Ang Patalastas ng L’Odyssée de Cartier

Last week, nanood ako ng “J.Edgar” movie sa Vie Cinema. Bagama’t totoong moving naman ang istorya ng pelikula at sumasangayon akong dapat na nominate si Leonardo de Caprio sa kanyang magaling na performance, ang talagang nag-linger sa utak ko ay ang super stunning na 5-minute commercial ng Cartier jewelry na pinamagatang “L’Odyssée de Cartier .” Ipinalabas ito bago magsimula ang “J. Edgar”at nang mapanood ko ito sa big screen,  natagpuan ko na lang ang sarili kong nakanganga, may goosebumps at  napabulong ng “hanep!” Bihira kasi akong ma-move ng commercials. Pero pag na-move ako, di ko na ito malimutan.

Ang  “L’Odyssée de Cartier “ay dinirek ng batikang French filmmaker na si Bruno Aveillan para sa ika-165th anniversary ng Cartier jewelry. Two years in the making ang nasabing commercial. Tatlong bansa ang pinuntahan ng production team para sa location shooting–France, Italy at Spain. Si Pierre Adenot ang nag-compose ng musical score gamit ang 84-piece orchestra. Mayroong 60 boses ng mga babae at mga bata na ginamit para mag-provide ng chorus sa soundtrack. Sa prestigious na Abbey recording studio pa ni-record ang soundtrack ng commercial. Tatlong totoong panthers ang ginamit sa shoot. Limampung tao daw ang bumuo sa production team. Hindi ko ma-imagine kung gaano kalaki ang production cost ng buong commercial. Ibang klase talaga ang Cartier.

May running story naman ang commercial. Isang diamond studded na panther ang nabuhay sa isang jewelry shop. Nag-jetset ito sa kung saan saan. Sa mga yelong daan ng Russia hanggang sa umakyat siya mga matatrik at mabatong bundok  kung saan nabuhay ang isang gintong dragon. Sumakay din siya sa elepanteng may sunong-sunong na palasyo hanggang sa tumalon siya sa isang lumang modelo ng eroplano hanggang makarating siya sa isang palasyo na maraming alahas at kung saan nandoon ang isang magandang babae na may suot-suot na magarang bracelet. NIlapitan siya ng panther at hinimas himas ng baabe ang malaking pusa. Ang babae at ang panther ay ipinakitang nasa loob ng isang pulang jewelry box. Zoom out, Fade to black. The end.

Sobrang visual at aural spectacle ng buong commercial. Sayang nga lang at wala itong masyadong emotional grip. Wala kang makapitang character na makaka-identify ka. Matapos mong mapanood ay mapapamangha ka pero ang kabilang bahagi ng utak mo ay nagtatanong ng: maganda nga, pero ano ang ibig sabihin noon?

Anyway, tatlong beses ko ng pinapanood ng pabalik balik ang full length version ng commercial na ito ng Cartier sa internet at sa tuwi-tuwina, napapa wow pa rin ako. It’s sensual. it’s luxurious. It’s elegant. Dapat lang naman siguro dahil sa mahal ng isang Cartier na relo, maiintindihan natin kung bakit sumisigaw ng salitang “expensive” ang patalastas na ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Taiwan Life, Trends, TV. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s