Ang “100 Most Influential People” ng TIME

Walumpu’t-anim na araw daw ang iginugol ng staff ng Time magazine bago nabuo ang kanilang special issue na pinamagatang “The 100 Most Influential People in the World.” Dalawampu’t-apat na writers naman ang kanilang pinakiusapang magsulat ng mga tig-tatlo o tig-apat na paragraphs tungkol sa mga taong nakasali sa listahan. Para lang mga mahahabang “tweets” ang mga sinulat nilang parangal.  Lahat sa 24 na writers na ito ay mga dati ring honorees, kabilang na si President Barack Obama na nagsulat ng apat na maigsing paragraphs tungkol kay Warren Buffet. Ang ibang mga nagsulat ng parangal ay mga manunulat at editors din ng  magasin. Limang bansa, siyam na siyudad at tatlong continents ang pinuntahan ng mga staff ng Time para mag-photo shoot sa mga honorees. At sa magic ng disenyo at malawak na imahinasyon ng kanilang senior art director na si April Bell, astig ang layout ng special na issue na ito ng Time. Tunay na ito ay isang pambihirang collectors’ item.

Kung hindi ako nagkakamali, pang-apat na itong taon na ginagawa ng Time magazine–ang maglimbag ng isang special issue tungkol sa 100 tao na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mundo. Gaya ng kanilang ginagawang proseso sa pagpili ng kanilang “Person of the Year,” madugo at sobrang sakit sa ulo ang proseso sa pag come out ng 100 pangalan buhat sa libo-libong taong qualified mapabilang sa listahan. Nai-imagine ko na ang mga brainstorming, deliberation at botohan na nangyari. Ano nga ba ang mga qualifications bago ang isang tao ay mapabilang at mapansin ng prestigious magazine tulad ng Time?

Ayon kay Rick Stengel, ang managing editor ng magasin, naghanap daw sila ng mga tao na nakakapagsimulang gumawa ng chain reaction ng magagandang bagay. Ayon sa kanya: “….how individuals can start a chain reaction of virtue, shaping events in ways that can become both viral and enduring.” Idinagdag pa ni Stengel na nabubuhay daw tayo ngayon sa isang mundo kung saan ang leadership ay sumsulpot sa mga di inaasahang lugar. Kaya gumawa sila ng apat na categories: Breakouts, Pioneers, Leaders and Icons. Iba’t-ibang tao buhat sa iba’t-ibang lahi at iba’t-ibang uri ng propesyon at paniniwala pero nag-iwan ng tatak at impluwensiya sa mundo.

Nandyan ang Pakistani woman filmmaker na si Sharmeen Obaid-Chinoy na pinuri ni Angelina Jolie: “I dare anyone to watch this film (“Saving Face”) and not be moved to tears and inspired into action.” Ang football quarterback na si Tim Tebow na pinarangalan ng basketball sensation na si Jeremy Lin (na isa ring honoree): “He is unashamed of his convictions and faith and he lives a life that consistently reflects his values , day in and day out.” Ang social news guru na si Pete Cashmere na ayon sa aktres na si Alyssa Milano ay ginamit ang digital world para sa kabutihan. “On his 23rd birthday, he used social media sites to raise money to build fresh water wells in Africa.” Pinangaralan din ng Grammy award winning singer at songwriter na si Pink ang music icon na si Adele :”Her success renews hope in me that the world I live in has good taste–that we still occasionally come back to what’s simple, and simply amazing.”

Pero meron din silang isang section na tinawag nilang “Rogues Gallery: The Dark Side of Influence” kung saan binanggit naman nila ang mga taong kinokonsider nang nakararami na mga kontrabida sa mundo. Ganunpaman, malaki rin daw ang kanilang impluwensiya sa daigdig. Sina Kim Jong Un ng North Korea, Mullah Mohammed Omar at Sheik Moktar Ali Zubeyr ng Afghanistan at President Bashar Assad ng Syria. Di na natin kailangang ipaliwanag kung bakit sila ay itinuturing na kontrabida o dark force sa ating mundo.

Ilan lamang sila sa 100 personalities na gumawa ng kanilang mga sariling marka sa mundo at ang mga ordinaryong taong katulad ko ay na-touch, in one way or another ng kanilang angking galing,  talino, sakripisyo, paniniwala, prinsipyo, pilosopiya, pagkatao.

Bukod sa napaka informative at nakakaaliw basahin, ang “100 Most Influential People” na special issue ng Time magazine para sa taong ito ay nakaka-inspire rin. Habang binabasa ko ang paglalarawan sa mga taong pinarangalan, na remind ako na kahit na sino—ikaw at ako, sa kahit na anong paraan at kapasidad ay maaari ring gumawa ng magandang kontribusyon upang maging mas maayos ang mundong ating tinitirahan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Entertainment, Personalities, Reflections, Trends. Bookmark the permalink.

5 Responses to Ang “100 Most Influential People” ng TIME

  1. Nymfa Aranas says:

    Yes! I really like your concluding statement…. “. . . kahit na sino—ikaw at ako, sa kahit na anong paraan at kapasidad ay maaari ring gumawa ng magandang kontribusyon upang maging mas maayos ang mundong ating tinitirahan.”

  2. aNn!e says:

    hi ninong…sa May 15 fly8 nmin going 2 mla…sponsored my gemma hehehe..ky gem ko na rin ibigay ung invitation at giveaways for u sya na bahala giv sau f wen u uwi pinas..

  3. aNn!e says:

    type ko ung description u sa pinoytaipeiboy…lav it…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s