Si Pareng Jimmy

Binasa ko ang librong “The Jimmy Choo Story: Power Profits and the Pursue of the Perfect Shoe” na sinulat nina Lauren Goldstein Crowe at Sagra Maceira de Rosen dahil gusto kong maintindihan ang kalakaran sa mundo ng  mga luxury goods. Hanggang ngayon kasi, di ko talaga lubusang maunawaan kung bakit may mga taong gumagastos ng limpak-limpak na salapi para sa mga branded items gaya ng sapatos, bags at belts.  Gusto ko ring malaman ang istorya kung paano binebenta at mina market ang isang luxury product.

Una akong nakakita ng Jimmy Choo shoes sa isang boutique sa Hong Kong ilang taon na ang nakakaraan. Impressive nga ang ganda at craftsmanship ng mga sapatos. Sumunod kong tanong.: Sino ba itong si Jimmy Choo? Sa libro nina Crowe at Rosen, napag-alaman ko na Malaysian shoemaker pala siya na naka-base sa London. Ang tunay niyang pangalan ay Chow Yang Keat. Nagkamali lang daw ng spelling, kaya naging Choo. Eleven years old pa lang siya nung una siyang gumawa ng sapatos. Ito na ang naging hanapbuhay niya hanggang siya ay magkaroon ng pamilya at ma-base na sa London.

Dahil sa angking talino niya sa paggawa ng sapatos, kinareer na ni Jimmy ang sining at agham ng pagawa ng mga ito. Nag enroll siya sa Cordwainer’s Technical College sa England (na ngayon ay London College of Fashion) habang nag-trabaho siya sa mga shoe factory at ilang restaurant. Pulido ang kanyang mga ginagawang sapatos at unti-unti itong napansin ng mga socialites sa London. Unang nakilala ang kanyang mga sapatos nang ma-feature ito sa walong pahina ng Vogue magazine noong 1988. Pero mas sumikat si Jimmy ng magustuhan ng ngayon ay yumaong Princess Diana o Lady Di ang kanyang mga sapatos.

Naging brand name ang pangalang Jimmy Choo nang makipag-tie up ang  London socialite na si Tamara Mellon Yeardye, ang dating Vogue magazine accessories editor, sa sikat na shoemaker. Sa katunayan, siya ang utak ng Jimmy Choo brand. Si Tamara ang naghikayat sa kanyang mayamang pamilya na mag-invest ng malaki para makapagsimula sila ng Jimmy Choo chain stores. Alam niyang mag-k-klick ang pangalan dahil sabi nga niya: “it rhymes. It sticks in your head.”

Ninety percent ng librong “The Jimmy Choo Story” ay kung paano napalago ni Tamara ang Jimmy Choo brand. Sa bahaging ito, naging parang isang business book na ang kuwento habang tinalakay ng mga authors ang mga technicalities ng negosyo–ang mga acquisitions, mergers, deals, maging ang mga legal battles, habang unti-unti nang nawala ang personality ni Jimmy Choo, lalo na nung ipinagbili na niya ang kanyang negosyo sa pamilyang Yeardye sa halagang 10 million pounds. Naging isang mistulang brand name na nga lang si Jimmy dahil nakalagay na sa kontratang kanyang pinirmahan na hindi niya pwedeng gamitin ang kanyang pangalan sa anumang negosyo nang walang pahintulot sa pamilya nina Tamara Yeardye.

Maraming drama at samaan ng loob ang nangyari sa pag-akyat ng mga produktong Jimmy Choo  sa mundo ng high fashion. Isa na rito ang paglipat ng pamangkin ni Jimmy na si Sandra Choi buhat sa kanyang poder papunta sa kampo nina Tamara Mellon Yeardye. Hanggang ngayon daw ay di pa rin nag-uusap ang mag tiyo dahil sa malalim nilang hidwaan. Matindi rin ang kwento ng competition ng Jimmy Choo shoes sa ibang luxury brands lalo na ang labanan nito sa kanyang mas nakatatandang competitior–ang Manolo Blahnik shoes.

Gaya ng mundo ng showbiz, maintriga at makulay din ang mundo ng high fashion. Pero ang bottomline ng lahat ng ito ay tubo o profit. Pag di ka kumita o payat ang kita mo, out ka na. Sorry ka na lang kung masagasaan ka. Ganun talaga ang buhay. At paano napapatubo ng malaki ang isang brand product gaya ng Jimmy Choo? Sinasabi ng libro na nasa “imaging” at perspective ang lahat. Kahit given  at tanggap na ng publiko na maganda at pulido ang mga Jimmy Choo shoes, hindi ito sapat. Kailangang mapanatili ang image na primero klase ang mga sapatos. Na gaya ng mga alahas, mahal ang mga ito at di basta-basta ang nagsusuot ng mga sapatos ni Pareng Jimmy.

Kung akala ng marami na madali lang itong gawin, ang kwento ng Jimmy Choo shoes ang patunay na sa malalaking negosyo, pawis, dugo, pagkawala ng pangalan, matitinding awayan at marami pang iba ang mga puhunan para magkamal ng limpak-limpak na salapi.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Personalities. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s