Eslite Bookstore

Pag wala ako sa bahay, maaari akong matagpuan sa mga bookstores dito sa Taipei. At ang pinakamalimit kong puntahang bookstore ay ang Eslite, ang pinakamalaking chain of bookstores dito sa Taiwan. Noong una’y di ko alam ito i-pronounce. Ano ba talaga? Eslite with an “s” or without “s?” So to set the record straight, tinanong ko ang tao sa customer service. The word “Eslite” daw came from Medieval French, and it’s pronounced without an “s.” Sa salitang Mandarin, Chenpin sutien ang tawag sa bookstore na ito.

Sa 49 branches ng Eslite bookstore na nagkalat sa buong Taiwan, dalawang branches ang aking tambayan–ang original branch na nasa Dunhua street at ang pinakamalaking branch na nasa Xinyi district. Parehong puno ng tao ang dalawang branches bagama’t mas maraming nagpupunta sa Dunhua pag gabi dahil ito ang natatanging branch na bukas ng 24 oras. Nung bago pa lang ako rito, di ako makapaniwala. Sino namang engot o adik ang magpupunta sa mga bookstore ng mga alas tres ng umaga? Pero ayon sa mga nakakausap ko–marami raw. Maraming insomniacs, estudyante, at senior citizens  ang tumatambay sa Eslite bookstore para magbasa.

Nagsimula ang Eslite bookstore bilang isang maliit na bilihan ng libro sa downtown Taipei noong 1989. Ang kanyang Founder at President na si Wu Ching Yu ay unang nakilala bilang tiga benta ng mga kitchen equipment. Tapos bigla siyang nag branchout into books. From a small bookstore, isa-isang nanganak ang mga branches ng Eslite hanggang sa magkaron na rin ito ng mga branches sa Hongkong. Bukod sa libro, nakilala rin ang Eslite for its stationaries, bags, novelty items, CDs and DVDs, coffeeshops, designer goods, house boutiques. Sa madaling salita, hindi na lang siya chain of bookstores ngayon kundi chain of malls na rin. Ayon sa isang website, $NT10 billion daw ang average annual sales ng kompanyang ito o mahigit kumulang sa US$303 million kada taon. Noong 2004, na-feature ng TIME magazine ang Eslite bilang isa sa mga must-see places sa buong Asia.

Bukod sa saksakan ng daming English books at magazines, isa sa mga dahilan kung bakit ito dinadayo ay dahil sa kanyang very impressive interiors at decors. At alam mong ine-encourage nila ang pagbabasa kasi halos lahat ng libro ay nakabukas at marami silang upuan para magbasa. Very well lighted din ang bawa’t sulok ng bookstore which is truly conducive for reading. Katunayan, isa sa mga nakaka-impress na eksena sa bookstore na ito ay ang dami ng mga bata–as young as 3 or 4 years old, na nakatambay sa mga children’s section ng building. Karamihan sa kanila ay nakadapa o nakaupo sa carpet at seryosong nagbabasa ng mga English and Chinese books.

Hindi dumadaan ang isang linggo ng hindi ako pumapasyal sa Eslite bookstore. Dito ako nagbabasa ng mga paborito kong magasin. Dito rin ako na-u-update sa mga bagong limbag na English books at sa mga pinakahuling bestsellers. Pag tinatanong nga ako kung hindi ba raw ako na-b-bore dito sa Taipei, ang parati kong sagot ay hindi dahil sa bookstore pa lang, pwede na akong tumira dito forever.

Sa isang reading nation gaya ng Taiwan kung saan mahilig magbasa ang mga tao–bata man o matanda, bentang benta ang pang-akit na ito ng Eslite hindi lamang  para sa mga Taiwanese kundi para na rin sa mga foreigners na tulad ko. Without saying much, the bookstore has  communicated and promoted the passion for knowledge and the eternal joys of reading.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Eslite Bookstore

  1. nymfs says:

    been there…. kakamiss talaga taipei😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s