Si A-Mei

Sa daigdig ng mga Mandarin speakers, walang hindi nakakailala kay A-Mei. Siya ang tinaguriang “Pride of Taiwan” at “Diva of the Mandarin Pop Music Scene.” Kung ikaw ay non-Mandarin speaker na tulad ko, di mo kailangang maintindihan kung ano ang kanyang kinakanta. Pakingaan mo lang ang kanyang boses at malalaman mo kung bakit isa siyang Asian singing sensation. Siya ang unang Taiwanese singer na naging cover ng Newsweek noong January, 2001. Dalawang beses na siyang na-ban na kumanta at mag-perform sa Mainland China dahil sa kanyang citizenship at loyalty sa bansang, Taiwan. At sa aking pagkakaalam, siya lang ang singer sa mundo na itinulak mismo ng kanyang mga fans upang ipagpahinga muna ang kanyang mga vocal chords dahil pagod na raw siya sa kakakanta at di na magandang pakinggan ang kanyang boses.

Una kong nakilala si A-Mei noong year 2000 nang mapanood ko ang isang documentary tungkol sa kanya na prinoduce ng Discovery Channel. Hindi ko ito malilimutan kasi sa dinami-dami ng documentaries na napanood ko tungkol sa mga celebrities, dito ako sobrang na-touch. Sobrang makatotohanan, revealing at artistic ang pagkakauwento ng buhay ni Chang-Hu-Mei, better known as A-Mei or Amit, isang miyembro ng aboriginal tribe na kung tawagain ay Payuma. Ang tribong ito ay  katutubong Eastern Taiwan. Ipinakita sa dokyumentaryo ang hilig ni A-Mei sa musika, magmula sa himig ng kanyang mga ka-tribo hanggang sa mga modern pop English songs. Nang magsimula ang kanyang recording career noong 1996, hindi na naawat ang kanyang pagsikat.

Isa sa naging dahilan ng meteoric rise to stardom ni A-Mei ay ang kanyang napakalaking pride sa kanyang aboriginal roots. Kahit kailan ay hindi niya itinatwa ang kanyang pinanggalingan at sa lahat daw ng kanyang mga concerts, kumakanta siya ng isa o dalawang aboriginal songs. Mula 1996 hanggang 2011, nakapag-record na si A-mei ng 15 albums na lahat ay pawang naging hit. Noong 2010, ang kanyang album na pinamagatang “AMIT” ay nagkamit ng 6 na award sa 21st Golden Melody Awards, kasama na ang “Best Female Vocalist.”

Bukod sa kanyang talent at pride sa kanyang aboriginal roots, kilala rin si A-mei sa kanyang mga philanthropic causes at social consciousness. Kapag may mga naganap na natural disasters gaya ng historic na pagbaha sa Taipei noong 1999 at ang nakaraang tsunami sa Fukushima, Japan, isa si A-mei na nag-i-i-stage ng benefit concert para sa mga biktima ng mga nasabing sakuna. Tuwang-tuwa rin ang Taiwan gay community sa kanya dahil nangunguna siyang kumanta sa kanilang taunang gay pride.

Pero gaya ng mga tumatandang singers, tila nagkakaroon na ng problema ang kanyang mga handlers kung paano patatakbuhin ang kanyang singing career. Nasa mid-30s na kasi ang Taiwanese superstar at di na siya pwedeng makisabay sa mga hip-hop at rap artists na pawang mga bata. Kailangan na rin niyang mag-reinvent ng kanyang packaging bilang isang pop artist kaya sinusubukan na rin niyang kumanta ng mga English ballads at iba pang uri ng musika. Ang isa rito ay narinig ko kamakailan sa radyo at masasabi kong okay pa rin ang boses ni A-mei.

Hindi ko rin alam kung bakit magaan ang loob ko kay A-mei. Siguro kasi mukha syang Pinay. Siguro kasi gusto ko ang kanyang singing style. Pag napapanood ko siya sa TV, natutuwa ako kasi habang nakikita at naririnig ko siya, naiintindihan ko kung bakit malalim ang paghanga at pagmamahal sa kanya ng mga Taiwanese.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Music, Personalities, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s