The Lady

May mga eksena  sa”The Lady,” ang pelikulang dinirek ni Luc Besson at pinagbidahan ni Michelle Yeoh (bilang si Aung San Suu Kyi, ang hinirang na democracy icon ng Burma), na kagaya din ng pelikulang “Gandhi” ni Richard Attenborough. Pareho silang nag-hunger striike at pareho rin silang nag-rally sa harap ng mga armadong sundalo na nakatutok ang mga baril sa kanila. Ang pagkakaiba nga lang, mas malinaw na ipinakita sa “Gandhi” ang political beliefs ng dating Indian leader kaya mas madaling maunawaan kung saan nanggaling ang kanyang non-violent stand.

Sa kaso ng “The Lady,” hahanapin mo sa pelikula kung saan nanggaling ang tapang at giting ni Suu Kyi. Wala kasing ipinakitang background sa kanyang growing up years maliban sa na-assassinate ang kanyang ama nung siya ay bata pa. Basta na lang siya nilapitan ng mga democratic opposition activists nang umuwi siya galing Oxford, England (kung saan doon na siya naninirahan kasama ang kanyang English husband at dalalwang anak na lalaki) at inudyok na maging leader nila. May isang eksena rin kung saan sinabi ni Suu Kyi sa kanyang asawa na mabilis daw syang magalit at talagang matigas ang kanyang ulo, pero wala namang eksena sa buong pelikula na ipinakita ang mga katangiang ito. Sa katunayan, marami sa mga eksena ay ipinakitang iyak lang ng iyak si Suu Kyi.  Para na tuloy naging isang domestic drama ang pelikula dahil imbes na natutukan ang dahan-dahang pag-angat ng Burmese activist leader, ang napagtuunan ng pansin ay ang kanyang love story at long distance relationship sa kanyang pamilya. Sa aking palagay, ang mga kahinaang ito ang naging dahilan kung bakit hindi talaga umangat ang  “The Lady” bilang isang importateng pelikula tungkol sa buhay ni Aung San Suu Kyi.  Sayang kasi maganda ang mga technical elements ng pelikula at may mga touching scenes din tungkol sa kahirapan ng buhay sa Burma sa ilalam ng isang batas militar. May mga actual footage pa nga ng mga protest actions na pinagunahan ng mga Buddhist monks na isiningit sa huling bahagi ng pelikula pero hindi it gaanong nagdulot ng dramatic impact.

May mga  eksena nga na tinawanan ng malakas ng mga Taiwanese nang pinanood ko ito kahapon. Ito yung mga eksenang nag-me-meeting ang diktador na pangulo ng bansa na kung tawagin nila’y “The General” at sinasaluduhan siya ng kanyang mga tuta na sunod lang ng sunod sa kanya. Para kasi silang mga cartoon characters kung kumilos. Nag-react din ang mga instik sa isang eksena kung saan first time ulit natulog si Suu Kyi (na ginampanan ni Michelle Yeoh) sa banig sa kanilang bahay sa Burma matapos ang matagal niyang paninirahan sa Oxford England at ipinakita ng camera ang maraming ipis na gumagapang sa sahig.

May isa namang eksenang nasorpresa ako–ang presence ng Pilipinong stage actor na si Junix Inocian na mahusay niyang ginampanan  bilang isang opisyal ng Burma Embassy sa England na pinakiusapan ng asawa ni Suu Kyi nang mag-aapply siya ng visa para makabalik sa Burma.

Worth watching naman ang “The Lady.” Ang pakiramdam ko lang, masyadong naging mataas ang aking  expectations.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s