Heatwave Summer Bazaar

Kausap ko sa telepono kagabi ang kaibigan kong si Ajie at di ako makapaniwala na sa lapit lang ng Pilipinas sa Taiwan, magkataliwas ang aming kinuwento nang magkumustahan kami.

“Ang lamig-lamig pa rin dito!” Sabi ko. Kaaakyat ko lang kasi sa bundok ng Yangminshan at seven degrees ang temperature dun. Fifteen degrees celcius ngayon dito sa Taipei.

“Naku, dito mainit na,” kwento naman ni Ajie. “Summer na talaga.”

“Oo nga, e” sabat ko. Miss ko na ang summer dyan,” sabi ko bago kami tuluyang magpaalam sa isa’t isa.

Bagama’t di ko type ang init ng summer, gusto ko naman halos lahat ng aking mga summer memories. Ang beach, ang swimming pool, ang seafood, ang mga prutas, ang Holy Week, ang halo-halo at ice cream, ang pagbababad sa air-conditioned malls, ang pag-aabang ng sunset. Lahat yan, na-m=miss ko.

And this year, may isa pa akong ma-m-miss–ang Heatwave Summer Bazaar, kung saan mabibili mo raw lahat ng pwede mong gamitin ngayong summer–from beach wear, to shades, to sun tan products, to perfume, novelty items, food–practically everything under the scorching summer sun. Kung nasa Pinas lang ako sa April 13-15, siguradong dadaan at tatambay ako dun. Bukod sa matalik na mga kaibigan ko ang mga organizer–ang CUT Unlimited family (na siya ring nag-o-organize ng  NOEL Bazaar tuwing Pasko), sigurado akong marami akong mabibiling items na di ko makikita sa mga naglalakihang mall sa Maynila.

Ba’t ko nasabi yun? Kasi having worked in bazaar events for quite sometime, alam ko ang proseso ng pagpili at pagsala na ginagawa ng mga organizers gaya ng CUT Unlimited sa kanilang mga exhibitors at concessionaires. Sa dami na kasi ng tinatayong mga tiyangge sa Metro Manila, sinisigurado lang ng mga top events organizers na naiiba naman ang kanilang mga produktong i-s-showcase sa madla. Hindi lahat ng gustong magbenta at handang magbayad ng booth space rental ay ina-approve kung ang produkto naman nila ay hindi mahusay ang kalidad. Ito ang isa sa maraming pagkakaiba. Mayroon din silang mga impormasyon at assitance tungkol sa maraming summer destinations na pwede nating puntahan to escape the summer heat. Bukod pa roon, mayroon daw mga fashion show, celebrity live performances at raffle draw sa nasabing event–all in one roof.

So bago mag-out of town o dumiretso sa beach, daan muna tayo sa Heatwave Summer Bazaar sa World Trade Center sa April 13-15. Isa ito sa magandang activity na pwedeng gawin ngayong kasagsagan ng tag-init. It’s also a summer thirst quencher in many ways and could be an unforgettable summer experience as well.

Sa mga kaibigan ko sa CUT Unlimited, Inc.–good luck, mga tsong at tsang. Break a leg and I miss you all!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Events. Bookmark the permalink.

6 Responses to Heatwave Summer Bazaar

  1. Aida says:

    thanks for the free plug ronald… kaloka ang weather dito. sobrang init last saturday but in the afternoon, ulan with thunder and lightning pa.

  2. Maraming salamat sa yo Ronald! Bukod sa nakakataba ng puso ang mga isinulat mo tungkol sa aming summer event. Asahan mo na talagang pinabubuti namin taon-taon ang bawat bazaar na aming ino-organize, abot sa aming makakaya. Na miss ka namin sa Bohol, siguradong napakasaya nun kung kasama ka namin, sa ganda ng boses mo – siguradong ikaw ang bida sa jammin’ night namin. Miss ka na rin namin….sana magkita-kita tayo muli🙂
    Si Ate Nette lagi ring nagbabasa ng blog mo🙂

    • Hi Marifi! Salamat din for reading my blogs. Oo nga, sayang, na-miss ko ang Bohol. I’ve never been there. Hope to see you soon! Warmest regards to you, Jojo, Ate Net and the whole family. I miss all of you.🙂

  3. sally says:

    simpleng plugging talaga….hehehe ang agrilink wag kalimutan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s