Carnage

Mixed ang reviews ng pelikulang “Carnage,” na dinirek ni Roman Polanski base sa stageplay na “God of Carnage” ni Yasmina Reza. Bagama’t maraming pumuri sa nakakatawang kuwento ng dalawang middle-class na magulang na nagkita para ma-resolve ang away na namagitan sa kanilang dalawang anak na lalaki, may mga nagsabing mas akma raw sa stage ang “Carnage” kesa pelikula. Masyado raw itong madaldal, claustrophobic, pretentious, at kung ano-ano pa. Pero wala akong pakialam. Pinanood ko pa rin ang “Carnage” dahil pareho kong paborito sina Jodie Foster at Kate Winslet.

Matapos ang 80 minuto, lumabas ako sa sinehan na humahalakhak. Aliw at enjoy panoorin ang “Carnage” kahit apat lamang ang characters ng pelikula at dalawa lamang ang location ng kuwento–ang New York apartment nina Penelope (Jodie Foster) at Michael Longstreet (John Reilly) at ang park kung saan inaway at sinaktan ng anak nina Nancy (Kate Winslet) at Alan Cowan (Christoph Waltz)si Zachary, ang kaisa-isang anak nina Penelope.. Nagsimula ang kuwento nang bisitahin ng mga Cowans ang apartment ng mga Longstreet para makipag-ayos at mag-apologize sa kasalanang ginawa ng kanilang pilyong anak. Kalmado, diplomatic at parehong polite nung una ang dalawang couple habang pinag-uusapan nila ang naging away ng kanilang mga anak.

Pero sa gitna ng kanilang conversation, may mga pumitik na tila mga maaanghang at mga di inaasahang mga patamang salita na parehong ikinaasar ng dalawang mag-asawa. Sinubukan nilang ayusin at itama ito. Sa katunayan, pinigilan pa nga ng mga Longstreet ang papaalis nang mga Cowans sa elevator para pakaiinin ng snacks upang makalma ang kanilang mga tension subali’t imbes na maayos ang sitwasyon, mas lalo pang lumala ang mga patutsada nila sa isa’t-isa hanggang sa nauwi na ito sa insultuhan, sigawan at awayan. Sa gitna ng kaguluhan, isa-isa ding na-reveal ang totoong pagkatao ng bawa’t isa sa kanila.

Sa closing credits ng pelikula, matapos na ipinakita ang away at violence na naganap sa mga magulang, ipinakita naman yung mga batang nag-away at nagkasakitan na magkaakbay na. Kumbaga, nagkaayos na ang mga bata on their own habang ang kanilang mga magulang naman ay di maawat sa pagbato ng mga masasakit at nakakainsultong salita sa isa’t-isa.

Unang puntong nakuha ko, things are not what they seem. Sa kabila ng kalmado at polite na hitsura ng mga tao, may nagtatagong mala-hayop na asal sa loob ng bawa’t isa, at kapag nakantil at napindot ang tamang mga buttons, mag-aalpas ang asal hayop at pag-uugali ng tao. Pangalawang punto, makapangyarihan talaga ang salita. Words can both hurt and heal kaya dapat ay mag-ingat lagi sa mga salitang ilalabas sa bibig. Pangatlong punto, tama ang sinasabi sa Bibliya, sa mata ng mga bata, simple lang ang lahat. Sa mga matatanda, nagiging komplikado ang mga bagay-bagay. Kaya sinasabing we should be like the child again, or something to that effect. Pang-apat, huwag hahaluan ng ispiritu ng alak ang kumukulong mga damdamin. Mitsa ito ng panganib.

Intense ang portrayal ni Jodie Foster bilang Penelope, isang liberal freelance writer na nagsusulat tungkol sa African art. Mahusay ang pagkaka-build up ng galit sa kanyang interpretasyon sa role na kanyang ginagampanan at kitang-kita ito nang sumabog na siya sa sobrang poot. Sa kabilang dako, mas relaxed ang approach ni Winslet sa kanyang interpretasyon bilang si Nancy pero mas marami siyang nakakatawang dialogue at eksena. Kenkoy at aliw din ang portrayal ng kanilang mga asawa (Waltz at Reilly) sa buong takbo ng pelikula.

Halos puno ang sinehan kung saan pinanood ko ang “Carnage” dito sa Taipei. Malalakas at malulutong din ang tawanan ng mga Taiwanese sa mga punchlines ng mga aktor. Nang mag-closing credits, may mangilan-ngilang pumalakpak. Isa na ako roon.

Nabasa ko sa internet na ipapalabas sa entablado ng Atlantis Production ang “God of Carnage” sa Maynila simula July 20. Pagbibidahan ito nina Lea Salonga, Menchu Lauchengco Yulo, Art Acuna at Adrian Pang. Ano kaya ang pagkakaiba ng production na ito sa kanyang film counterpart? Ang sarap sanang umuwi at panoorin ito. Haay, wish ko lang!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s