From Homeless to Harvard

Ang kuwento ng 18-year-old na si Dawn Loggins na tiga Landale, North Carolina ay sobrang nakaka-inspire. Napatigil ako talaga kanina habang ako’y nag-aalmusal at pinapanood ko ang feature story tungkol sa kanya sa CNN.

Sa murang edad, iniwan sina Dawn at ang  kaisa-isang niyang nakababatang kapatid na lalaki ng kanilang mga magulang na parehong pawang  may drug abuse problem. Kinupkop sila ng Burns High school community sa North Carolina. Ang bahay na kanilang tinitirhan ay walang ilaw at walang tubig. Nanghihingi ng pera si Dawn sa kanyang mga teachers para makabili ng kandila at makapag-aral silang magkapatid. Para kumita ng pera, nagtrabaho si Dawn bilang janitress sa  Burns high school. Sa kabila ng kanyang hirap na hirap na kalagayan, top A student pa rin sya. At ang kamangha-mangha, sa limang unibersidad na kanyang pinag-aplayan, sa Harvard sya nakapasa at full scholarship pa!

May bahagi doon sa CNN report na kinuwento ni Dawn ang kanyang daily  schedule. Alas singko pa lang daw ng umaga, naglilinis na sya sa kanyang school premises. Doon na rin siya naliligo at nagbibihis dahil wala ngang tubig sa bahay na kanyang tinitirhan. Pagkatapos ng klase, maglilinis ulit sya at mag-aaral na hanggang alas dos ng umaga. Tatlong oras lang halos ang tulog nya sa isang araw.

Marami na akong narining na kuwentong ganito. Parang “Goodwill Hunting” ni Matt Damon. Pero in the case of “Goodwill Hunting,” maraming emotional baggage ang character na ginampanan ni Damon. Ang nakakamangha sa kuwento ni Dawn Loggins ay wala siyang kahit na katiting na bitterness na nadarama sa mga magulang niya, sa ilan sa mga kaklase niyang tumukso at nam-bully sa kanya, at ganoon din sa kanyang pangkabuuang outlook sa buhay. Sa panayam kay Dawn, sinabi pa nga niyang alam daw niya na mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang, nagkataon lang daw na may mga isyu sila sa sarili kaya napabayaan siya. At napatanong talaga ako: ilan kaya sa atin ang magkakaroon ng ganoong maturity at disposisyon?

Ilan sa atin ang nagrereklamo kapag di pa dumarating ang ating mga sweldo o allowance? Ilan sa atin ang nagwawala kapag hindi natin nabili ang paborito nating libro o may nauna sa ating gumamit ng banyo? Pero itong 18 taong gulang na bata ay di kailanman nagreklamo o sinisi ang kapalarang nasadlakan. Imbes, she rose above the situation and made sense of her very difficult life.

Habang pinapanood ko ang kuwneto ni Dawn Loggins, nasabi ko sa sariling sa dami ng aking mga blessings at dapat ipagpasalamat, wala akong karapatang magreklamo.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Reflections. Bookmark the permalink.

One Response to From Homeless to Harvard

  1. Jean Cabrera says:

    Totoo yan, walang dapat ireklamo, naalala ko tuloy ang mga naging karanasan ko na napagdaanan ko na. Naging mareklamo din ako at hindi rin nasisiyahan sa mga naging trabaho ko. Dahil sa artikulong ito napagtanto ko na kailangan maging matiisin para magtagumpay gaya ng karanasan ni Dawn Loggins. napakagandang halimbawa para sa lahat ng ating kabataan nagnananais magtagumpay sa larangan ng buhay. Maraming salamat muli Ronald.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s