Sabado Night sa On Tap

Sabado ng gabi, tinawagan ako ng aking kaklaseng Espanyol na si Alex at tinanong kung gusto ko ba raw pumunta sa isang English pub sa Zhongxiao Dunhua. Anong okasyon? Tanong ko. Pista raw ni St. George, at sa England at maraming bansa sa Europe, big deal daw ang okasyon na ito. Dahil wala naman ako talagang gagawin kundi  manood ng TV at magbasa ng libro, umoo ako. Since naka-online din ako nung panahong yun, ni-research ko pa sa internet kung sino ba itong si St. George. Isa pala siyang Roman soldier na naging martyr dahil nung idineklara ni Emperor Diocletian na lahat daw ng sundalo ay kailangang mag-alay sa mga Roman gods nung 302AD , pumalag itong si St. George at sinabing di siya kailanman mag-aalay sa mga pekeng diyos dahil si Jesus lang ang kanyang sinasamba. Kaya napugutan siya ng ulo at hinirang na isang military saint.

Nang madagdagan ang aking historical knowledge, nagbihis na ako at yumagyag sa Dunhua MRT station kung saan ako tinagpo ni Alex bago kami nagpunta sa “On Tap,”ang English pub na nasa number 21, alley 11 lane 6. Marami na rin akong napasok na English pubs. Sa Makati, sa Ortigas, sa Hong Kong, sa Australia at sa Bangkok. Wala namang pinagkaiba ito sa mga ibang napasukan kong English pubs sa ibang bansa maliban na lang sa hindi ito mausok. Bawal manigarilyo sa loob. Dahil sa pista nga ni St. George, ang daming lobo sa loob ng pub at overflowing ang English ales at ciders. Di na namin naabutan na libre ito so sa halagang NT$100, tinikman ko ang non-alcoholic rasberry cider. Okay naman ang lasa, although ito yung tipo ng inumin na di ko hahanapin.

Nasa loob na ng pub ang Taiwanese girlfriend ni Alex na si Sylvia at ang kaibigan nilang si Krystal. Nagsimula na kaming magkumustahan at magkuwentuhan at habang wala pa ako sa mood bumangka ay nagmasid-masid muna ako. Una kong napansin, aside from being an English pub, sports bar din itong “On Tap.” Anim o pitong malalaking TV screens ang nakapalibot sa amin na nagpapalabas ng football game. Ang daming advertisements ng sports paraphernalia sa mga dingding. Next observation: bagama’t predominantly mature English men and women ang customers, mixed din ang crowd. Sa katunayan, ibinulong ko sa mga kasama ko na yung nasa katabing table namin ay mga Taiwanese na kabataan na sa aking estima ay mga 13-16 years old lang. Ganoong kababata at marunong ng tumambay sa pub? Alam ba yan ng mga Tatay at Nanay nila? Tanong ko sa mga kasama ko. Legal ba na pagsilbihan sila ng alcohol kasi napansin kong nagsisimula na silang mag tequila shots. Para akong naiiskandalo. “Relax,” sabi sa akin ni Alex. “Don’t mind them.”

Maya-maya ay dumating na ang boyfriend ni Krystal na si Dennis at umorder na kami ng fries at beer. Kung saan-saan napunta ang aming diskusyon. Sinimulan naming pag-usapan ang darating na London Olympics. Tapos, napunta kami sa usapan tungkol sa mga accents, iba’t-ibang paraan ng pagsasalita ng ingles, hanggang sa update kung nasaang level na kami sa aming Chinese lessons, nag segue ang usapan tungkol sa mga sasakyan, computer software, pagkain at tree planting! Bumangka na ako pero maya’t-maya ay na di-distract ako sa music na ikinagulat ko dahil paborito rin pala ng mga kaibigan kong foreigner ang mga pinapatugtog dito sa “On Tap”–mga`80s artists gaya ng “Tears for Fears,” “Depehe Mode,” “Queen” at “Duran Duran.” Natapos kaming nakikisabay na lang sa kantang “Mad World” ng “Tears for Fears” habang bumuhos ang malakas ng ulan.

Second or third time ko lang yatang pumunta sa pub ngayong taong ito at na-realize ko na kumpara sa buhay ko sa Maynila, napaka-tame pala ng nightlife ko rito sa Taipei. Actually, wala naman akong nightlife talaga rito. Tonight is just an exception.  Bago kami maghiwa-hiwalay, nabanggit sa akin ni Alex na maya’t-maya raw ay binubuksan niya ang blog kong ito pero na-f-frustrate daw siyang basahin kasi Tagalog daw ang lenggwaheng ginagamit ko. Sinubukan daw niyang gumamit ng google para ma-translate into English or Spanish ang mga pinagngangangawa ko rito pero wala pa raw diumanong Tagalog translation ang google.

Sabi ko, Tagalog ang pinili kong lenggwahe kasi ang target readers ko ay Pinoy. Hindi ko kako naisip na may mga dayuhan na magiging intersadong magbasa ng mga blog ko. Tapos ay binaggit ko ang pinahiram kong libro sa kanya, ang “Reflections on Taiwan by Foreigners” at ang sabi niya ay binabasa pa raw niya ito. “Maybe we should co-write a blog, together, what do you think?”

“Yeah, why not?” Sabi ko. “Or maybe we can form a band!” Nagulat at natawa ako sa aking sinabi. Kasi bigla kong na-realize, parang ang tanda ko na yata para maging miyembro ng band.

Tumila na ang ulan at naghiwa-hiwalay kaming nagtatawanan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s