaya ng napanood kong bersyon ng adobong galing Bohol, prinito ko muna ang baboy ng walang mantika. Kusa ko siyang pinagmantika hanggang sa halos ma-tusta na siya. Saka ko  ito nilagyan ng tig-isang tasa ng toyo at suka. Hinalo ko ngayon ang asin, at paminta at tinakpan ang kaldero for about 15 minutes. Naalala ko ang turo sa akin ng kaibigan kong si Ruel. “Cook it in slow fire,” sabi niya. “Yan ang isa sa mga sekreto ng masarap na adobo. The fire has to be slow.”

Every now and then, hina-halo halo ko ang karne para kumalat ang flavor. Pagkatapos noon, nilagyan ko ng isang tasang tubig ang karne upang mas lalong nitong i-absorb ang magkahalong flavor ng suka at toyo. Saka ko ngayon nilagay ang apat na piraso ng bay leaves. Hinintay ko hanggang lumabot ang karne, making sure na mahina nga ang apoy ng aking stove.

Para akong naka-jackpot sa huweteng nang timusan ko ang lasa ng sabaw ng aking adobo. Pinakamasarap ito sa lahat ng mga adobong ginawa ko. Na-achieve ko ang sinasabi ni Sifton sa kanyang article nang sabihin niyang…”It’s (adobo) excellence derives from the balance of its flavors, in the alchemy of the process.”

Pangatlong araw ko ng binabaon ang niluto kong adobo, at di naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, tama ang sabi ng matatanda, habang tumatagal at dumadaan ang mga araw, ang aking improved adobo ay totoong pasarap ng pasarap.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food. Bookmark the permalink.

7 Responses to Adobo Take 2

  1. Permskee says:

    Hayan…tumulo na naman ang laway ko. Sarap talaga ng adobo, grabe! Gusto ko yung mixed chicken and pork adobo na may kaunting sugar para lumapot yung sabaw. Nakakagutom!

  2. sally says:

    patikim naman…. anu ba yan wala pa kong natitikman sa mga luto mo ha….

  3. ruel says:

    Ayos, madadagdagan na ang entries sa Adobo Book he he

  4. ruel, gusto kong subukan ang adobong may gata. paano kaya yun?

  5. Jennyfer C Beredo says:

    Buti nagbigay ka ng recipe ng adobo 2 magluluto ako ng recipe mo. iba kasi ang alam kong luto pero sa paraan ng pagkakasulat mo ay talaga naman katakamtakam na adobo2 ni Mr. Ronald

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s