Pulikat sa Gabi

Isa sa pinaka bad trip na pwedeng mangyari kapag mahimbing ang ating tulog ay ang atakihin tayo ng pulikat sa binti. Sa salitang ingles, nocturnal leg cramps ang tawag dito. Matinding muscle pain either sa mga calves, feet at thighs ang mararanasan ng sinumang taong inatake ng pulikat. Ayon sa mga experts, lahat ng uri ng tao ay pwedeng atakihin ng leg cramps bagama’t mas malimit itong umatake sa mga babaeng nagbubuntis at sa mga middle-aged people na kagaya ko. Marami raw dahilan kung bakit pinupulikat ang mga tao. Maaaring dehydrated sila, mababa ang level ng kanilang calcium, potassium at magnesium sa katawan, sobrang katabaan at marami pang iba. Wala rin itong mabilisang lunas kundi masahe at heat compress.

Nung isang gabi, habang ako’y nag-iinat, inatake ako ng pulikat. First time ko yata ulit itong maranasan after three years. Napasigaw ako kasi ang talas ng sakit. Ang unang pumasok sa utak ko ay kailangang hindi umakyat ang muscle pain. Narinig ko somewhere, pag naka-akyat daw ang pulikat sa may bandang puso–tigok ka na. Actually, hindi naman yung concept ng kamatayan ang kinatatakutan ko kundi yung physical pain. Kaya by instinct, mabilis at maigting kong pinisil ang pinupulikat kong kaliwang binti. Instinct din ang nagdikta sa akin na kaagad pumusisyon sa paraang magiging mas komportable ang pakiramdam ko. Pero ang tagal umalis ng bwisit na pulikat. Naghalo-halo na naman ang mga bagay-bagay na pumasok sa aking isip. Hanggang sa mga pulikat attacks pala, malikot pa rin ang aking imahinasyon. From the gross, to the funny to the serious. Eto ang ilan sa aking mga naisip:

  • Eto na. Katapusan ko na. Goodbye world na. Hindi ko akalaiang sa ibang bansa pa pala ako matitigok! Malapit ko nang ma-confirm kung meron ngang totoong langit at impiyerno.
  • Hindi lang ako pinupulikat. Ang lakas ng palpitations ko. Heart attack din ba ito?
  • Hindi ako dapat magreklamo dahil life is suffering.
  • Wala bang 911 o emergency number dito sa Taipei? Pero kahit na meron, hindi ko naman masasabing pinupulikat ako in Chinese. Anak ng pating, ano nga ba sa salitang instik ang pulikat?
  • Ayan kasi, di ako nag-asawa. Wala akong ka-partner sa buhay. Walang dumadamay sa akin sa hirap at sakit ng pulikat.
  • Langya ka, Ronald. Bawal ang self-pity. Nag-O-O.A. ka na naman!
  • Mabuti nga at sa kama ako inatake. E kung lumalangoy ako sa dagat? Malulunod ako. Mas masakit daw malunod.
  • Sana may parang Richter scale din ang sakit ng leg cramps. Kasi kung lindol ito, palagay ko, intensity 7.5 ito. Ang gout, intensity 9!

Lahat ng thoughts na ito, ang bilis na sumagi at naglaro sa utak ko sa gitna ng aking pulikat attack na tumagal yata ng mga tatlong minuto. Nang dahan-dahan nag-subside ang aking muscle pain at nahimasmasan ako, tumayo naman ako para jumingle. Iika-ika ako sa banyo. Tapos ay humiga ako ulit. Saka ako parang sira na humalakhak at natawa sa aking sarili.

Tinawanan ko lang ang aking puilikat attack.  Sinigurado kong malutong ang aking mga halakhak. Tama ba naman yun?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Humor, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

26 Responses to Pulikat sa Gabi

  1. mellonmoot says:

    Ano ang ginawa mo? Did you raise your leg to stretch the hamstring? Nangyari sa akin yan. Twice in a row. Both legs. Sobrang torture. Absent kinabukasan.

