The Litigators

Nasa chapter 39 na ako ng page turner ng librong “The Litigators,” ang ika-27 nobela ni John Grisham, nang maramdaman kong ayaw ko ng ituloy pang basahin ang libro. Parang kasing nanliliit ako sa kwento ng tatlong bugoy na lawyers na nagsampa ng demanda laban sa Varrick Labs, isang higanteng pharmaceutical company, na gusto nilang magbayad ng malaking danyos dahil ang mina-manufacture nitong gamot na Krayoxx ay diumano’y nagiging sanhi raw ng heart attack. Nasa bingit na ng pagkatalo ang tatlong abogado. Hindi sila handa sa kanilang depensa, at nangangamba ako dahil sa sobra na silang nagmumukhang kawawa at mga talunan.

Pero sabi ko sa sarili, never pa akong hindi nakatapos ng isang John Grisham novel. Simula nung una kong binasa ang kanyang unang nobelang “A Time t Kill” more than 20 years ago, naging isang Grisham die hard fan na ako at sinubaybayan ko na ang kanyang bawa’t nobela. Bagama’t may mga  libro si Grisham na sa tingin ko’y sumablay siya sa pagkukwento, hindi pa naman ako talaga na disappoint ng todo-todo. Three hours later, nang matapos kong basahin ang mga huling salita ng Epilogue ng “The Litigators,” napabuntunghininga ako at napangiti dahil gusto ko ang naging ending ng nobela.

Gusto kong magbasa ng mga John Grisham novels dahil mahilig siya sa mga characters na underdog. Yung mga naaapi at tipong mga patapon na ang buhay. Ang hilig din niyang tumalakay sa mga characters na gusto nang maglaho, umalis sa isang lugar at mag-assume ng bagong identity sa  ibang bansa. Gamit ang talas ng kanyang expertise bilang isang dating active lawyer, at angking talino sa  pagsusulat, nakakapaghabi siya ng sunod-sunod na legal thrillers na talagang pag sinimulan mong basahin ay ayaw mo na itong bitawan.

Sa “The Litigators,” tinalakay ni Grisham ang kwento ni David Zinc, isang 31-taong gulang na abogado na graduate ng Harvard na na-burnout na sa pag-pa-practice ng corporate law sa isang prestigious law firm. Nang mag-snap si Zinc, nagtrabaho siya sa pipitsuging law firm na Finley & Figg, isa diumanong “boutique law firm” na nag-ha-handle ng mga cheap divorce cases, domestic spats, etc. Pinamumunuan ito ng dalawang middle-aged na mag-partner sa trabaho na wala ng ginawa kundi magbangayan. Isang araw, sa pagbisita nila sa isang kliyenete, nabalitaan nila ang tungkol sa isang anti-cholesterol drug na kung tawagin ay Krayoxx, na diumano ay nagiging sanhi raw ng heart attack. Dito nagsimula ang kanilang idea na idemanda ang malaking pharmaceutical company na Varrick Labs.

Sa palagay ng kanilang senior partner, ito na ang pinakahihintay nilang  break para maging big time law firm din sila. Kailangan lang nilang maghanap ng mga kaso ng mga taong umiinom ng Krayoxx, na nagkasakit o namatay at kumbinsihin ang mga kamag-anak na magdemanda laban sa Varrick Labs. Pero hindi pala ganoong kadaling maging big time. Sa tindi at yaman ng CEO ng Varrick Labs, para silang mga payatot at comatose na pasyente na inilagay sa boxing ring kalaban si Manny Pacquiao.

Para walang spoilers, hindi ko na sasabihin kung ano ang nangyari sa takbo ng kuwento. Ang masasabi ko lang, bilang isang ordinaryong tao na walang kaalam alam sa batas, maraming technical na impormasyon na inilahad si Grisham sa paraang nakakamangha at nakakaaliw. Sa katunayan, kumpara sa iba niyang nobela, ang daming eksena sa “The Litigators” na natagpuan ko ang sarili kong humahalakhak. Pero bukod doon, matalino niyang nai-segue ang mensahe na it is not easy to put a good man down. Na gaano man ka-lugmok sa pusali ang isang magaling at matalinong tao, maaari siyang rumesbak, magsimula at lumaban ulit.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Entertainment, The Writing Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s