10 Unforgettable Interviews

More than 20 years na akong laging may dalang maliit na tape recorder, maliit na notebook at ballpen sa aking bag. Yan ay dahil sa bahagi ng aking trabaho ang mag interview. Through the years, nainterbyu ko na yata lahat ng uri ng tao sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. At bagama’t minsan ay parang second skin ko na ang mag-interview o parang routinary na lang, may mga inteview na di ko malimutan. Eto ang sampu sa maituturing kong unforgettable interviews. Unforgettable dahil bukod sa kanilang celebrity status, may mga behind the scene stories din na naganap before, during and after my actual interviews. Dalawa sa kanila ay mga National Artists at tatlo sa kanila ay sumakabilang buhay na. Yung natirang lima are just as fascinating and interesting. Wala itong ranking–just random listing.

Bienvenido Lumbrera, Jr. –Nainterbyu ko ang ating National Artist for Literature sa CCP para sa isang article na sinulat ko sa Saturday Special ng Inquirer. Na-kontak ko si Dr. Lumbrera through my friend, Minda, who works at  CCP. Ilang beses din kaming nagpalitan ng text messages ni Dr. Lumbrera bago kami nagkita sa CCP lobby. Matagal na akong fan ni Dr. Lumbrera kaya tuwang tuwa akong mainterbyu siya. Wala siyang ka-ere ere at napakalalim talaga niyang magsalita ng Tagalog. Bukod pa roon, pareho kaming natuwa nang ma-discover namin na pareho kaming Batangueno.

Rudy Fernandez–Ang nasirang action superstar ay ininterview ko sa isang restaurant sa Quezon City. Dumating siyang may kasamang isang alalay at kaagad siyang nag-order ng pagkain. Nung dumating ang inorder naming pagkain, siya mismo ang naglagay ng mga ulam sa plato ko. During the course of the interview, lumusot ang paa ng inuupuan kong silya sa butas ng sahig at natumba ako. Kahit kelan talaga, wa-poise ako. Worried na worried si Mr. Fernandez at maya’t-maya ay tinatanong nya kung okay ako. Very organized niya dahil nung nagtanong ako tungkol sa kanyang filmography, nilabas niya ang kanyang laptop at doon nakalista ang kanyang showbiz portfolio–everything you want to know about his acting career. Nung na-publish ang article ko sa isang magazine, tumawag si Mr. Fernandez para magpasalamat sa akin.

Francis Magallona –Ang yumaong king of rap ay nainterbyu ko sa parking lot ng SM Sta. Mesa pagkatapos niyang manggaling sa hosting job niya sa Eat Bulaga. Dun namin ginawa ang interbyu sa loob mismo ng kanyang sasakyan kung saan pinalabas niya sa akin ang DVD ng kanyang mga MTVs. Tapos na ang interview pero panay pa ang kwento ni Francis sa kanyang mga unrecorded rap songs and we ended up talking about poetry. Long after lumabas ang article ko sa kanya, naka text ko pa si Mr. Magallona at na-save ko pa yata ang ilang email niya sa akin.

Joey Reyes–Isa sa pinakamasarap kong na-interview si Direk Joey Reyes. Ang dami niya kasing anecdotes. Kinukwento nya sa akin kung paano sya nag-r-research for a film. Mahilig daw syang pumasok sa mga chatrooms sa internet at nakikipagkwentuhan sa mga bagets.  Ang galing niyang magpaliwanag. Marami kang makukuhang quotable quote sa kanya. In fact, nung tinanscribe ko ang interview ko sa kanya, umabot ito ng 25 pages–single spaced. Isa sa mga pinagsisisihan ko sa buhay ay di ko na-save ang interview transcription ko na yun. Sayang.

Dina Bonnevie–Ang di ko malimutan sa interbyu ko na ito with Ms. D ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango na talaga namang umaalingasaw sa buong studio. Ginawa namin ng yumao kong kaibigang si Agnes ang interview kay Ms. D. sa set mismo ng kanyang dating TV show sa GMA-7. Syempre, with her spunk and wit, isang tanong pa lang, halos buo na ang article namin. At di ko rin maalis ang titig ko sa kanya kasi ang ganda ganda talaga ng mukha ni Ms. D.

Raquel Villavicencio–Unforgettable ito kasi ininterview ko ang writer/actress na si Ms. Villavicencio habang nag-d-drive siya ng kotse from Rockwell sa Makati all the way to Alabang kung saan binaba niya ako sa toll gate. She was on her way for a shoot at yun na lang ang time nya para ma-accommdate ako. Tuwing tumitigil kami sa red traffic light, saka siya nakakapag expound ng mga sagot niya sa mga tanong ko.

Eddie Romero — Ang National Artist for film ay pinuntahan ko mismo sa kanilang bahay sa may New Manila. May dalawang oras ko ring nakausap si Mr. Romero at sa edad niyang 80 plus, sobrang talas ng kanyang memorya at pag-iisip.Tanda ko pa ang isang tanong ko sa kanya: “What joy do you derive from directing films?” At ang kanyang sagot: “Who was this director who said: the moment you shout action, whole cities collapse? That’s the reason. You actually get to play God!”

TJ Manotoc–Binata pa si TJ nung nainterbyu ko sya sa kanyang condo sa Ortigas. Kagigising lang niya at mumukat mukat pa. He was also holding a garage sale of his old clothes kaya napabili ako ng isang lumang T-shirt nya. Tuwing suot ko ang nasabing T-shirt at may bumati sa akin na maganda raw ang suot ko, lagi kong sinasabing–binili ko ito kay TJ Manotoc.

Marky Cielo –Sa taping ng TV show na “Maynila” ko nainterbyu si Marky Cielo. This was three months yata before he died. Naaalala ko, umiyak siya during the interview kasi tinatanong ko kung anong natatandaan niya sa childhood nya. Sabi niya, Igorot daw talaga siya at mahirap ang naging buhay nila. Di daw nya akalain na magiging artista sya. Sabay tulo at pahid ng luha.

Romy Vitug–Ang beteranong cinematographer na si Romy Vitug ay nainterbyu ko sa Whistlestop restaurant sa Ortigas. Nagsimula ang interview ng 3pm at natapos kami ng halos hatinggabi na kasi nauwi ito sa inuman. Sobrang daming nakuwento ni Mang Romy tungkol sa daigdig ng pelikula. Ilang beses pa kaming nagkita noon after my article was published upang pag-usapan naman ang photography.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Personalities, Reflections, The Writing Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to 10 Unforgettable Interviews

  1. rey manalo says:

    ganda naman!🙂

  2. Jo Valle says:

    Ganyan din ang kauna-unahan kong tape recorder! Matagal nang nasira kaya di ko na alam kung nasaan na. Pero yong ilang mga tape na kunsaan ko na-record ang ilan kong mga interview, ayun buhay pa haha
    Miss mo na ang showbiz?

  3. Jean Cabrera says:

    Talagang saludo ako saiyo, imagine nameet mo na palang halos lahat ng mga VIPs na director at artista. masasabi ko naman nakunan ko naman ng voice clips sina Tito Sotto nang dumalaw siya sa Los Banos Garden Show. ang guapo talaga niya. saka expert interview sa mga PHD’s natin sa Horti, Agronomy, Soils,Forestry atbp. natutuwa ako talga kc meron din pala akong naging karanasan sa interview, hindi ba doon magaling ang dzlb staff, ye hey.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s