Shower Thoughts

Pagpihit ko pa lang sa shower knob, kasabay ng mabilis na buhos ng maligamgam na tubig sa aking katawan, rumagasa rin ang tila walang patid na daloy ng kung ano-anong bagay sa aking utak. Sa ganito kong paraan na-ko-kondisyon at na-p-plano ang aking araw. Kanina ko lang ito na-realize nung manligo ako kaninang umaga–pinilit kong i-control at i-capture ang aking mga iniisip dahil in an instant, na-desisyunan ko na ito ang aking i-b-blog–ang aking mga shower thoughts. So ganun na nga ang nangyari, nag multi-tasking ako dahil habang ako’y nagsasabon at nag-s-shampoo, hinuhuni ko ang isa sa mga paborito kong kanta: ang “Shower the People” ni James Taylor. At eto na nga ang ragasa ng aking mga shower thoughts:

  • Miyerkules ngayon at 28 degrees celcius ang sinabing temperature sa morning news. Asul ang isusuot kong damit dahil….wala lang. Matagal na akong di nagsusuot ng polo na kulay asul. Ganado akong pumasok ngayon dahil inspired akong sulatin ang isang bagay na pinapagawa sa akin ng aking boss.
  • I slept for nine hours! Hindi ako makapaniwala. Natulog ako ng 9:15 pm at nagising ng 6:15am–nine hours of uninterrupted sleep. Kaya pala maganda ang pakiramdam ko.
  • Patay na ang battery ng isa kong wristwatch. Tanda ko pa nung huli kong pinapalitan ang battery nun–2010 pa. Mga bandang November yun. Sa watch repair shop ng Tropical Hut, Quezon Avenue. Saan ko kaya ito papapalitan dito sa Taipei? Kailangan ko itong ipagtanong. Noted.
  • Patay na rin si Roland, yung dati kong officemate nung nagtatrabaho pa ako sa call center. Ibinalita sa akin ng kaibigan kong si Noel. Cancer of the bones daw. Ang bata-bata pa niya. May God bless his soul. Bakit lahat ng mga kaibigan at kakilala ko, puro cancer ang kinakamatay?
  • Coffee filter. Kailangan kong bumili ng coffee filter. Apat na araw ko na itong sinasabi sa aking sarili pero lagi kong nalilimutan. Pag hindi ko pa ito binili ngayon, hindi na ako makapagkakape bukas ng umaga.
  • By hook or by crook, kailangan kong mag-exercise at magpapawis ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay namamanas na ako.
  • Kahanga-hanga yung matandang babae na nasa news. At 93, siya ang pinakamatandang yoga instructor na naitala ng Guinness Book of World Records. Nagagawa pa niya ang mga complicated yoga positions at 93? Amazing.
  • Banned na ang pagbebenta ng liver goose sa California. Matagal na itong banned sa Israel, UK at dalawa pang bansa. Ano na ngang mga bansa yun? Di ko maalala. Basta fino-force feed daw kasi ang mga goose at cruelty to animals ito. Research ko siya mamaya. Kailangang makakain na ako ng foie gras bago pa ito totally ma-ban! Pero sobrang taas ng cholesterol ng foie gras. Who cares? Life is short.

Sa abot ng aking natatandaan, yun ang last thought ko bago ko rin tinapos ang kanta ni James Taylor habang pinupunasan ko ng towel ang basa kong katawan: “Shower the people you love with love. Show them the way that you feel. Things are gonna be much better if you only will.”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s