Lazy Saturday

Ang nakikita ninyong larawan ng kalabaw na nakalublob sa putik ay kuha ko sa Agusan noong huli kong punta sa Mindanao dalawang taon na ang nakakaraan. Isa ito sa mga paborito kong pictures kasi marami itong sinasabi tungkol sa gusto kong uri ng buhay–simple, walang gaanong iniisip, walang stress, tahimik, malapit sa kalikasan at kabukiran. Pag naglalakbay ang aking utak at iniisip ko ang aking retirement days, siguro ay matutulad ako sa kalabaw na ito. Ang kaibahan lang, imbes na sa putik ako lumublob, siguro ay nakahiga ako sa isang hammock na nakatali sa pagitan ng dalawang puno ng niyog. Marahil ay nagbabasa, nagmumuni-muni o natutulog.

Kagabi, noong matutulog na ako, plinano kong mamasyal, manood ng sine o kaya ay tumambay sa coffeeshop o bookstore. Yan naman lagi ang ginagawa ko tuwing weekend. Pero nagising ako kaninang alas sais ng umaga kasi pinulikat na naman ako. Matindi ang atake ng leg cramps ko at hindi na ako nakabangon. Nang unti-unti nang humupa ang sakit ng aking binti, natagpuan ko na lang ang sarili kong nanonood ng TV, nagbabasa ng magasin at nang mapatingin ako sa relo, laking gulat ko kasi ala-una na pala ng hapon. Pinilit kong bumangon kahit alam kong inatake na ako talaga ng katamaran. Matapos kong mag-check ng email, at makipag-usap sa aking mga kapatid sa telepono, tumuloy naman ako sa kusina para mag-almusal. Di ko maintindihan kung bakit pati pagkain ay tila kinatamaran ko.

Pinipilit kong i-analyze kung bakit tamad na tamad ako ngayong Sabado na ito. Hindi kasi ako sanay na wala akong accomplishments for the day. Kaya parang sumisigaw ang utak ko at naghahanap ito ng dahilan. Unang una kong naging justification ang bwisit na pulikat na ito. As I type this, namimintig pa rin sa sakit ang isang bahagi ng kaliwa kong binti. Pangalawa, matindi na ang init at humidity ng weather dito sa Taipei. Dito sa loob ng aking tinitirhang apartment, para akong ginigisa sa kawali sa tindi ng init. Pakiramdam ko, tumataas ang aking blood pressure.  Nakakatamad talagang lumabas.

Nung nawalan na ako ng excuse, sinabi ko na lang sa aking sarili na I am entitled to one day of laziness. Pero kung hindi ako lalabas, mamatay ako sa gutom kasi wala na akong nakaimbak na pagkain kundi bigas. So plinano ko nang mag-grocery. Pero bago pa rin ako lumabas, bumalik ulit ako sa kama at nagbasa-basa. Puro mga tribute sa patay ang aking nabasa sa internet. Tribute kina Mario O Hara at Nora Eprhon–parehong writers at directors sa Pinas at sa US na parehong sumakabilang buhay na. Nang mapagod na akong magtitingin ng mga status ng buhay ng aking mga kaibigan sa Facebook, dinalaw ulit ako ng antok. Madilim na nang magising ako.

So iyon ang kuwento ng isang super na nakakatamad na Sabado sa aking buhay. Okay din naman pala kasi ang tahimik at relaxing. Di rin siya magastos. At eto ako, nag-b-blog para lang masabing may naging accomplishment naman ako ngayong araw. In a way, para rin akong kalabaw na lumublob sa putik at nagpahinga.

Bukas na lang ako hahataw.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s