  2. mellonmoot says:

    What did you do? Did you stretch your leg upward habang nakahiga? That happened two me, two nights in a row. Sobrang torture. Absent kinabukasan.

  3. mellonmoot says:

    ay, sorry “happened TO me”..

  4. Tabs says:

    Alam mo, ako halos everyday ako pinupulikat at sobrang sakit. Buti n lang meron ako partner tapos kapag nagigising ko sya sa gabi habang natutulog ako, yun pinipisil nya yung part na masakit tapos nawawala agad. Eh minsan if hindi ko sya nagigising ang tagal mawala ng sakit. Tapos kinabukasan ang sakit sakit ng binti ko.. Gabe talaga yang pulikat na yan pahirap!!!

  5. Salamat sa comment. Naku kung halos gabi-gabi ka pinupulikat e siguro dapat magpatingin ka na sa duktor. Maaaring symptom yan ng ibang uri ng sakit. Unsolicited advice lang.🙂

    • kenta says:

      ako dn po ay nkaranas ulit ng nocturnal cramps s edad 20′ last ko naranasan mga grade 6 aq’ .. ganun parin ang reaksyon ko like nung grade 6 ako’ namamanhid lahat ng ktawan ko, kaya di ko na kaya mag hard pisil kungb.ga hinigup lahat s binti lakas q.. buti nalang nagising nanay ko at sya pumipisil-pisil. sabi nya para daw ako nag seseizure at ganun din nung grade6 pa ako”, mga 5 min. nang mahimasmasan na ako’ at ibinuka ko aking mata.. na conclude ko epekto kaya yun sa palaging kong pgpupuyat dahil sa thesis namin. at wla na ako meju ehersisyo.. ???? kailangan ko na bah talaga mg vitamins…??

  6. thanks for reading. hindi ako duktor kaya di kita masasagot accurately sa mga tanong mo. ang masasabi ko lang, kung mlaimit kang atakihin ng cramps, baka dapat magpatingin ka na. sa awa naman ng Diyos pagkatapos kong isulat ang blog na ito, hindi pa ulit ako nagkakaroon ng leg cramps. sana naman huwag na akong dalawin ulit ng pulikat.

    • lou says:

      hello! ako sin almost everyday pinupulikat at pag naramdaman mo ulit yan tumayo ka agad as in tanggal agad mga 10-20 seconds lng. try mo kc subok ko na.

  7. Maribe says:

    Aking mr. Puh mdalas pinupulikat at napakasakit nga dw,pag inataki x,gnagawa q ng paraan,lagyan ng mainit na bimpo at imasahi…at minsan pa nga s gitnang ng pag making love nmin mag asawa,inataki x ng pulikat nia,kya tlgang badtrip..anu p vah puh ang paraan?pwde igamot bukod s pag masahe q at paglagay ng mainit n bimbo.plz reply.tnx

  8. Jerome Oloroao says:

    Hahaha same here. Halaklak after pulikat attack.

  9. Sorry for the very late reply. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng mga blogs ko, itong “Pulikat” ang pinaka most visited. Siguro nga ay maraming pinupulikat na tao ngayon. Ayon po sa aking gym instructor, ang kalimitan daw pinupulikat ay yung mga taong kulang sa tubig. Yung mga na-de-dehydrate. kaya ang payo niya, uminom ng mga isa hanggang dalawang baso ng tubig bago matulog.

  10. Donn says:

    Anu po bng pinaka.mbisang lunas kpag inatake ka ng pulikat.?

  11. Donn says:

    Anu po bng pnka.mbisang lunas kpag inatake ng pamumulikat?

    • sabi nila, pisilin mo lag ng madiin yung bahagi na pinulikat at antayin mong humupa ang sakit. uminom ng tubig at masa-masaghihin ang napulijat na bahagi. yun lang daw ang first aid dyan, ayon sa mga nakausap ko.

