Morning Awareness

Una ko itong naranasan nung high school retreat namin. Pinagising kami ng aming retreat master ng alas singko ng umaga at ang instruction niya sa amin, maglakad-lakad lang daw kami sa buong field ng aming school campus (kung saan ginanap ang aming weekend retreat) at talasan daw namin ang aming mga senses. Bawal magsalita. Bawal ding tumakbo. Dapat ay tahimik lang na pagmamasdan at pakikiramdaman namin ang kapaligiran.

Natatandaan ko, humiwalay talaga ako sa mga kaklase ko at naglakad sa lugar kung saan kami nag-ga-gardening. Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang mga hamog na nasa dahon ng mga halaman. Manaka-naka, may nakikita akong mga maliliit na insekto na gumagapang sa mga halaman. May mga tutubi at paru-paru na lumilipad. Maya-maya, unti-unti ko ng nakita ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Ang sarap ng pakiramdam sa balat nang masinagan ng araw dahil hindi pa ito mainit. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang huni ng mga ibong maya. Marami sa kanila ay lumipad na at dinig ko ang pagaspas ng kanilang mga pakpak dahil ang lapit ko lang sa kanilang pinagpupugarang puno. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang ihip ng malamig na hangin. Pinakinggan ko rin ang  tunog ng aking paghinga. Para siyang tahimik na dagat na dahan-dahang umaangat at bumababa. Iminulat ko ang aking mga mata at ang unang pumasok sa isip ko ay ang kanta ni Kenny Rankin na pinamagatang “Peaceful.” Napakapayapa kasi ng buong kapaligiran. Parang walang problema sa mundo.

Ang hindi ko alam noon, ipinaranas sa amin ng aming retreat master ang isang awareness practice na kung tawagin ng mga Hapon ay “samu,” isang uri ng Zen Buddhist Meditation. Ito ay naglalayong makapagpatalas ng isip at katawan. Sa ibang relihiyon,  itinuturing din itong uri ng pagdarasal–isang paraan para maging konektado tayo sa Diyos.

Dahil sa bilis ng takbo ng buhay, marami sa atin ay hindi marunong i-take advantage ang hiwagang dulot ng ehersisyong ito. Isa na ako sa miyembro ng guilty party . Malimit, pag nagigising ako sa umaga, ang tendency ko ay magmadali lagi dahil mananakbo ako  sa trabaho. Recently ko na lang ulit napagpasyahang ibahin ang ritwal na ito dahil ipinangako ko sa sarili na pipilitin kong bawasan ang stress sa buhay ko. Kaya may dalawang linggo na akong gumigising ng madaling araw at naglalakad lakad sa park na malapit lang sa bahay na tinitirhan ko. Bukod sa exercise, isa sa mga objectives ko ay ang magkarooon ng clarity of mind. At nakukuha ko ito kapag nakikita ko ang dahan-dahang pagsilip ng araw.

Subukan nyo kahit isang umaga lang. Siguro nga ngayong Holy Week para wala masyadong sagabal. Gumising kayo ng madaling araw at maglakad-lakad sa isang tahimik na lugar, preferably doon sa may view ng nature.  Ang rule of thumb lang ay talasan natin ang ating mga senses. Pilitin nating huwag isipin ang mga bagay na nag-b-bother sa atin at tahimik lang nating abangan ang pagsikat ng araw. Diskarte nyo na kung kayo ay mag-e-exercise, magdarasal o mananahimik lang. Maganda sana, isang oras kayong manahimik.

Mag-iiba ang inyong pakiramdam at pananaw. Pag sinabi nyong, gusto ko ulit abangan ang isa pang umaga bukas, ibig sabihin, tumatalab ang magic ng morning awareness exercise.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Morning Awareness

  1. I read several of your blog entries at random and they’re great reading particularly because of your insightful manner of reading things around you. God bless…

  2. Thank you very much for reading and liking my blogs. Coming from somebody I have never met, you certainly made my day. God bless you, too!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s