OPM2go

Matagal ko nang na-wish na sana, gaya ng I-Tunes, meron din tayong electronic store ng mga Original Pilipino Music or OPM. So ang laking tuwa ko nang ni-launch kamakalian ni Ogie Alcasid, ang presidnete ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM din!), ang opm2go, isang internet music shop kung saan pwede tayong makabili online ng mga Pinoy songs. Matagal na itong pino-promote ni Jim Paredes sa kanyang Facebook account pero recently ko lang ito napuntahan sa dami ng aking pinagkakaabalahan.

Mayroon akong love affair of sorts sa OPM kasi dati akong radio announcer nung 1980s at minsan ko nang nahawakan ang isang musical program na kung tawagin ay “Pinoy Sounds.” Dahil dito, sobra akong na-attach sa OPM lalo na nung dekada `80 at maging nung mga early `90s, bago pa man sumikat sina Ely Buendia at ang Eraserheads. Paborito kong patugtugin ang mga Metropop song entries nung araw. Sobra akong familiar sa mga Pinoy long playing albums na hindi naman sa pagmamayabang, na-re-recall ko noon by memory kung anong side at cut ng isang LP by an OPM artist. In fact, para ako noong walking databank sa mga OPM records kasi pag may nagtanong sa akin: “ano na nga yung song ni Zsazsa Padilla na kinompose ni Willy Cruz na ginamit sa pelikula ni Lorna Tolentino?” Sasabihin ko agad, “Am I Your kind of Woman?” ang title noon. LP number 48 sa ating library Side A cut 6. Syempre, ngayon, di ko na alam yun kasi kalawangin na ang utak ko.

Anyway, kanina lang ay nag-register ako sa www.opm2go.com at nag browse ako sa nasabing website. Impressive ang collection ng mga OPM kasi kahit mga classic masterpieces na tinugtog ni Raul Sunico ay pwedeng ma-download at mabili using a credit card. Maraming mga rare finds doon mula sa mga awitin ni Pabs Dadivas hanggang kay Ate Glow. Andun sina Becca Godinez, Bert Nievera at Bong Penera. Bihira na kasing matagpuan ang mga plaka ng mga ito lalo na nga ngayon na electornic na ang mga musical files.

Nakalagay naman sa website na everything is still a work in progress at sa mga susunod na linggo o buwan, masa dadami pa raw ang listahan sa  lumalawak na koleksyon ng opm2go. Sana sa mga susunod na buwan, ma-include na rin nila ang mga awitin nina Richard Tann, Bambi Bonus, Tillie Moreno, Louie Reyes, etc. Matagal na rin akong naghahanap ng kantang “Away from You” ni Jennifer Ramos na kung hindi ako nagkakamali ay kinompose either ni Eddie or Boy Katindig.

May isa lang malaking hitch sa website na ito. Sinubukan kong mag-purchase nang kanta online pero ang parating nakalagay doon–“this song is not available in your country.” Patay. E paano na yan?

Anyway, sana ay ma-resolve na ang mga technical glitches na ito dahil isa ako sa mag-p-patronize ng mga OPM songs. Iba talaga ang kaligayahang dulot ng pakikinig sa mga awiting Pinoy kapag nasa ibang bansa ka. Mabuhay ang OPM at ang opm2go!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Music. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s