Din Tai Fong

Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa Din Tai Fong restaurant, ang isa sa pinaka popular na restaurants dito sa Taiwan. Sobra siyang popular kaya sampu na ngayon ang kanyang  branches sa buong mundo. Pero halos isang taon muna ang lumipas bago ako nakakain sa restaurant na ito. Bakit ka nyo? Kasi laging kilo-kilometro ang haba ng pila rito. At dahil sa napaka maigsi lang ng pasensya ko sa mga pilahan lalo na kapag ako ay gutom na, yung ilang mga attempts kong kumain sa isa sa mga branches ng Din Tai Fong dito sa Taipei ay laging nadidiskaril.

Kung hindi pa dumating dito ang kaibigan kong mag-asawang  sina Mayose at Jay Bautista, hindi pa rin ako siguro ma-e-engganyong kumain sa restaurant na ito.  Pero day one pa lang nang pagbisita nila rito, determinado na ang mag-asawang hindi sila uuwi hanggang hindi nila  natitikman ang popular at espesyal na xiaolongbao na dumplings at iba’t-iba pang Chinese specialties for which this restaurant is known for. So nagtiyaga kaming pumila ng mga 7:30 ng gabi. Mga isang oras at kalahati din kaming naghintay bago kami nakapasok. At ang aking naging conclusion, it is really worth the long wait.

Ang una kong napansin–ang bilis nilang mag-serve. Less than  five minutes lang kami nag-order, ayan at dumarating na ang pagkain. Tapos bigla kong na realize–sa haba ng mga taong nakapila para kumain, they cannot afford to delay serving the food. Otherwise, di sila kikita. Syempre, ang star of the restaurant, ang xiaolongbao dumpling na may magkahalong giniling na karne at sabaw sa loob. Ang lambot ng dumpling sa bibig. Tamang tama ang alat. Malinamnam. Kaya pala kinababaliwan. Nag-order din kami ng manok na niluto the Taiwanese way–yung pinakuluan lang tapos ay may special sauce na sawsawan. Mayroon din kaming inorder na parang siopao, lumpia at isang vegetable dish. House tea ang aming ininom at matapos kong nanguya at nalunok ang huling subo ng ulam sa aking bibig, ang unang namutawi sa bibig ko ay–kaya naman pala dinadayo. Ang sarap talaga. Panalo.

Mababait at courteous ang mga servers sa Din Tai Fong. At ang importante sa lahat, nakakapag-ingles sila. Di tulad nung ibang Chinese restaurants na mag-n-nosebleed ka muna bago ka maka-order ng ulam o makahingi man lang ng napkin o tubig. Malinis ang lugar. It’s nothing fancy pero it’s very presentable and tidy. Sa katunayan, bawa’t Ding Tai Fong restaurant ay may malaking glass pane kung saan makikita mo ang mga kitchen staff na parang nasa aquarium habang gumagawa sila ng mga dumplings. Talagang pinapakita nila ang buong food production para masabi nating what we see is what we get–nothing else but clean, good and delicious food.

Nung isang umaga, napanood ko si Pauline Chiu, isa sa mga paborito kong news anchors sa CNN, na ifineature ang Din Tai Fong branch  sa Hong Kong. Kung gaano kahaba ang pila ng mga customers dito sa Taipei, ganundin kahaba ang pila ng mga customers sa Hong Kong branch nila–patunay na kahit saan, dinudumog talaga ang restaurant na ito. Ininterbyu ni Chiu si Yang Bingyi, ang Taiwanese na may ari ng matagumpay na restaurant chain at ngayon ay isa ng big time na Taipan. Sinabi niya na isa sa mga sekreto ng tagumpay ng kanyang negosyo ay ang consistency ng quality ng kanilang pagkain. Bagay na sinangayunan naman ng mga customers na ininterview ni Chiu. Sabi nga nung isang Chinese Hong Kong resident na nainterbyu ni Chiu: “I’ve been coming back here for the past few years and their specialties haven’t changed a bit–it’s the same, delicious food that I’ve tasted many years ago. ” Kaya naman aa ngayon, bukod sa Taiwan at Hong Kong, may mga Din Tai Fong restaurants na rin sa Singapore, United States, Thailand, Australia, China, South Korea, Indonesia, Japan at Malaysia.

Kapag napasyal kayo sa mga nabanggit kong bansa, try nyo lang na kumain sa Din Tai Fong. Promise, di kayo magsisisi.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s