The Avengers

Sobrang nag-react ang audience dito sa Taipei nang pinanood ko ang “The Avengers” sa kanyang opening day noong Huwebes. Tawa sila ng tawa sa mga punchlines ni Robert Downey, Jr. na nag reprise ng kanyang role bilang Iron Man. May mga tumili sa mga chase scenes nina Jeremy Renner at Scarlett Johansson na gumanap bilang sina Hawkeye at Black Widow. At nang ipagwaswasan ni Mark Ruffalo na gumanap bilang Hulk ang kontrabidang si Loki na ginampanan naman ni Tom Hiddleston, di lang sila humalakhak. Nagpalakpakan, nagtakadan ng mga paa at nagsipulan pa sila. Ayos, sabi ko. Tiba-tiba na naman ang Marvel Studios.

Sa casting pa lang kasi, mukha ng panalo ang “The Avengers,” ang ika-anim na installment ng Marvel Cinematic Universe. Pagsama-samahin ba naman ang mga comic heroes sa isang pelikula, ang prediksyon na resulta–wagi na agad ito sa takilya. Ayon sa mga nabasa ko, as early as 2005 daw, binabato na ang ideya na isapelikla ang “The Avengers” sa maraming investors ng Wall Street. Mga dalawang taon pa ang lumipas bago nagsimula ang kanyang pre-production phase at limang taon pa ang lumipas bago ito tuluyang nabuo at naipalabas.

Para sa akin, bukod sa napagsama-sama sina Iron Man, Hulk, Thor, Captain America, Black Widow at Hawkeye sa isang save-the-world mission movie, ang talagang nakapagpanalo sa “the Avengers” ay ang kanyang upbeat at lively na script at ang magaling nitong direksyon. Syempre, credit goes to Joss Whedon na siyang parehong screenwriter at direktor ng pelikula. Sa mga interbyu kay Whedon, sinabi ng direktor ng pelikula na sobrang fan saw siya ng mga Marvel comics heroes at kitang-kita naman talaga ang fascination nya sa mga ito sa kabuuan ng movie. Samahan pa ito ng high-tech visual effects na talagang suwabe at makatotohanang tingnan, talagang buo na ang rekados para maging blockbuster ang pelikula.

Bagama’t  bilasa na ang plot ng “The Avengers”—kuwento ng mga aliens na gustong maghari sa mundo at lipulin ang buong sangkatauhan at ang ginawang pagliligtas ng combined efforts ng mga super heroes, nabawi naman ito sa umaatikabong aksyon at mahusay na pagkakaganap ng mga artista. Sa kanilang lahat, si Robert Downey, Jr. ang lumutang hindi lang dahil mas marami siyang screen time kumpara sa lahat, nabigyang buhay niya talaga ng buong husay ang character ni Tony Stark, ang billionaire genius playboy na umembento sa Iron Man suit.

Naisip ko lang habang pinapanood ko ang pelikula: sa dinami-dami na ng super hero movies na na produce,  matatandaan pa kaya ng mga tao 50 years from now ang “The Avengers”? Ano na kaya ang state of movie technology at special effects sa panahong yun? Ilan pa sa aking mga afterthoughts: Kailangan ba talagang laging hitsurang metallic robots ang mga aliens? Hindi ba pwedeng mukhang insect o kahit spongebobs sila? Pero binura ko muna ang mga thoughts na ito sa aking malikot na utak. Live for the moment, sabi ko sa sarili. At inenjoy ko nga ng todo-todo ang super entertaining na pelikulang ito ng Marvel Studios.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life, Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s