Mood Swings

Isang linggo nang parang pendulum ang aking moods. Pabalik-balik ako sa pagiging masaya sa pagiging inis at bwisit. Sa pagitan nito, dinadaanan din ako ng barsyagas o foul mood. Hindi naman ako nalulungkot pero parang may feeling of emptiness na pumipitik sa dibdib ko. Alam ko ang pinanggagalingan ng lahat ng ito kaya hindi naman ako nagagambala. Feeling ko nga, I am managing my moods well. Yun nga kaya or am I just trying to convince myself?

Nagsimula ang lahat nang mangako ako sa sariling magiging seryoso na ako sa aking pagbabawas ng timbang. Sabi ko sa sarili, mag-de-detox at fasting ako. Tamang tama, Holy Week naman. Kaya for the past nine days, salad lang ang aking kinakain at tubig lang ang aking iniinom. Para akong kambing na ngumunguya ng mga dahon. Kapag mahilo-hilo na ako sa gutom, kumakain ako ng prutas–minsan saging, pinya o apple. Ito ang dahilan kung bakit ako nagkakaroon ng mood swings. Nag-re-react ang utak ko sa food deprivation.

Pag bumababa ang aking biorhythm, mino-motivate ko ang aking sarili. Nag-s-surf ako sa internet at nagbabasa ako ng kung ano-anong articles tungkol sa benefits of fasting and dieting. Pag pumapasok sa isip ko ang pagkain, kaagad akong nag-b-brisk walking sa labas na minsan ay nauuwi sa pagtakbo. Pinipikit ko ang mata ko pag nagdaraan ako sa mga restaurants, delicatessens at bakeries. Nagsulat ako ng message sa isang papel at dinikit ko ito sa fridge. nilagay ko dun: “70% of weight loss is attributed to nutrition. ronald, help yourself.”

Inanticipate ko na ang mga mood swings na ito. Nung una, di ako mapakali. Ikot ako ng ikot sa bahay. Palipat-lipat ako ng channel sa cable TV. Anim na libro ang sabay-sabay kong binabasa pero hindi ako makausad. Di ako maka focus. Ramdam ko ang pagbaba ng blood sugar ko at minsan, kinakabahan ako. Di ba ang payo ng mga experts, dapat kumunsulta muna sa duktor bago ito gawin? Pero sumasagot ang isang bahagi ng utak ko. Ang sabi nito:  Andyan ka na. Panindigan mo na. Deal with it!

The other night, nanaginip ako ng kanin–sinangag na kanin na nakahain sa malaking mesa. Tapos ang dami-daming ulam. Nasa gitna raw ang chicharon pero pilit kong iniisnub. Nagising akong pawisan. Sabi ko sa sarili, hindi lang minsan ko itong ginawa. Pang-ilang beses na ba?. Ilang beses na ba akong tumaba at pumayat at tumaba ulit? Buti na lang, mag-isa lang ako ngayon. Wala akong peer pressure. Walang nang-iimbitang kumain sa labas. Walang birthday party na pupuntahan. Thank you Lord, walang tukso!

Fourth or fifth day yata, grabe ang temptation ko to eat carbs. Nagsasawa na ako sa salad. Lahat na yata ng klase natikman ko na–Waldorf, Caesar, New York, Nicoise, Fruit & Nut. Di ko ma-vary ang dressing dahil dapat vinagrette lang. Mataas sa fat ang mga blue cheese at thousand islands. Di  ba akong pwedeng mandaya? Kahit isang  tinapay lang.  Pero tinanggal ko na pala lahat ng mga tuksong pagkain sa aking ref. So ang ginawa ko na lang, habang kumakain ng bayabas, nakipag chat na lang ako para malibang ako. Kausap ko ang kaibigan kong si Ajie. Kinuwento ko sa kanya ang latest kong kabaliwan. Sabi ko sa kanya, di ko alam kung hanggang kelan ko mapaninindigan itong parusang diet kong ito. Sabi nya, pag naging successful daw ito, mag post daw ako ng picture para makita niya  ang aking  transformation. Ayan na. Pressured na ako.

In the meantime, wala akong nararamdaman pang weight loss. Sabi ko sa sarili matagal tagal pa yun. What if di ako talaga pumayat? What if may hyperthyroidism ako–yung kahit di ako kumain patuloy akong tataba? What if magkasakit ako?

Di ako dapat mag panic. Dapat ay cool lang ako. No pain no gain. Kailangan kong magwagi. Failure is not an option.

Asus. Yeah, right.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Health, Humor, Reflections. Bookmark the permalink.

6 Responses to Mood Swings

  1. rey manalo says:

    ay, RM, wish mo na lang, mag LBM ka. bilis ka papayat. lulubog mata mo, manghihina ka. hanggang halos di ka na makagulapay….hahaha. Try mo! 🙂 Ingat sa pagda-diet, ahhh! ok na nga yung chubby ka.

  2. hahaha. thank you, rey! buti nga kung chubby lang. tumaba talaga ako. pero wag mag-alala. dahan dahan na akong kakain this week. hahahaha

  3. Cher says:

    You inspire me to do the same. Been wanting to lose weight na din. Opted to go to the gymn with officemates. Ü kaya mo yan kuya! Aja, aja!

  4. Thank you, Cher! Good luck sa atin!🙂

  5. ariel says:

    bike ka mangoobs., kahit 30 mins day.. good for heart and weight loss… damiing magandang bike sa taiwan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s