Si Wang Yung Ching

Mababa lang ang kanyang pinag-aralan pero ang kanyang mga ideya sa negosyo ay itinuturo sa Wharton School of Business. Kino-quote siya ng mga big time na stockbroker sa Wall Street. Tinawag siyang “God of Business Management” at “Wizard of Entrepreneurship.” Hanggang ngayon, itinuturo ng mga dalubhasa sa mga top business schools sa buong mundo kung papaano niya napalago ang kanyang $NT200 na kapital at naging NTS2.6 trillion ang kita  nito sa loob lamang ng 50 taon. Hanggang sa huling araw daw ng kanyang buhay, nagtrabaho pa rin  si Wang Yung Ching, ang pinakasikat na industrialist sa Taiwan, at founder ng Formosa Plastics Group. Namatay siya sa New Jersey, USA sa edad na 92 noong 2008  at nung taong ding yun, nalista siya ng Forbes magazine bilang ika-178th na pinakamayamang tao sa buong mundo. Hindi maiwasang maihalintulad ang kanyang naging tagumpay sa “economic miracle” na nangyari sa bansang Taiwan noong dekada `80.

Binasa ko ang maigsing talambuhay ni Wang Yung Ching sa librong “Why Taiwan Matters, Small Island Global Powerhouse” na sinulat ni Shelly Rigger (Rowman & Littlefield Publishers, Inc., 2011, 209 pp. ) at nagkaroon ako ng goosebumps. Sinaliksik ko ang mga articles na sinulat tungkol sa kanya sa internet at mas lalo akong napabilib sa talas ng business acumen ni Mr. Wang. Sabi ng ilang experts, dalawang salita lang daw mailalarawan ang kanyang business philosophy–diligence and simplicity. Sabi naman ng ibang observers, tigre siya pagdating sa kompetisyon. Pero lagi siyang maaalala sa kanyang famous quote: “Nothing is easy in this world but nothing is impossible.”

Ipinanganak sa Xindian, Taipei county si Wang Chung Ching noong 1917. Noong siya ay 16 na taong gulang, umutang siya ng NT$200 para magbukas ng isang negosyo ng bigas. Natalo daw niya ang kanyang mga kalaban sa negosyo kasi mas late siyang magsara ng tindahan at di daw siya maluho. Noong 1954, umutang si Wang ng $US800,000 sa isang US development assistance para mag-produce ng polyvinyl chloride resin, na kanya mismong idinideliver sa mga customer gamit ang mga ox carts. Nang madiskubre niyang limitado ang market ng PVC, itinayo naman niya ang Nan Ya Plastics Processing Corporation. Lumago na ito ng lumago hanggang sa naging Formosa Plastic Group of Companies na ito. Sa kasalukuyan, mahigit sa 80,000 na empleyado ang nagtatrabaho sa kompanyang itinatag ng sikat na Taiwanese industrialist.

Gaya ng lahat ng negosyo, marami ring hinarap na problema si Mr. Wang. Tinuligsa siya ng mga environmental groups dahil sa panganib na idinudulot ng plastic sa kapaligiran. Religious naman daw siyang sumunod at nag-comply sa mga global environmental standards at di lang yun, nagtayo pa siya ng isang organic fertilizer at organic vegetables company. Naging major obstacle din ni Mr. Wang ang pagtatayo ng branch ng kanyang negosyo sa China at US pero hindi niya ininda ang mga problemang ito. Lagi raw siyang mayroong sagot sa bawa’t tanong. At sa mahigit na 50 taon ng kanyang mga itinayong negosyo, wala pa raw na hinarap na eskandalo o kontrobersiya ang Formosa Platstics Group.

Habang lumalago ang negosyo ni Mr. Wang, mayroon din siyang tinatayong parallel philathropic projects gaya ng itinatag niyang university, museum, etc. Mahirap daw mailarawan ang personality ni Mr. Wang kasi “he is both one  and many things at the same time.” Sabi nga ng Kuomintang official website: “Wang Yung ching was visionary without being utopian, pragmatic without being staid, decisive without being impulsive. This sort of integrity is the essence of Taiwan’s entrepreneurial spirit.”

Sa buong isla, itinuturing si Wang Yung Ching na isang business hero. Sa kanyang apat na anak, sinasabi ng mga business observers na ang anak niyang babaeng si Cher Wang ang  magmamana sa  trono ng kanyang nasirang ama. Sa kanyang recent declared assets na umaabot sa $US8.8 billion, si Cher Wang ang siya ngayong itinuturing na pinakamayamang tao sa buong Taiwan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Personalities, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s