What a Difference a Year Makes

Eksaktong isang taon na ngayon, dumating ako rito sa Taipei dala lang ang isang maliit na maleta, two hundred US dollars at maraming pangarap. Sinundo ako sa Taoyuan airport ni Mr. Ho, ang aming company driver, at dinala sa opisina kung saan nagsimula akong pumirma ng kung ano-anong papeles bilang patunay na it’s official: I’m on board and ready to work. Bagama’t ilang beses na akong nakapunta sa Taipei, hindi ko na kabisado ang pasikot-sikot sa lungsod. Bukod sa aking mga ka-opisinang puro foreigner, wala akong kakilala rito. Hindi ko alam ang mga sakayan at babaan. At lalo namang hindi ako marunong mag-intsik. Pero gaya ng mga typical na Pinoy, isang malaking buntunghininga lang ang aking pinakawalan sabay bulong ng: bahala na si batman. Tanda ko pa ang aking unang gabi sa apartment na aking tinutuluyan. Nagdasal ako ng taimtim at mahinang bumulong na this is the first day of the rest of my life. Dear God, please guide me.

Pero hindi ko naman talaga kinailangang mag-adjust ng malaki kasi pangalawang kabanata ko na ito sa Taiwan. I was here nine years ago at ang pagkakaiba nga lang, nasa lungsod ako at capital ng bansa imbes na sa countryside kung saan una akong na-base. Isa pang pagkakaiba, practically, mag-isa lang ako talaga rito unlike before na may mga kasama akong Pinoy sa trabaho. Sa mga sumunod na linggo, mabilis kong nakabisa ang mga major thoroughfares ng lungsod at sa tulong ng internet, mga guide books, at sa aking napaka gala at napaka layas na mga paa, pakiramdam ko papasa na akong tourist guide dito sa Taipei.

Dahil sa mga kaibigan ko sa Pinas, na-introduce ako sa ilang mga Pinoy na narito sa Taipei and before I knew it, may nakakausap na rin ako ng Tagalog. HIndi ko maipaliwanag kung bakit di katulad nung una kong kabanata rito, hindi na ako naka-experience ng matinding pagka-homesick. In fact, once lang ako umuwi sa Pinas–offical pa yun at nag-extend lang ako ng one week. Madali akong naging at home at panatag dito. Unang una siguro, mas madali nang mag-communicate ngayon dahil sa mga social networking sites sa Internet. Hindi tulad noon na naabutan ko pa ang snail mail kaya inaabot ako ng siyam-siyam bago matanggap ang mga sulat ng mga kaibigan. Pangalawa, nasanay na ako sa takbo ng buhay sa lungsod–mabilis, maingay, maraming napupuntahan at napapag-aliwan, di halos natutulog.

Pangatlo, tama ang naging desisyon kong bumalik sa school at pormal na mag-aral ng Mandarin language. Hindi man ako hasa at hirap na hirap pa rin akong mag-communicate,  parang may nabuksan na portal sa aking utak kasi kahit papaano, kahit konti, may naiintindihhan na ako ngayon sa wikang intsik. Alam kong marami pa akong kakaining bigas (patuloy pa rin akong nag-aaral ng Mandarin) pero at least, kumbaga sa sanggol, unti-unti na akong nakakagapang.

Pang apat may nakita akong charm sa Taipei city na hindi ko nakita noon. For the first time, hinalughog ko ang mga museum na para akong isang iskolar. Pinag-aralan ko ang mga customs ng mga instik na dati ay wala naman akong kainte-interest. Which brings me to my fifth point. Palagay ko–palagay ko lang naman. Nag…ehem….mature na rin ako kahit papaano. Na feeling ko, dapat lang naman dahil kung hindi, para naman akong walang pinagkatandaan.

Apat na miyembro na ng aking pamilya at apat na rin sa aking mga close friends ang nakabista na sa akin dito.  Lahat sila sumasang-ayon pag sinasabi kong sobrang saya at panatag ako rito. Gumigising ako sa umaga na parang laging may sense of wonder and I am always looking forward to another adventure kahit ang plano ko lang naman ay maglakad sa park. Nangyayari pala itong ganitong uri ng .contentment.

Hindi ko plinano ang pagpunta ko rito. Kusa na lang nangyari. Di ko rin alam kung hanggang kailan ako sa ganitong phase ng aking buhay. Ano’t-ano pa man, nagpapasalamat ako, unang una sa Diyos, for this wonderful gift of life, and for truly guidng me. Pangalawa, Ms. Tina Bejosano, if you are reading this, thank you very much for giving me this opportunity. Kung hindi mo ako kinonsider at pinili, hindi ko lahat ito mararanasan. At sa mga kaibigan ko for all your support. Di na ako mag-e-expound. baka mawalan na ito ng impact.

Grabe, naka isang taon na pala ako rito. What a difference a year makes.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

8 Responses to What a Difference a Year Makes

  1. Nymfa Aranas says:

    congrats ronald! wala na ba kayo opening dyan? hehehe… i can imagine na talagang masaya at panatag ang buhay mo….

  2. mayette says:

    masaya ako para sa iyo at sa iyong newfound contentment! Congratulations!

  3. Miss Kiddy says:

    Isang makabagbag damdamin ang iyong mga naging karanasan, gayunpaman, lahat ay nakatakda, sangayon kay Bathala. Harinawang umunlad ka pa lalo Ronald, at sa iyong magiging tagumpay, kami sana ay huwag mong kakalimutan, higit sa lahat ang kababaan ng loob. Pagpapalain ka pa…Regards

  4. Maraming salamat po, and my warmest regards to you, too!🙂

  5. Jo Valle says:

    Hi, Ronald! Congratulations, naka-isang taon ka na diyan! Ang bilis, no? Naalala ko tuloy ang OFW episode ko sa Bahrain hahaha Nag-blog din ako no’ng nando’n ako pero natigil nang bumalik ako dito haha
    Keep on writing and stay happy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s