Color My World

Ilang araw ko nang hinuhuni at kinakanta ang awiting ito habang naliligo ako sa banyo tuwing umaga. Nung una’y di ko ito napapansin. Pero nang matagpuan ko ang sariling binubulong bulong ang kantang it0 sa loob ng elevator, sa gitna ng kalye, sa bookstore at sa kusina habang nagluluto, nagkaroon ako ng “teka moment.” Aba teka, sabi ko sa sarili. Bakit parang tinutulak ng subconscious mind ko na pag-isipan ang kanta? Anong meron ito at tila ayaw akong tantanan? So kagabi, habang nagpapaantok ako, ni research ko ang lumang awitin na recently ay parang nagiging stalker ko na.

Ang awiting “Color My World” ay isang lumang hit song ng grupong Chicago, isa sa aking mga favorite slow rock at jazz fusion bands. Sila rin ang kumanta ng isa sa aking all-time favorite songs, ang “Happy Man.” Sinulat ni James Pankow, ang “Color My World” ay mayroon lang 40 words sa kanyang lyrics. “As time goes on/ I realize/ Just what you mean to me/ And now,/ now that you’re near/ Promise your love/ That I’ve waited to share/ And dreams of our moments together /Color my world with hope of loving you.”

Maigsi lang ang lyrics na kinanta ng Chicago lead vocalist na si Terry Kath bagama’t umabot din ng 2.59 minutes ang running time ng buong kanta. More than half of the song ay flute music lang ang maririnig at ito ay pinerform ni Walter Parazaider, miyembro rin ng bandang Chicago. Unang na-release ang “Color My World” single nung March, 1970 at nung 1971, naging number 7 ang kantang ito sa “Billboard Hot 100 Songs” sa US. Ayon pa sa internet: “The major seventh chord  that begins the song has been called,”the most famous major seventh chord in the history of music.” Kuhang-kuha ito ng mga piyanista at gitarista.

Marahil ay grade one or grade two lang ako nang una kong kantahin ang”Color My World.” Mayroon kasi kaming vinyl record ng kantang ito sa lumang bahay namin sa Batangas at natatandaan ko, pinapatugtog ito ng mga kapatid ko sa Akai stereo ng aking tiya. Syempre, hindi pa uso ang CD at digital recording noon. Gaya ng mga awitin ng “Bread,” maraming naibabalik na childhood memories ang kantang ito ng Chicago. Naaalala ko na sinasayawan ito ng “sweet” ng aking mga pinsan pag may mga salu-salo kami sa bahay. Kinakanta ko ito on lazy Sunday afternoons bago kami mag siesta. Ito rin yata ang isa sa mga unang kantang nakapa kong tugtugin sa piano.

Lagpas na sa 30 years simula nung una kong marinig ang “Color My World,” at hanggang ngayon, para akong minumulto ng kanta. Napaka haunting kasi ng kanyang mabagal na melody at kahit sa huni lang ng flute, may kung anong kapangyarihan ang awit na ito para makabalik ako sa mga masasayang araw ng aking kamusmusan.

Salamat sa internet at sa youtube, naririnig ko anytime of the day ang “Color My World.” At lagi lagi na, napapatingkad nito ang kulay ng araw ko kahit para akong sira na humuhuni at sumisipol habang masayang naglalakad sa mataong kalsada na nilalakaran ng mga mukhang seryosong instik.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Memories of Home, Music. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s