Salmon Fishing in the Yemen

Hindi ko alam kung naipalabas na o ipapalabas pa sa Pilipinas ang pelikulang “Salmon Fishing in the Yemen,” pero kung sakali mang ipalabas ito, sobra ko itong inirerekomenda sa mga kaibigan at kakilala ko. Masyadong nag-resonate sa akin ang pelikula dahil tumatalakay it0 sa isang developmental topic na totoong malapit sa aking puso.  Ang buong career life ko kasi ay umiikot sa  mga developmental projects. At kahit anong gawin kong paraan na baguhin ito, sa mga developmental projects pa rin ako parating nalalagak. Sobra akong na-impress sa pelikula dahil hindi ko akalain na ang isang developmental topic gaya ng fisheries ay magiging sobrang entertaining sa paraang hindi nalulusaw ang kanyang pangkaunlarang mensahe.

Ang “Salmon Fishing in the Yemen” ay kuwento ng isang bisyonaryong Yemeni na shiek na mahilig sa salmon fishing. Nangangarap siya na magkaroon ng thriving salmon fisheries industry sa kanyang bansa. Ang bagay na ito ay sinasabing imposibleng gawin ayon sa mga eksperto dahil ang salmon fishes ay nabubuhay lamang sa malalamig na lugar at ang Yemen ay isang malawak at mainit na disyerto. Subali’t para sa mayamang shiek (Amr Waked), walang imposible sa taong may malakas na pananampalataya. Sa katunayan, inihahalintulad niya ang pangingisda sa pananampalataya. Sa tulong ng kanyang British legal representative na si Harriet (Emily Blunt), nakumbinse nila na kunin ang serbisyo bilang consultant ang isang British fisheries expert na si Fred Jones (Ewan McGregor). Dito nagsimulang umikot ang isang unpredictable plot na magkakahalong tumalakay sa tema ng environmentalism at  foreign relations habang binabalutan nito ng light romantic comedy angle ang buhay pag-ibig ng mga characters na ginagampanan nina McGregor at Blunt.

On the rocks ang marriage ni Jones (McGregor) at ang boyfriend naman ni Harriet (Blunt) ay di maintindihan kung buhay o patay pa nang pumunta ito sa Afghanistan. Unti-unti silang nagkaroon ng attraction sa isa’t-isa at nang mahulog na ang loob ni Harriet kay Jones, sabay namang dumating ang balitang buhay pa pala ang boyfriend nung character na ginagampanan ni Emily Blunt.

Ilang beses binanggit sa pelikula ang “fishing and faith.” Katunayan, sa isang eksena kung saan nag-di-dinner ang shiek at sina McGregor at Blunt, ito ang namutawing cheers sa kanilang bibig nang sila ay mag-toast. And true enough, para ngang naging metaphor ang pangingisda at pananampalataya sa mga eksenang naganap: ang matagal na paghihintay ng mga characters, hindi lamang sa tagumpay ng kanilang project kundi sa kanilang mga nawawalang minamahal, ang kanilang persistence at perseverance, ang kanilang paniniwala at pananampalataya kahit na mukhang tagilid o palpak ang sitwasyon.

Sa huling bahagi, nang bigla na lang magtalunan ang mga isdang  salmon sa tubig, gayong ang akala ng lahat ay patay na ang mga ito, malinaw ding tumaginting ang mensahe na sa mga taong patuloy na naghihintay, naniniwala at nananampalataya, may mga sorpresa talaga ang buhay na nagbibigay ng  kaligayahang totoo namang ikatatalon ng lahat.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s