Xiang Shan

Nakaramdam ako ng ibayong hiya sa sarili habang inaakyat ko ang Xiang Shan, na mas lalong kilala sa mga turista sa pangalang Elephant Mountain. Paano ba naman, ito ay kilala bilang pinakamababang bundok dito sa Taipei. Pag professional hiker ka, it will take you less than 15 minutes at nasa tuktuk ka na ng bundok. Ako, inabot halos ng isang oras bago ko narating ang pinakamataas na spot sa Xiang Shan. Ang nakadagdag pa sa kahihiyaan ko, lahat halos ng kasabay ko na umaakyat ay mga senior citizens na. Bale wala lang sa kanila ang mag-hiking. Yung iba nga ay patakbo pang umaakyat. Kung nakakapag-instik lang ako ng mahusay, gusto kong biruin ang mga lolo at lola na aking kasabay. “Mga manong at manang,” gusto kong sabihin. “Ano ba ang tinira niyo ngayong umaga at tila mas malakas pa kayo kay Spiderman?”

Samantalang ako, every ten minutes ay humihingi ako ng time out.  Kailangan ko kasing humingal, uminom at magpahinga.  At dahil sa height ng summer ngayon dito sa Taiwan, parang torture talaga para sa isang overweight beginner na tulad ko ang umakyat sa Elephant mountain.

Muli na naman akong napamura sa sarili, kasi na-re-affirm ko na naman na hindi ako talaga physically fit. Elephant mountain pa nga lang ito, mamatay-matay na ako. Paano pa kaya kapag mataas na bundok na ang aking aakyatin?

Sa kabila ng masakit na realization na wala akong laban kina lolo at lola sa akyatan, naging isang matinding wake up call ito para sa akin. Kaya, even with a very bruised ego and pride, pinilit kong tapusin ang buong hike kahit marami sa aking mga kasama ay natatawa na sa hitsura ko. Sabi ko na lang sa sarili, dapat ay makakuha ako ng magagandang pictures ng Taipei cityscape.  Ito naman talaga ang aking main purpose. Ang Elephant mountain kasi ay isa sa mga paboritong tourist spots dito sa Taipei kasi dito makikita ang napakagandang aerial view ng buong lungsod, kasama syempre ang Taipei 101. In fact, marami na ang nagsabi sa akin na kung gusto ko raw makakuha ng isang magandang sunrise o sunset shot sa mga prime spots sa Xiang Shan, kailangan kong mag overnight mismo sa bundok dahil daan-daan at libo-libong photographers ang umaakyat dito.

Natuwa naman ako pagdating ko sa peak spots kung saan napa-wow ako talaga sa ganda ng view. Dito ko talaga nakita na ang lungsod ng Taipei pala ay napapaligiran ng bundok. At dahil sa ito ay kinulob ng mga bundok, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit matindi ang tag-init sa Taipei city.

Sinusulat ko ito, namimintig ang aking mga binti sa sakit. Mahapdi ang aking nasusunog na balat at namimintog ang aking mga kalyo sa paa. Pero hindi ko alam kung bakit imbes na madala ay lalo akong naging pursigido na umakyat pa muli ng paulit-ulit sa Xiang Shan at sa iba pang bundok dito sa Taipei. Marahil ay na-challenge ako ng aking mga kasamang matatanda. Feeling ko, kailangang ma-vindicate ko ang aking sarili. Kung nakaya nila, dapat ako rin.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life, Travels. Bookmark the permalink.

4 Responses to Xiang Shan

  1. agnes says:

    Sa umpisa lang mahirap Ronald. Ganyan din ako nung first time, ang yabang ko sa umpisa at two steps at a time pa dahil maliliit ang steps pero after a few minutes, hingal kabayo ako. hahaha. pero once you’re up there, parang ayaw mo na bumaba. so peaceful:)

  2. thanks, agnes. yun na nga ang sabi ko sa sarili. nabigla lang kasi ako. dapat kasi bago umakyat, conditioned din dapat ang katawan. i know better next time. pero it was really worth all the climb.

  3. ruel says:

    sayang, di ko narating.

  4. sa susunod mong punta, ruel, try nating akyatin. dapat lang ay nasa tamang kondisyon ang katawan mo. at sana ay matandaan ko pa rin ang daan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s