Free Hugs

Malimit silang nakatambay sa labas ng mga train stations dito sa Taipei.  O kaya ay sa labas ng mga malls. Kalimitan, group of two to four people silang magkakasama. May mga dala-dala silang  signage na nagsasabing libre nga raw ang mga akap o hugs. Noong una, na we-weirduhan ako sa idea at konsepto na ang isang taong di mo naman kakilala ay bigla mo na lang aakapin. Lumaki ako sa notion na ang inaakap mo lang ay iyong mga taong ka-close mo. Ang mga strangers o di mo kakilala ay di mo dapat pinapansin. Kahit nga ang ngitian sila ay ipinagbabawal sa maraming lugar. Sabi ko pa nga noon sa isang kaibigan, subukan mo kayang ngitian ang mga naglalakad sa Quiapo o Divisoria, malamang, ma-gripuhan o masasaksak ka.

Pero nabubuhay nga raw tayo sa panahon ng “disconnectivity.” Hindi tayo konektado sa isa’t-isa at minsan, kahit nga kapitbahay natin ay wala tayong pakialam kahit nasa panganib na sila. Sabi nga ng mga experts, kaya raw maraming nag-s-suicide sa mga lungsod at urban areas ay dahil  ang dami ngang tao sa mga lugar na ito pero marami pa rin ang nakakaramdam ng lungkot at pag-iisa. Ganitong ganito raw ang naramdaman noong 2004 ng isang Australyano na nakilala ng buong mundo bilang si Juan Mann. Katutubo siyang Sydney at sa kanyang ideya nagsimula ang pagbibigay ng mga libreng hugs o mga akap sa mga tao. Sumikat ang konspetong ito ng free hugs ng i-post ang mala-MTV na production sa youtube noong 2006 na nag-feature din sa musical group na Sick Puppies. Mabilis na nag-trend ang video at lumaganap ito sa internet na parang isang virus. In so short a time, mahigit na 72 milyong tao ang nakapanood ng “Free Hugs” video at nag-start na itong lumaganap sa iba’t-ibang lugar sa mundo.

Mas lalo pang nakiklala si Juan Mann at ang Free Hugs nang i-feature sya ni Oprah Winfrey sa kanyang show noong October 30, 2006. Nagkaroon na ng mga protocols kung paano isasagawa ang mga free hugs sa iba’t-ibang lugar. Every year, kung hindi ako nagkakamali, sine-celebrate ang anniversary ng free hugs tuwing buwan ng Hulyo at Mayo. And the rest, as they say, is history.

Una akong naka experience nitong free hug noong December nang hinimok ako ng kaibigan kong si Jean na magpa-hug daw ako sa dalawang babaeng nag-o-offer nito sa Xinyi District. “Pang Facebook,” biruan namin sa isa’t-isa. Pagkatapos ko ay si Jean naman ang kinunan ko ng picture. Ang pangalawang beses ay sa harap ng Shilin station nang minsang magpunta ako roon para tumingin ng kung ano-ano sa night market. Mag-isa lang ako noon at medyo na-h-homesick. Ang feeling ko, I really needed a hug. And true enough, effective nga.

Matagal ko ng iniisip kung papatok ito sa Pinas. Hindi ako aware kung meron na ngang gumagawa nito. Pinag-usapan nga namin ito ng isa kong kaibigan na bumisita sa akin dito kamakailan lang at ang sabi niya ay mukhang hindi ito mag-w-work sa Pinas. “Di pa sila ganoong ka-open,” sabi niya. Ang sabi ko naman, baka lang mabigyan ito ng malisya ng marami. Alam nyo naman, maraming loko-loko sa atin. Baka mas maraming kaso ng sexual harrassment at pambabastos ang mangyari.

Sana naman ay hindi. Sana ay hindi masalaula ang konsepto ng Free Hugs dahil marami na ang nag-attest na epektibo raw ito. It makes us feel more connected and human. Dahil totoo naman talaga na minsan, isang akap lang ang ating kailangan para maitawid natin ng maayos ang isang malungkot na araw.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Free Hugs

  1. Nymfa Aranas says:

    wow! di ko paq na-encounter ang free hugs na yan. anong group kaya sila? hahaha… tama ka dito sa atin medyo delikado at meron mga malisyoso o maniakis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s