Office Love Affairs

May modus operandi lagi sila tuwing nag-d-date. kapag manonood ng sine, magkahiwalay sila papasok ng movie theater at magkahiwalay din silang lalabas. Bago sila kumain sa isang restaurant, papasok muna ang isa at sisiyasatin kung may kakilala ba sila roon. If the coast is clear, dun na sila kakain. Pag hindi, hanap na naman ng iba. Pag gusto talaga nila ng matinding labing-labing, kailangan silang lumabas ng Maynila. Dun sa lugar na walang nakakakilala sa kanila. Tutal, 7,100 islands nga naman ang Pilipinas. Hindi sila mauubusan ng lugar. Pero dapat hindi sila magkasabay ng flight. Mahirap ng mabuking. Ganito na ang naging takbo ng kanilang lovelife for the past 19 years. I repeat–19 years. At sigurado silang walang nakakaalam sa kanilang opisina na mayroon silang love affair. Hindi sa bawal ito sa kanilang office. Pareho sila kasing may-asawa.

Nang una ko itong marining sa isang kakilala, ang una kong reaction ay: papaano nila yun naitago ng 19 years e araw-araw silang magkasama sa office? Ang sagot ng matalik nilang kaibigan–hindi raw araw-araw na magkasama sila sa trabaho. Kaya sila tumagal, yung lalaki na-a-assign ng matagal sa probinsya. Ah, sabi ko. That explains.

May mga opisina na talagang pormal na nakasulat sa kanilang rules and regulations na bawal ang office love affairs. Kahit pa kayo ay mga taong walang sabit, di pwede. Pero alam nyo naman sa ating kultura–mentras pagbawalan, lalong ginagawa. So may lumulusot pa rin. Secret nga lang at super ingat na pinagbubulungan ito ng mga tsismoso’t tsismosa sa mga sulok ng cubicles ng maraming opisina. Para syang telenobelang inaabanagan ang bawa’t kabanata. Bawa’t kibot, may kanya-kanyang interpretasyon. Minsan nga, kahit tahimik na ang lahat, gagawan pa rin ng intriga. Parang walang ibang patutunguhan kung hindi ang maging masalimoot.

Bakit nga ba mahirap makipag relasyon sa ka-opisina? Kasi hindi ganoon kadali maihiwalay ang personal sa propesyonal na buhay. Pag syota mo ang boss mo at nag-away kayo kagabi, papaano mo siya pakikiharapan ng maayos sa staff meeting kinabukasan nang hindi mo nadadala ang mga anino o latak ng inyong naging away? O minsan, di rin maiiwasan ang magkaselosan. Kapag nakikita mong tahasang may nag-f-flirt sa ka relasyon mo, di mo masasabi kung anong magagawa mo kahit pa sabihing kontrolado mo dapat ang emosyon at kilos under a corporate setting. Kaya nga  sa mga bangko, kapag mag-asawa, pinaghihiwalay talaga sila ng department. Parang iwas pusoy na lang para walang conflict. Kaya hindi nga ba unwritten rule na yan in most corporate set-ups–huwag magkakalat sa sariling bakod. Kaya yung iba, pag nagkakagustuhan at nagkakaigihan, they make it a point na yung isa, aalis o lilipat ng trabaho. Minsan kasi kahit walang away, nagkakasawaan kasi nga, familiarity breeds contempt. So it’s healthier that way.

Kaya hindi ba ang payo ng mga relationship experts, kung kayo ay nasa gitna na ng isang mainit na office love affair–lalo na yung of the illicit kind, the golden rule is be discreet. Mag-ingat hindi lang ng sampung beses kung hindi isang daang beses. Baka hindi nyo makayanan ang consequences kapag ito ay sumabog at kumalat sa mga pasilyo ng inyong opisina.

Doon naman sa nagbabalak pa lang, mag-isip isip din kayo ng maraming beses bago tumalon sa bitag. Or better yet, don’t. Oo nga’t totoong masarap ang bawal, pero pakaisipin kung worth it ba lahat. Ang isa ngang tanong na dapat laging sagutin ay: nakahanda ka bang ma-jeopardize ang iyong pamilya at ang iyong career alang-alang sa minamahal? Paano pag nagkabistuhan? Ano ang mga back-up plan?

At pakatandaan: three people can keep a secret if two of them are dead. Sa tagalog, ang tatlong tao ay makapagtatago ng lihim kung ang dalawa sa kanila ay patay na.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to Office Love Affairs

  1. Bro,

    I think mega relate ako dito sa topic mo hehehhe.

    I have two office mates here. Everybody knows the girl is married as she got pregnant by her soldier fiancee 3 years ago. Unluckily the child was born dead and the relationship with the child’s father was ended. Less than a year the girl went to relationship with another soldier again with her ex friend at the PMA. Again she was not happy and ended it again kasi daw Muslim yung guy.

    And after hearing her sad stories, my office mate who is my friend too got hook with her ayun sila na pala. # kaming laging magkasama di ko alam may something na pala sa kanila.

    So words spread, and madalas makita sa makati avenue, sma makati, sabay magbreakfast s aJollibeea nd Mac DO.

    Pero deny pa rin hehehhee.

    Two is a compnany and three is a crowd kaya di na ako nagsasama sa kanila. Feeling ko kasi gianmit lang nila friendship ko para di sila mahalata.

    Good thing i have many friends here.

    Pero naaawa akosa girl, nega ang dating for her unlike sa guy na cool lang.

    they dont admit it but their actions spelled it very clear.

    ” We are not”, but more of Unofficially yours….

  2. thanks for your story, gie. mahiwaga talaga ang buhay.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s