Parusang Tag-Init

Kasagsagan ng tag-init ngayon dito sa Taiwan at hindi ito nakakatuwa. Hindi ko makanta with feelings ang  “Summertime” ni George Gershwin dahil kontra sa lyrics na “summertime and the living is easy, fish are jumping and the cotton is high…” ang totoo niyan, life has suddenly become difficult for me dahil dinadalaw ako ng asthma attacks sa tindi ng humidity at sumisingaw ang init sa aspaltong kalsada. Dumidiretso ito sa aking baga na nagiging sanhi ng aking hirap na paghinga. Bukod pa rito, hindi ko alam kung anong chemical reaction ang nangyayari sa double exposure ng aking balat sa magkahalong lamig ng aircon kapag ako’y nasa indoors at sa mahapding pakiramdam nito kapag ako’y nasa outdoors at nasisinagan ng mabagsik ng araw. Kapag gabi, sobra akong namamantal pagkatapos maligo, kaya mahirap gumawa ng tulog.

Dahil sa mga pangyayaring ito, napipilitan akong magbaon ng pagkain para hindi na ako lumabas ng opisina tuwing tanghalian. Para kasi akong matutunaw at papanawan ng ulirat pag naglakad ako ng kahit na ilang metro lang sa mainit na kalsada. Kahapon, tuwang-tuwa pang ibinalita sa akin  ng isang ka-opisina na nag 38 degrees daw dito sa Taipei. “Am I supposed to be happy with that news?” ang sarcastic kong sagot. Di niya nakuha ang aking attempt at sarcasm. Di ko rin nakuha ang kanyang attempt at humor kaya patas na lang kami. Ano ba yan? sabi ko sa aking sarili. Nagiging masungit na rin ako dahil sa masungit na panahon.

Ayon sa scientist naming consultant na si Dr. Chen, mas mainit daw ng four degrees dito sa Taipei kumpara sa temperature sa Central at Southern Taiwan. Di ko ito maintindihan kasi ang alam ko, mas malamig dito kapag winter. Pero ayon kay Dr. Chen, dulot daw ito ng singaw ng mga tambutso ng mga sasakyan, ng mga nagsisiksikang building, sabay sabay na ummadar na airconditioning units at overall population density. Sabi ko naman sa kanya, mas mainit ngayon kumpara nung isang taon. Bagay na di kataka-kata dahil na nga sa epekto ng global warming at climate change. Naku sabi ko, ano na kaya ang temperature kapag inabot ako ng edad na 60?

Anyway, the point is, kung mayroong tinatawag na winter blues sa mga Scandinavian countries, mayroon din itong counterpart pag tag-init dito sa Asia. Pero ayaw ko itong tawaging summer blues kasi hindi naman depression ang nararamdaman natin pag tag-init. Paano kaya natin tatawagin yun? Summer rage ba itong matatawag kasi tumataas ang ating blood pressure at umiinit ang ating mga ulo? E kung summer madness kaya? Para naman tayong asong nauulol nyan.

Whatever the term, dapat pala talagang paghandaan itong pagdating ng summer season. Dahil hindi ito nakakatuwa. Para sa isang katulad ko na mahilig lumabas at gumala, nakakairita ito at nakakabuwisit. Ang matindi pa nito, ilang buwan ko pa itong pagtitiisan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s