The Intouchables

Does this film have English subtitles? Tanong ko sa babaeng Taiwanese na nasa movie ticket counter. Alam ko kasi na French ang pelikulang “The Intouchables,” at minsan na akong nagdusang tiyagaing panoorin ang isang pelikulang hindi Ingles pero Chinese ang kanyang subtitles. Wala akong naintindihan. Ayaw ko na ulit itong mangyari.

Sa kasamaang palad, ganoon na nga ang nangyari. Dalawang minuto pa lang tumatakbo ang “The Intouchables” at na-discover kong French nga ang kanilang binibigkas. Wala itong English subtitles. Bagama’t nakakaintindi naman ako ng konting Pranses, hindi sapat ang aking limited comprehension ng lenggwahe para ma-appreciate ko ng buo ang isang French film. So sabi ko, bibigyan ko ang aking sarili ng ten minutes. Pag hindi ko naintindihan ang takbo ng kuwento, mag-w-walk out ako at hihingi ng refund dun sa babaeng nagbenta sa akin ng ticket. Siya kasi ang nagsabi sa akin na may English subtitles daw ang pelikula. So inulit ko ang paalala sa sarili: ten minutes.

Two hours and 12 minutes later, natapos ko ang “The Intouchables” at gustong gusto kong pumalakpak. Pag maganda nga pala ang pelikula, at maayos ang daloy ng kwento, hindi mo kailangang maintindihan ng buo ang lenggwaheng sinasalita ng mga characters. Di ko maipaliwanag kung bakit nakuha ko ang mga punchlines ng black actor na si Omar Sy at napahalakhak ako. Ganundin, na-touch ako nang mag-dramahan sila ni Francois Cluzet, ang French actor na gumanap sa character ni Philippe, ang milyonaryong quadriplegic na inaalagaan ni Driss, ang character na ginampanan ni Omar Sy.

Napakasimple lang ng kwento ng “The Intouchables” Kwento ito ng nabuong friendship sa pagitan ng isang napakayamang French aristocrat na nagngangalang Phiippe at isang street smart na egoy na nagngangalang Driss. Nang ma-paralyze ang katawan ni Philippe dahil sa isang aksidente (na ang hula ko ay dahil sa skydiving), nagsimula siyang mag-interbyu ng mga male staff na mag-aalaga sa kanya–magpapaligo, mag-d-drive, magsusubo ng pagkain, magpapasyal, etc. Sa dinami-dami ng mga applicants, ang nakursunadahan niyang i-hire ay ang matangkad na black guy na si Driss, laking kanto, tambay, hindi pulido ang mga manners, matapang pero napaka cheerful ng disposisyon sa buhay. Taliwas ito sa character ni Philippe na lumaki sa sobrang yaman–edukado, business minded, refined, mahilig sa abstract art at classical music. Kung paano nagkasundo, natuto sa isa’t-isa at naging close ang mga characters ang tumayong haligi ng pelikula. Syempre, naroon na rin ang mga sub-plots: ang magulong buhay pamilya ni Driss at ang tila naunsyaming lovelife ni Philippe.

Hindi maiiwasang maihalintulad ang pelikula sa 1989 film na “Driving Miss Daisy” na dinirek ni Bruce Beresford, na tumalakay naman sa friendship nina Jessica Tandy at ng kanyang black driver na si Morgan Freeman. Ang pagkakaiba nga lang, hindi disabled si Jessica Tandy, mas mayaman si Philippe at mas bata ang naging alalay ng French aristocrat. Sa aking palagay, isa rin sa naging uniqueness ng pelikula ay natalakay nito ang issue ng male bonding, ang honest-to-goodness na pagkakaibigan ng dalawang lalaki nang walang halong kabadingan. Sa katunayan, isa sa mga naging malakas na mensahe ng pelikula ay ang kung paano ang dalawang lalaki na parehong patapon na ang tingin sa buhay ay natuto sa isa’t-isa at bumangon at magsimula muli.

Nabasa ko sa internet, sobrang hit daw ng “The Intouchables” sa France. Mayroon ng mga 166 million na Pranses ang nakapanood nito at tinatayang dudumugin din daw ang pelikulang ito sa ibang bansa. Base sa nasaksihan kong haba ng pila sa Vie Cinema dito sa Taipei kahapon, mukhang sobra rin itong nagustuhan ng mga Taiwanese. Sa katunayan, doon sa eksenang tumugtog ang classic hit song na “Boogie Wonderland” ng Earth, Wind and Fire at sumayaw ng buong galing ang actor na si Omar Sy, nagpalakpakan ang audience.

Hindi kasing drama ng “Driving Miss Daisy” ang “The Intouchables.” Katunayan, marami sa mga eksena ay nakakatawa. Ang tawag nga  ng mga critics sa pelikula ay “Buddy French Comedy.” Ang kaibahan nga lang, sa gitna ng mga katatawanan, susundot at pipitik din sa puso ang pelikula. Para kasing sinasabi nitong sa kabila ng mga trahedya, alinlangan at kalungkutan, ang sarap sarap pa ring mabuhay.

Sana ay ipalabas sa Pinas ang “The Intouchables.” Angkop na angkop ito sa Easter Sunday.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s