Si Mang Nano

Di ko alam kung bakit, pero kanina, habang papasok ako sa opisina, naisip ko si Mang Nano, ang original King of Comedy ng Pinas. Hanggang ngayon, sa personal kong libro, wala pa ring nakakatalo sa kanya sa pagpapatawa kahit naglipana na ngayon ang kung sino-sinong komedyanteng Pinoy. Pasintabi rin sa isa pang Comedy King natin na si Dolphy, na talaga namang karapat-dapat ding ihirang bilang isang comic icon, pero kung ako ang tatanungin, mas napatawa talaga ako ni Mang Nano, o si Pugo kung tawagin ng lahat. Sayang, di na siya naabutan ng younger generation.

Ang totoo nyan, nasa huling bahagi na rin ng kanyang career si Mang Nano nang una ko syang makita sa telebisyon noong kalagitnaan ng dekada 70. Black and white pa ang TV set namin noon, at tuwing hapon, nanonood kami ng aking mga kapatid ng mga lumang pelikulang Pinoy. Sina Nida-Nestor, Susan-Eddie, Amalia-Romeo–mga love teams ng Sampaguita Pictures. One time, nagpalabas sila ng isang film from the 50s. Yun na nga–ang tambalang Pugo at Togo na sa abot ng aking natatandaan, simula unang eksena hanggang ending, sumakit ang tiyan ko at napagulong ako sa sahig sa katatawa. Di ko na tanda ang kwento nung pelikula. Di ko na rin tanda ang title. Pero natatandaan ko ang nakakatwang mukha ni Pugo, ang kanyang pambihirang timing sa pag deliver ng punchlines, at ang mga nakakatawang sitwasyon na sinuong nung character na ginagampanan niya. Noon ko nalaman, sa eksplanasyon ng aking mga tiya, na patay na si Togo at buhay pa si Pugo.

Sumunod kong napanood si Mang Nano sa kanyang television show na “Tang Ta Tarang Tang” na di naglaon ay naging “Si Tatang Kasi.” Role niya rito ay isang biyudo na may anak na abnoy na laging nagbabata-bataan–si Bentot. Ang dami nyang mga pilyong schemes para manloko ng mga tao, tapos lagi ring nabubuking ang kanyang kalokohan in the end. May isa akong episode na natatandaan. Nagpanggap siyang patay na para lang makuha ni Bentot ang kanyang insurance. Predictable ang plot, at slapstick ang comedy pero yung presence ni Mang Nano, sapat na para mapabuhalit ako ng tawa.

Lumaki ako at nag mature ang aking taste sa comedy. Napatawa at napaisip ako sa panonood ng mga films ni Woody Allen. Nakita ko ang dahan-dahang pagbabagong anyo ng pagpapatawa. Sa atin, nandyan ang patawang kalye, hirit jologs, gay comedy, political comedy, etc. Nagsimula rin akong manood ng mga one-man/woman shows. Sina Mitch Valdes, Jon Santos, Tessie Tomas, Willie Nep, etc. Napapahalakhak ako nina Wally at Jose, Joey de Leon at Michael V. Lahat sila ay mga henyo sa pagpapatawa.

Pero di ko talaga lubhang maisip kung bakit hanggang ngayon, sumasagi sa isip ko ang comedy ni Mang Nano. May kakaiba siyang kiliti. Hindi niya kailangang mag resort sa gimmick gaya ng pagbibihis babae para makahatak ng tawa. Bukod sa pagiging kalbo, di rin niya kailangang i-capitalize ang any form of physical disability or defect para mag-elicit ng laughter. Hindi siya OA. Natural na natural ang kanyang pagpapatawa.

Namatay si Mariano Contreras, better known as Pugo or Mang Nano,  noong 1978. Nasa abroad daw noon si Dolphy pero nag-cut short sya ng kanyang US trip para umuwi at makiramay sa pamilya ng Original Comedy King. Nang makita raw ni Dolphy na nakahiga lang si Mang Nano sa isang ordinaryong kabaong, pinapalitan niya ito ng maganda at magarang kabaong. A coffin fit for a King.

Sana ay naka archive ang  mga lumang pelikula ni Mang Nano. Sana ay may mag-release ng DVD ng kanyang mga pelikula kasama si  Togo o kahit yung mga lumang episode ng kanyang mga TV shows. Isa ako sa mga unang pipila para bumili.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Memories of Home, Movies, Personalities. Bookmark the permalink.

4 Responses to Si Mang Nano

  1. andy says:

    Di ko siya masyado napanood kasi wala pa kaming TV sa probinsiya noong time ng kasikatan niya, i think may palabas pa sila noon ni Patsy kung di ako nagka mali. Bihira na ngayon ang mga comedians na katulad niya na natural lang ang tirada. halos lahat ang babaw na at pilit ang pagpatawa. mabibilang lang ang mga local comedians na gusto ko. op kors kasama na diyan si dolphy…kaya marami akong nabiling old dvds niya sa quiapo. mas epektib siya nung kabataan niya, tuwang tuwa din ako kay redford white, isa ding magaling sa timing at nakakatawa siya kasi nga di siya nagpapatawa. aliw na aliw din ako kay babalu, di pa nagsasalita, natatawa na ako. sa mga younger comedians, gusto ko si michael v. just recently, tawa ako nang tawa sa impression kay kuya Bodjie as kuya bondying…kuhang kuha di lang boses ni kuya bodjie kundi pati pag arte. siguro nakakatulong sa isang komedyante na sila din ang gumawa ng kanilang script. and they go out of their way to complete the look at nakikita mo na mahirap gawin ang ginagawa nila…. like michael… pero nai-papakita nila itong madali.para sa akin…mas madali ang mag drama kesa mag comedy. sa comedy dapat precise ka…kung kulang o sosobra, sasablay ka talaga. at naniniwala ako na comedians are also best in doing dramatic scenes. nag excel din diyan si dolphy at si nida blanca.

  2. thanks, andy. sa akin, si michael v ang nakikita kong pwedeng pumalit kina mang nano at dolphy. tuwang tuwa rin ako sa mga tirada nya. naiiba-iba nya ang style ng pagpapatawa at impersonation. pero di ko pa sya nakikitang mag drama. palagay ko, epektib din sya dun.🙂

  3. Pam Mano says:

    you can still get some of his movies check out kabayan central it’s US base but the copy come from LVN itself. if ordered from Philippines parang wave ang shipping. Ive been planning to buy one myself. LVN daw have better copies than Sampaguita. You can also try YOU TUBE.

  4. Jennyfer C Beredo says:

    Alam ko na ito kasi bata pa rin noon mga panahon iyon, tanda ko si Pugo laging humihingi ng kape ke Bentot, ganito ang sabi “Bentot, ipagtimpla mo nga ako ng kape” sabi naman ni Bentot ” puro kape, puro kape”. Me kasunod pa yun nalimutan ko na. pero sa radyo yata yun, a.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s