Ang Mga Tenga ni Buddha

Kitang kita ko ang pagkamangha at pangingilabot nung isang Taiwanese na ale nung pinakilala siya sa akin ng isa kong officemate  sa isang 7-11 convenience store na malapit lang sa office namin. Syempre inintroduce ako ng officemate ko na “This is Ronald, my colleague. He’s Filipino.” Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react kasi sa mukha ko nakatingin yung friend ng officemate ko. Titig na titig siya sa akin. Tapos ay tinakipan niya ang kanyang bibig. Napaka uncomfortable ng pakiramdam ko kasi di ko alam kung ma-o-offend ba ako o matatawa. Pero ang lumabas lang sa aking bibig ay: “Is there anything wrong with my face?”

Naku, di pala marunong mag-ingles itong si Ate. Kaya gaya ng dating gawi, nagmistulang interpeter ang officemate ko. Matagal silang nag-usap at napaka uncomfortable ng aking pakiramdam knowing na ako ang subject ng kanilang usapan. Hindi na ako nakapagantay.

“What is it?” mabilis kong tanong.

“She says its your ears,” simula ng officemate ko. “They are very much like Buddha’s ears. Ears like yours are very rare and she says you are going to be very rich!”

Natawa akong naiiling. Automatic ko na itong knee-jerk reaction sa mga ganitong balita. Sinabi ko sa wikang ingles na hindi ito ang unang beses na sinabihan ako ng ganyan. Pero laging ang medium na ginagamit sa akin ng mga manghuhula ay kundi man baraha ay ang aking dalawang palad. First ko kakong “binasahan” gamit ang aking tenga. At first time ko ring sinabihan na ang tenga ko raw ay kamukha ng kay Buddha. “If I will be rich, where’s the money?” Tanong ko. “I’ve heard that since I was a kid and I’m still poor.”

Nung hapon ding iyon, ni research ko sa internet ang ibig sabihin ng tenga ni Buddha. At ito ang ilan sa mga nadiskubre ko. Ang mga tenga raw ni Buddha ay sumasagisag ng wisdom and wealth. Naks naman. Ibig bang sabihin ay dudunong at yayaman talaga ako? Eto pa ang sabi nung website. :”They are said to represent the flow of the Yellow River. The Chinese have a great preference for long ears, as these kinds of ears remind them of Buddha. Long, well-defined ears that are not overly fleshy are a sign of class and the high-born.

Natawa na naman ako. Ang lagay pala e class ako. Naku, naku, naku. Erase yan. Huwag magpapaniwala sa mga interpretasyong ganyan. Huwag mag-ilusyon! Pero ewan ko ba, natagpuan ko na lang ang  aking sariling humarap sa salamin and for the first time, I took a hard look at my ears. Mahaba nga ang dalawa kong tenga. Naka kurba nga ang aking ear lobe na parang kay Buddha–although yung sa kanya, no offense meant, ay exaggerated naman. OA sa haba.

Hindi ko na naman napigil basahin ang mga interpretasyon na nabasa ko sa internet. Eto ang sabi ng isang website: “Big ears: It’s a sign of vitality and independence. You are lively and energetic, but it often leads you to do whatever you want to. You take into consideration what other people have to say, but in the end, you will make your own choices. 2) Big earlobe: The Buddha had very big and long earlobes. So if you have big and long earlobes, it’s extremely good luck. Everything comes very easily to you, and you know how to enjoy life. If you run into trouble, there’s always a person there to lend you a helping hand.”

As I type this, hipo-hipo ko ang aking kaliwang tenga. Natatawa akong di ko maintindihan. Ano nga kaya?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Ang Mga Tenga ni Buddha

  1. Tux Siddayao says:

    Sir natutuwa naman ako sa blog mo today, sabi nga rin ng matatanda pag malakit tenga….mahaba ang ………(ibulong ko ba parang sa papparazzi ng tv5)…. BUHAY. hahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s