Sigmund iPhone App

Kahapon, habang ako’y nag-aalmusal, binuksan ko ang TV at naabutan ko sa CNN ang kanilang tech and gadgets writer/reporter na si John Stutter na ibinabalita ang tungkol sa latest iPhone application na kung tawagin ay Sigmund. Diumano, nai-p-program daw ng iPhone application na ito ang ating mga panaginip. Grabe na it0, sabi ko sa sarili. Pati ba naman ating subconscious, sinasaklawan na rin ng technology? Nakinig pa ako at nang sinabi ni Stutter na pag na-develop daw ito ng lubusan, hindi na nalalayo, magiging totoo na ang mga napanood nating ginawa ni Leonardo de Caprio sa pelikulang “Inception.” Ibig sabihin, we can practically live, love and die in a virtual world. Syempre, dahil sa novelty ng balita, nakuha ng CNN reporter ang buo kong atensyon.

Hindi ako hi-tech na tao at ipagpaumanhin ng mga tech-savvy people na makakabasa nito kung may mali sa aking interpretasyon, pero ganito ang pagkakaintindi ko sa function ng Sigmund iPhone app. Bago ka raw matulog, mag se-select ka ng isa hanggang lima sa 1,000 salita o keywords na naka-program sa Sigmund app. Itatanong din ng telepono kung anong oras ka matutulog at kung anong oras mo balak gumising. Ngayon, pag natutulog ka na, yung point na himbing na himbing na ang pagtulog mo, may isang female voice na paulit-ulit na babasahin ang mga salitang iyong tinayp. Halimbawa….sunset….beach….boat.  Sa kauulit ng boses, parang ni-re-remind nito ang subconsci0us mo tungkol sa keywords na iyong ininput. “Suggestive readings” ang tawag nila rito. Ayon daw sa mga experiments, 30% to 40% pa lang ang kanilang success rate. Bakit? isa sa mga probable na dahilan ay dahil hindi naman lahat ng ating napapanaginip ay natatandaan natin.

Ang Sigmund iPhone app ay dinevelop ng isang Harvard PhD student na nagngangalang David Nadler. Work in progress pa ang nasabing technology, pero marami na ang nag-p-predict na promising daw ito lalo na sa youth market. Ni-research ko sa CNN website ang iba pang paliwanag tungkol sa technology na ito at nakita ko doon ang ilang mga tanong ng mga tao tungkol sa Sigmund app. Isa na nga rito kung paano makakasiguro na ang mapapanaginip natin ay magandang panaginip at hindi isang bangungot? Ang sagot ni Nadler, sa pagpili diumano nung 1,000 keywords, sinigurado nila na ang mga ito ay nagbibighay ng positive thoughts. Pero words are still subject to other interpretations, di ba? Kung ang tinayp mo ay “beach,” paano ka makakasiguro na ang mapapanaginip mo ay magandang holiday beach at hindi tsunami o shark infested beach? Itong mga areas na ito ang patuloy pang dine-develop ni Nadler at ng kanyang team.

Hindi ako iPhone user kaya di ko siguro masusubukan ang phone application na ito. Maaga pa rin para magbigay ng reaksyon o opinyon tungkol sa epekto ng technology na ito sa mga consumers. Ang masasabi ko lang as of now, much as I am very open-minded about new technologies, I also have my reservations. Para kasing hindi ako komportable sa ideya na may gadget na nag-p-program ng aking panaginip. Parang hindi siya natural. Parang may nag-h-hypnotize o nag k-kontrol sa akin, kahit pa sabihing ako rin naman ang nag-program ng mga keywords.

Yun lang naman. I am just thinking out loud. Sa mga susunod na araw o buwan, if and ever I get to try this phone application, mag-b-blog ulit ako. And I will keep you posted kung ano ang epekto nito sa akin.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life, Technology, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s