Cooking for One and Dining Alone

Binasa ko ang unang pangungusap, at tuloy-tuloy na akong  na-hook. “Call it seven-thirty on a Wednesday night. No one else is home. A light hunger hums in your body , so you wander into the kitchen.” Yan ang introduction ng librong “Alone in the Kitchen with an Eggplant: Confessions of Cooking for One and Dining Alone.” Isa itong koleksyon ng mga sanaysay ng 26 na manunulat na naglahad ng kanilang mga karanasan tungkol sa pagluluto at pagkain nang nag-iisa. Inedit ni Jenni Ferrari-Adler, ang nasabing libro ay sinimulan kong basahin sa isang coffeeshop nung weekend habang ako’y umiinom ng tsaa at natapos ko ito kagabi sa aking kama habang nag-i-imagine ako ng  sanlaksang food recipes na gusto kong subukang lutuin sa mga susunod na araw.

Kinapapalooban ang buong libro hindi lang ng mga essays tungkol sa solitary cooking and eating, kundi pati na rin  ng maraming recipes na madali lang lutuin–magmula sa appetizer na salad hanggang sa malilinamnam na mga panghimagas. Na-enjoy kong basahin ang “Alone in the Kitchen with an Eggplant” kasi sobra akong naka-identify sa mga writers na naglahad ng kanilang karanasan tungkol sa kung paano nila na-discover ang kasiyahan ng pagkain ng mag-isa. Iba-ibang solo dining habits at single-living cuisine ang aking natutunan habang pinalakas ng  mga manunulat ang aking loob noong inilalahad nila ang iba’t-ibang paraan ng pag-aalaga sa sarili. Sabi nga nung isang writer na si M.F. K. Fisher: “I came to believe that since nobody else dared feed me as I wished to be fed, I must do it myself with as much aplomb as I could muster.”

Hindi lahat ng mga nag-contribute magsulat sa libro ay naging masaya sa kanilang mga naging karanasan sa pagkain at pagluluto ng mag-isa. Pero nakapag-adjust sila sa sitwasyon at na-overcome din nila ito sa kanilang mga pagmu-muni-muni. Ang sikat na Japanese writer na si Haruki Murakami ay ginawang metaphor ang pagluluto at pagkain ng spaghetti sa pagharap sa kalungkutan. Sa kanyang maikling kwento na pinamagatang “The Year of Spaghetti” kanyang sinulat: “Thinking about spaghetti that boils eternally but is never done is a sad, sad thing.” At ang kanyang conclusion: “Can you imagine how astonished the Italians would be if they knew that what they were exporting in 1971 was really loneliness?” Samantala, ang screenwriter/director naman na si Nora Ephron ay nakapag-express ng kanyang mga romantic thoughts and feelings sa pamamagitan ng pagluluto at pagkain ng mga patatas. Sinabi niya sa  essay na pinamagatang “Potatoes and Love: Some Reflections,” “I have made a lot of mistakes falling in love, and regretted most of them, but never the potatoes that went with them.”

Meron namang mga writers na nagsulat ng mga nakakatawang karanasan. Si Phoebe Nobles na inaming siya raw ay  isang “Asparagus Superhero” ay nagkuwento tungkol sa kaniyang obsesyon sa asparagus at kung paano sa loob daw ng dalawang buwan, wala siyang ibang kinain umaga, tanghali at gabi kundi asparagus lamang. Mayroon namang mga naglahad ng kanilang love affair sa itlog, sa mga maaanghang na sili, buffalo soup at instant noodles.  Naka identify din ako rito dahil kapag na-de-depress ako, naghahanap ako ng maaanghang na pagkain. Madali kasing magamot ng  maaanghang na pagkain ang aking mga foul moods.

Samantala, ibinahagi naman ni Mary Cantwell kung bakit gustong-gusto niyang mag-dine in sa mga restaurant nang nag-iisa. Type na type daw niya kasing magmasid sa mga taong kumakain.  In her own words: “The restaurant is a theater, and my table a seat on the aisle.”

Kung mahilig kayo sa pagluluto, sa pagkain at namumuhay kayong mag-isang tulad ko, perfect na companion ang librong ito.  In fact, nakaka empower itong basahin. Ayon nga sa reflection ng isa sa mga contributing writers : “There is something life affirming in taking the trouble to feed yourself.” Na dinugtungan pa niya ng: “If one could not be with me `feasting in silent sympathy,’ then I was my best companion.”

Amen!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Food, Reflections, The Writing Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s