  12. josel says:

    very fast relief po, tumayo agad ng staight ang legs, stretch dpat ang legs, wla pa one minute wla na un pulikat, npakaeffective.. ngalay nga lng pgkatapos

  13. jeff says:

    The article is informative and entertaining. I just experienced it. It’s true. It’s really painful; a nocturnal cramp. I decided to surf the internet to know the causes and possible remedies for my leg cramp. I have browsed 3 articles about it. Fortunately, i read your blog. I can relate to your funny imagination or thoughts while experiencing the severe pain caused by cramp. I kept on laughing while reading your blog. Parang nawala sakit ng cramp dahil sa kakatawa. Thank you for writing this article. God bless you.

  14. Thank you very much for the kind words, Jeff. You inspire me to write more.🙂 God bless you, too!

  15. Batanguena says:

    Usually hindi ako nagwoworry kapag pinupulikat ako kasi hindi naman nagtatagal. Pero today i had several cramps attacks. Nawawala then bumabalik kaya kinabahan ako. Nakarelate ako sa mga thoughts na naisip mo. Hahaha. Pinamassage ko sa friend ko, inistretch ko din legs ko. Thankfully ok na ngayon.🙂

  16. Tala says:

    Madalas ako pulitikatin, usually middle of the night. Bigla na lang ako magigising sa sobrang sakit. Ang way ko is wag galawin ung binti steady lang hinahayaan ko lang ng ganun kc pag ginalaw ko ung binti ko mas sumasakit. Kung baga idaan lang sa tulog kc pag gising mo wala na ung pulikat at hindi rin masakit ung binti. Yan ang best way ko pag pinupulikat ako.

  17. Lhoydz says:

    Aku madalas pinupulikat lalo na sa gabi bigla nlang akung nagigising sa sakit ang ginagawa ku pag sinumpong ang pulikat ku tumatayo agad aku tapos lakad lakad kunti para mawala sya bata pa aku nararanasan kuna yan kaya alam kuna ang gagawin ku pag sinusumpong aku ng pulikat grabe ang sakit tlaga pati tulog naiisturbo pag sinumpong ang pulikat ku try nyong tumayo agad pag pinulikat kayo tapos lakad nyo kunti yung magalaw lang ang muscle ng binte nyo mawawala agad yan kaylangan kc marelax sya hehe sana nakatulong itong post ku😊

  18. Lery says:

    i cant believe we are the victims of Pulikat still cant move on when i was attacked by the pulikat.. I cried because its so painful .. i call my mom and my sister coz i really dont know how to treat it..

    the only thing they do was they stretched my feet my leg and thigh then afterwards the pulikat was gone.. ahaahahaa

    xD

  19. Notsokeziah says:

    Kagabi nalang ulit ako ponulikat after 2years na siguro. high school palang ako non ng madalas ako pinupulilkat. Super sakit, gigising ka lang para damhin yung sakit tas ang tagal mawala. Tapos may nagturo sakin na pag pinupulikat ka ipress mo yung mga daliri mo sa paa against the wall kung mababa ka or sa floor kung nasa kama ka or kung asan ka man na kaya ming tumayo. Yung press na yun ay yung mabebend sila sa uanahan hahaha gets nyo? Madiin para mawala. Effective sya sakin try nyo.😉

  20. tAMii says:

    Kinginang pulikat to. Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog biglang feeling ko mapipilas yung mga muscles ng daliri ko sa paa. Bwisit! Ang ginawa ko tumayo ako at nagpapadyak hanggang sa mawala yung sakit. Nakakainis talaga!

  21. cyrel says:

    hay grabe ako kagabi lang inatake ng pulikat 8 months preggy na po kasi ako, grabe subrang sakit talaga buti nalang kapag inaatake ako nag kakataon dayshift asawa ko..umiiyak talaga ako sa subrang sakit na halos diko alam pano e mawawala yung sakit… nag kaka pobya na nga ako eh..tapos ito ngayon sakit ng binti ko ilakad lalo na pag paakyat at baba ng hagdan, now ko lang nalaman dapat pala minamasahe yung binti mismo, kasi ang ginagawa lang ng asawa ko itinataas yung daliri ng paa ko na inaatake, kaya pala hindi rin nawawala yung sakit..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s