My Perfect Bolognese

Matapos ang halos 15 taon kong pagluluto ng spaghetti, masasabi kong natumbok ko rin sa wakas ang tamang formula para sa isang masarap na spaghetti bolognese. At nangyari lang ang lahat nung Sabado ng gabi. Imagine, 15 years kong binuno ang tila walang katapusang trial-and-error na pag-e-experiment sa tamang kombinasyon ng sauce–na kinapapalooban lang naman ng sibuyas, bawang, green pepper, asin, konting asukal, black olives, mushrooms, fresh tomatoes, oregano, minced beef and pork,  bacon bits at tomato sauce. Sa 15 taon na yun, minsan ay na-hi-hit ko ang bullseye, pero more often than not, parating may kulang. Minsan ay para siyang tuyo. Minsan naman ay parang sobrang siyang napaalat o sobrang napaasim. Hindi ko pa nasusubukang maging consistent na magkasunod na masarap ang aking pagkakaluto–ito ay ayon sa aking panlasa, at kailangang masegundahan ng mga kaibigan.

Bata pa lang ay mahilig na ako sa spaghetti. Pero noon pa man ay ayaw ko na ng spaghetti na Pinoy style–yung matamis. Yung may halong Purefoods hotdog at saka banana ketchup. Yung tinitinda sa mga school canteens. Simula nang makatikim ako ng bolognese na hindi matamis, ito na ang aking naging benchmark ng masarap na spaghetti. Pero nagsimula ang seryosong pagluluto ko ng spaghetti nang una akong magpunta sa Taiwan nung 1998-2002. Di ko ma-recall kung anong taon yun, nung lumipat ako ng dorm at na-inspire akong mag-experiment sa pagluluto ng pasta kasi ang ganda ng aming kusina at mapipitas lang sa labas ang mga sangkap gaya ng kamatis, sibuyas at basil. Sari-saring uri ng pasta ang aking niluto. May pesto, carbonara, seafoods, tuna, etc. At iba-‘t ibang uri rin ng noodles ang aking ginagamit. Yung mga Taiwanese dormates ko lagi ang nagiging member ng aking taste panel. Sila ang nagsasabing. “It’s good, but it’s too rich and creamy!” Bagay na sobra ko namang inappreciate.

Pero dahil sa mahilig ako talaga sa kamatis, biased ako lagi sa mga tomato-based pasta. Nasubukan ko na nung una na fresh tomatoes lang ang aking ginagamit. Bine-blender ko ito, pero masyado akong naaasiman sa lasa niya kaya nakasanayan ko ng ihalo ang totoong kamatis sa canned tomato sauce (naging biased ako sa Hunts brand). May lima na rin yata akong cook books tungkol sa iba’t-ibang pasta recipes. Tatlo sa kanila ay iniregalo sa akin  ng aking mga kaibigan at dalawa ay nabili ko on sale. Panood din ako ng panood ng mga cooking shows sa cable at local TV–mula kina Stone Curtis at Kris Aquino, at pinipilit ko itong gayahin kapag mag-isa na ako sa kusina.

Bahagi rin ng aking learning curve ay ang advice ng mga kaibigan ko na magagaling ding magluto. “Damihan mo kasi ng bawang,” email sa akin ng isang kaibigang nasa Amerika. “Hayaan mong magmantika ang karne,” payo naman sa akin ng isa pang kaibigan na gustong gusto nang magsimula ng catering business. “Basta tandaan mo, igisa mo siya sa sariling mantika,” pagtatapos niya.

Three weeks ago, nag-potluck party kami para sa kaibigan kong tiga Peru na aalis na ng Taiwan. Bolognese ang aking niluto. Pakiramdam ko, ito na ang pagkakataon para ma-test ko kung pasado nga ba ang aking recipe kasi iba-ibang lahi ang titikim nito. May Espanyol, Amerkano, Guatemalan, Hapon, Peruvian, atbp. Laking gulat ko nang sabihin nilang masarap daw ang aking spaghetti bolognese. Malaki ang inangat ng aking confidence level dahil sa mga papuring ito.

Kaya two weeks after, pinilit kong lutuin muli ang aking recipe. Hindi ako nagmadali. Dahan-dahan kong hiniwa ang mga sangkap, at nagluto ako nang parang nag me-meditate. Habang ginigisa ko ang bawang at sibuyas, sabi ko sa aking sarili, totoo palang therapeutic din ang pagluluto. Nakakatanggal nga siya ng stress.  Kaya naman nang matapos ko siyang lutuin at sinubukan kong ihalo ang pasta sa sauce, maski ako ay nagulat nang tikman ko ang aking nalikha. Finally, sabi ko sa sarili. I have made the perfect spaghetti.

Ang challenge ngayon ay kung mauulit-ulit ko pa ang tamang kombinasyon dahil hindi naman measured ang dami ng asin, paminta at iba pang sangkap na aking nilagay. Palagay ko’y kaya ko na. Maaaring hindi 100% exact, pero kuha ko na ang lasa na gusto ko–at gusto rin halos ng lahat.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

9 Responses to My Perfect Bolognese

  1. abe posadas says:

    O, tunay na Carbonara naman, yung walang cream ha!?

  2. Hi Abe! Sa experience ko, Philadelphia cream cheese lang ang katapat ng masarap na carbonara. Yun lang talaga.

  3. Permskee says:

    Tomato paste and canned whole tomatoes naman ang gamit ko kapag sky’s the limit ang budget.

  4. Ida says:

    Paborito ko rin talaga ang spaghetti. Sekreto ba ang recipe mo?🙂

  5. Ida says:

    Naku Ronald, kelangan ko exact measurements kasi di ako super cook.🙂

  6. wala akong exact measurements, ida. i don’t believe in that. “oido” lahat sa akin ang pagluluto. you put a certain amount of ingredient tapos lalasahan mo lang kung labis, kulang o tama lang. pakiramdaman lang lahat.🙂

  7. Nymfa Aranas says:

    congrats ronald! ako rin gusto ko rin maulit ang niluluto ko noon dyan na salisbury steak…. kaya lang wala yata kapantay dito ang costco ground beef….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s