Purong Kabaitan

Inabutan na ako ng malakas na buhos ng ulan noong Sabadong yon. Ugali ko kasing maglakad-lakad sa mga lansangan ng Taipei kapag hapon at magkukuha ng pictures ng kung ano-anong bagay, tao at lugar na nakakaagaw sa aking atensyon. Kaso di ako nakapagdala ng payong nung hapong yun kaya nang biglang bumuhos ang ulan, napako akong nakatayo lang sa isang kanto, di makatawid papuntang train station kasi pawisan ako at natatakot ako na baka ako magkasakit. Dun ko nakita yung matandang lalaking may dalang payong. Patawid na siya sa kalsada nang mapansin kong nakatingin sya sa akin. Lumapit siya at kinausap ako. Sa limitadong kaalaman ko ng  salitang Mandarin, nakuha ko ang gusto niyang sabihin. Inaalok niya ako kung gusto ko raw sumabay sa kanyang tumawid sa kalsada. Nung una’y nahihiya pa ako pero nag-i-insist talaga yung matanda. At di niya lang ako itinawid. Hinatid niya pa ako sa harap mismo ng train station. Panay ang pasasalamat ko habang panay din ang sabi niya ng meiquanshi, na ang ibig sabihin ay wala yun, di importante yun o walang anuman. Ngiting-ngiti siyang nag bye-bye sa akin.

Nang minsan namang nawala ako sa paghahanap sa isang English bookstore na nabasa ko ang location sa internet, naglakas loob akong magtanong sa isang ale na nagtitinda ng noodles kung saan naroon yung bookstore. Syempre, language barrier na naman. Di kami magkaintindihan. May dumaang isang mas batang ale na na overhear ang aming usapan. Tumigil talaga siya at sinabing: excuse me, but can’t help but overhear you. Are you lost? How can I help you? Sa wakas, may marunong mag-ingles dito. Sinabi ko sa mas batang ale ang bookstore na gusto kong puntahan at ang mismong kalye kung saan ito matatagpuan. Wait, sabi ng ale. Nagtanong-tanong muna siya sa mga taong nasa noodle shop. She really took time to go out of her way to find out where I want to go. Pagbalik niya sa akin, may dala pa siyang papel at ballpen at isinulat in detail kung saan ako pupunta at liliko upang marating ko ang bookstore na gusto kong puntahan. Sobra-sobra din ang pasasalamat ko sa mabait at matulunging  ale.

Nang minsang bisitahin ako rito ng aking mga kaibigan–ang mag-asawang sina Mayose at Jay Bautista, naiwan ni Jay sa taxi ang kanyang cellphone on the way to the airport nang pabalik na sila sa Manila. “`Nald,” sabi ni Jay sa telepono, “baka may number ka nung taxi driver. Pakitanong naman kung naiwan ko nga sa taxi yung phone ko.” And true enough, pagtawag ko sa taxi driver, naiwan nga raw ni Jay ang telepono. Ibinalik s akin ng driver ang phone ni Jay at nang may uuwi akong kaibigang Pinoy, ipinadala ko sa kanya ang telepono ni Jay.

Nakakatuwang isipin  na sa kabila ng mabilis na takbo ng buhay sa lungsod, may mga tao pa ring  gaya ng aking mga nabanggit. Tumitigil, nag-re-reach-out, naglalaan ng oras upang tulungan ang isang dayuhang taong tulad ko. Sayang at di ko alam ang kanilang mga pangalan. Sayang at di kami lubusang magkaintindihan dahil sa aming language problem. Pero di ko sila malilimutan dahil kelan man, di ako nakakalimot sa mga taong nagpamalas at patuloy na nagpapakita ng purong kabaitan. Dahil sa kanila, lumalakas ang paniniwala ko sa kabutihan ng tao sa kabila ng mga kasamaang nagaganap araw-araw sa mundo. Pagpalain sana silang lahat ng Diyos and may their tribe continue to increase.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

3 Responses to Purong Kabaitan

  1. nymfs says:

    hi ronald! nakaka-touched talaga ang kabaitan ng mga taiwanese…. generous din sila. grabe! di na namin kinailangan bumili ng mga damit pang-winter sa dami ng bigay ng mga students namin when we there.😉

    hehehe… at yun namang old lady (chen popo) na neighbor namin, binigyan ng daughter ko ng handcrafted small basket as a token of appreciation noong pauwi na kami d2 pinas. kaso di kami nagkaintindihan…. akala yata namamasko ang bata, kasi pagbalik ng anak ko dala pa rin ang small basket.kasama ang mga candies na bigay sa kanya ni chen popo.

  2. It’s really very difficult in this full of activity life to listen news on TV, therefore I just use internet for that reason, and obtain the most recent news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s