Single Parents

Champion sila sa multi-tasking. Malalakas ang kanilang loob hindi dahil sa ganoon talaga sila kung hindi dahil kailangan. Mabilis silang mag-isip at umamoy ng mga opportunities.  Napaka resourceful din nila. May angking tapang ang kanilang bawa’t galaw. Matitindi silang magmahal at malalalim din silang masaktan. Marami sa kanila ay nagtatapang tapangan lang dahil yun ang tawag ng kanilang status. Pero sa kaibuturan ng loob nila ay mga pusong mamon din sila. So far, sa dinami-dami na ng nakilala ko at naging kaibigan na single parents, sa ganyang paraan ko sila ma-de-describe.

May soft spot ako sa mga single parents, not because I am one, but because I have been raised by one. Since the age of six, nang maulila ako sa aking ama, nanay ko na  ang nagpalaki sa aming limang magkakapatid. Saksi ako sa kanyang mga sakripisyo para lang maitaguyod kaming lahat. Hindi ko alam kung yung ibang anak ng single parents ay mag-a-agree sa akin, pero ngayon ko lang na-re-realize, pag pinalaki ka pala singlehandedly ng iyong magulang, madali kang matuto to do things on your own. Ayaw mo kasing maging pabigat. Na-re-realize mo na ang dami-dami ng responsibility at iniisip ng nag-iisang nagpapalaki sa iyo, the least that you can do is to give him or her a headache. Dahil dito, madali kong makasundo yung mga taong very independent-minded din. Yung may sariling diskarte sa kanilang buhay at di madaling sumuko o mawalan ng loob. Hindi ako matiyaga sa mga taong sobrang sheltered, lampa, spoiled o parating naka-asa sa ibang tao.

Wala pa akong nakilalang single parent na hindi ko hinangaan. Feeling ko, regardless of gender, they are extraordinary human beings kasi hindi madali ang magpalaki ng mga bata nang nag-iisa. Bukod kasi sa wala silang katuwang sa paghahanapbuhay, marami rin silang pressure sa lipunan dahil sa kanilang status. Lalo na yung mga separated na ang titinding mag move-on gaano mang kasakit ang nangyari sa mga relasyon at marriages nila at gaano man sila minsan pinag-uusapan ng mga tao behind their backs. Gandundin, humahanga rin ako sa mga dalagang ina at binatang ama na pilit na kumakawala sa kanilang mga emotional baggage upang mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak. Biyudo man o biyuda, separated man o abandoned or even by choice, sa tingin ko, karamihan sa mga single parents can’t help but be achievers or even be overachievers to compensate for the loss of their failed relationships. At sila talaga yung handang mamatay at pwedeng pumatay alang-alang sa kanilang mga anak.

Sa aking nanay at sa lahat ng mga single parents na nakakabasa nito, pati na rin sa mga anak ng mga single parents, mabuhay kayong lahat! Hindi totoo na kailangan laging  may katambal sa buhay para lumigaya. Minsan nga, mas matamis at mas pure pa ang kaligayahan if you dare to take the road less traveled and courageously do the parenting all by yourself.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Personalities, Reflections, Relationships, Trends. Bookmark the permalink.

5 Responses to Single Parents

  1. irish says:

    nabasa ko na to sir ronald the day na pinost mo. I even shared it in FB, pero habang binabasa ko ulit naiiyak ako. Nakakarelate sa napakaraming punto na inilatag mo sa entry na ito. =)

  2. kaka touch ka naman, irish. sa maniwala ka’t hindi, sumagi ka isip ko when i was writing this piece.🙂. maraming salamat sa yo. keep in touch!

  3. vilma says:

    sobrang naka relate ako dito sa old post mo… Very true lahat yan, lahat ng ginagawa ko para sa aking mga anak…

  4. fire&rain says:

    Just when i need a little push, i came across this. Thank you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s