Passion

Nakakatugtog ako ng piano kahit hindi ako nakakabasa ng piyesa. Kalimitan, kapag nakakarinig ako ng bagong kanta, nakakapa ko siyang tugtugin sa piano. Oido ang tawag doon. Konting ensayo at paulit-ulit lang na kapa sa mga teklada ng piano, nabubuo ko na ang kanta. Syempre hindi pulido ang aking rendition pero katuwiran ko lagi ay ako lang naman ang nakakarinig. Pag tinatanong ako ng mga kaibigan  kung paano ko iyun natutunan, hindi ko talaga maipaliwanag. Sa abot ng aking natatandaan, nung bata pa ako, may piano kami sa bahay at kahit walang nagtuturo sa akin, kinakalembang ko lang ang mga teklada ng walang sawa araw-araw. Tuwang-tuwa na ako noon.

Mayroon pa akong three skills na hindi ko talaga pormal na pinag-aralan. Self study lang lahat. Ito ay ang pagkanta, pagsusulat at photography. Ang mga skills na ito ay kusa ko na lang nadiskubre sa aking sarili. Sa tatlong aking nabanggit, ang photography ang recently ko lang na-discover. Mga two years pa lang akong nagkukukuha ng mga litrato. Pero pag iniisip ko ngayon, elementary pa lang ako ay ang hilig hilig ko na talagang magtitingin at magugupit ng mga litrato. Andun na ang interest ko sa photography noon pa pero nahadlangan ako ng isang katotohanan: alam kong mahal na maging hobby ang photography at hindi kami mayaman. Wala akong pambili noon ng kahit na instamatic na camera. Dumating yun sa punto na kinailangan ko na talagang mag-ipon dahil masidhi na ang aking pagnanasa na magkaroon ng camera. Pakiramdam ko, pag hindi ako nakabili ng camera, hindi ako magiging happy kahit na kelan.

Gaya ng pagtugtog ng piano, nakahiligan ko  rin ang pagkanta na para bang I was genetically programmed for it. Tuwang-tuwa akong kumakanta sa banyo namin noon kasi may echo akong naririnig. Nung elementary, pag tinawag akong kumanta sa harap ng klase, di ako nahihiya. Banat lang ng banat. Hanggang ngayon, dala ko pa rin ang ganitong kakapalan ng mukha although minsan ay natutupi rin naman ako pag alam kong may super na magaling kumanta sa audience.

Ma-t-trace ko naman ang hilig ko sa pagsusulat sa hilig ko rin sa pagbabasa. Basta nagbabasa o nagsusulat ako, nalilimutan ko lahat. Tanda ko pa ang una kong attempt na magsulat sa diary. Grade 5 ako noon at tinangka kong isulat ang aking appendectomy operation at ang pagkakatigil ko sa ospital ng halos dalawang buwan. Ang linaw ng pagkaka-recall ko sa mga pangyayari. Bakit nga ba ako nag-b-blog ngayon? Kasi mahilig lang talaga akong magsulat.

Ang punto ng lahat ng mga kwentong ito ay pumupuntirya sa salitang passion–yung pag-aalab ng ating mga utak at damdamin para gumawa ng isang bagay. Yung pwersa na nagtutulak sa atin na gumalaw, lumikha, mag-aral, magsaliksik, gawin ang lahat ng posible para matupad ang hilig ng puso at kaluluwa. Maaaring ito ay sa larangan ng sports, science, arts–virtually any discipline or endeavor conceivable by the human mind. Kailangan natin ng passion sa buhay at kailangang ito ay maya’t-maya’y nagliliyab para tayo ay makaramdam ng mas malalim na kaganapan bilang mga tao.

Malimit, nagiging hingahan ako ng mga kaibigan na tila di raw nila alam ang kanilang gagawin sa kanilang mga buhay. O di nila alam ang direksyon na kanilang patutunguhan. Ang kalimitang tinatanong ko ay: ano ba ang passion mo? Ano yung isang bagay na kahit di ka bayaran ay pwede mong gawin at gagawin mo talaga with feelings? Ano yung mga skills na ikaw mismo ang nagpursige para matuto–hindi dahil kailangan kundi gusto mo talaga? Ano yung mga bagay na gustong gusto mong gawin na kahit pigilan ka ay mag-uumalpas ka pa rin? Kapag nasagot mo yun–yun mismo ang mag-guide sa yo sa direksyon na dapat mong tahakin.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Hobbies, Memories of Home, Reflections, The Writing Life, Tips. Bookmark the permalink.

4 Responses to Passion

  1. nymfs says:

    verbal-linguistic and musical ka pala talaga ronald…. magaling ka rin ba sa numbers or waterloo mo ang math? marami kasi ako friends na magaling sa music and numbers. pero pag words and music ang forte, it seems naiiwanan ang math. tama ba in your case?

  2. sobrang tumpak ka dyan, nymfs. huwag mong itanong kung ilang beses kong kinuha ang trigonometry.🙂 yes, waterloo ko yan, eversince.

  3. Jennyfer C Beredo says:

    Hayaan mo na a tawagin kita na Sir Ronald parang si Sir Launcelot. Talaga napakahusay mo na maisulat at maipaliwanag mo nang buong2 ang hilig mo o passion. Nag-aapuhap pa ako minsan ng mga paliwanag na hindi ko matukoy buti na lang nasabi mo nang husto. Maraming salamat sa article mo, tunay namang napakasarap basahin at namnamin. Alam ko na talaga ang passion ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s