Freelance

Marami ang hindi makapaniwala pag sinasabi kong between 2004 and 2010, wala akong full-time work. Anim na taon akong walang structured work life. Unless may importanteng meeting o appointment, natutulog at gumigising ako kahit anong oras na gustuhin ko. Ang kalimitan kong opisina ay mga coffee shops gaya ng Starbucks at Seattle’s Best. May mga panahon na sa isang raket lang, kuha ko na ang personal budget ko para sa isang taon. May mga pagkakataon namang kailangan kong mangutang na dahil patong-patong na ang aking collectibles at may mga kliyenteng ang bagal magbayad. Ang dali kong mahatak sa mga gimmick dahil hawak ko nga ang oras ko. Pero wala akong security of tenure. Ilang taon akong walang 13th month pay. Masaya na mahirap ang buhay ng isang freelancer.

Nagsimula yun kasi matapos kong mag-resign bilang creative writer sa isang call center, ang mga natanggap kong offer ay puro part time writing and editing jobs. At komo kailangan kong kumayod ng doble, wala akong tinatanggihang raket. Hataw lang ng hataw. Dumating yun sa point na nagustuhan ko na ang buhay na hindi nakatali sa 8am to 5pm routine. Masarap din kasi porke nagsusulat ako sa iba’t-ibang publications, iba-iba rin  ang aking nakakasalamuha on a daily basis. Ito ang sample ng isang linggo sa buhay ko noon: Lunes, may brainstorming ako sa aking raket sa GMA-7. Martes, akyat naman akong Antipolo. Interview ng isang outstanding farmer para sa agribusiness magazine. Miyerkules, yagyag naman ako sa isang government office kasi pag-uusapan namin ang isang project na gusto nilang ipasulat sa akin. Huwebes, maghahabol ako ng artista sa ABS-CBN para sa lingguhang article ko sa Inquirer. Biyernes, kailangan kong tumakbo sa World Trade Center para mag-emcee ng opening ng isang event. Sabado, kakanta ako sa kasal. Sayang din ang kikitain ko dun. Linggo, mag l-lecture naman ako para sa HR department ng isang kompanya sa Canlubang. May mga linggo na hindi ako natutulog kasi kailangan kong mag-aral at magsulat. May mga linggo naman na araw-araw, nanonood lang ako ng sine. Hindi ako napapako sa isang trabaho kaya hindi ako na-b-bore.

Kinukwento ko ito kasi may nakilala ako recently na Pinoy na nagpunta rito sa Taipei para lang daw mag-relax at  mag-isip  kung mag-re-resign sya sa kanyang trabaho bilang editor ng isang popular na broadsheet. Iniisip din daw niyang mag-freelance. So binigyan ko sya ng tips. Sabi ko, unang una, dapat marami kang contact. Dapat visible ka lagi. Pangalawa, pag nagsisimula ka, huwag kang mamimili. Beggars cannot be choosers. As long as malinis na trabaho yan, wag kang tatanggi. Pangatlo, dapat on guard ka lagi. Ang problema kasi pag freelancer ka, once na nabayaran ka na, may tendency kang tamarin. May pera ka na ulit kasi. Pwedeng magpa bandying bandying muna. Pag ganun ang attitude, di ka makakaipon. Survival mode ka lang.

Hindi totoong madali lang mag-freelance. Naiisip mo lang madali kapag matagal mo na itong ginagawa at nakasanayan mo na. Pero ito ang trabahong kailangang palagi kang nag P-PR. Dahil totoo naman–pag nagustuhan na ng kliyente ang trabaho mo, ikaw at ikaw parati ang hahanapin at kukunin. So para ka na ring may regular job. Pero mayroon ding mga clients from hell. Mga kliyenteng ngingitian mo pa rin kahit gusto mo na silang patayin dahil napakahirap nilang kausap at saksakan ng dami ang mga demands.

Hindi lahat ng tao ay babagay sa freelancing jobs lalo na yung mga introverts. But I must say it really has its intrinsic merits. Otherwise, di sana ako tumagal ng anim na taon sa pag-f-freelance. Siguro kung hindi ako nag-abroad, freelancer pa rin ako. I probably wouldn’t have it any other way.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

3 Responses to Freelance

  1. nymfs says:

    wow ronald! talaga palang makulay at exciting ang iyong career bago ka nakabalik sa taipei…. thanks for sharing your experiences! so helpful. pwede pala kita maging mentor sa area na ito.

    kakasimula ko lang nag-freelance last year at natuwa na ako nang masubukan ko ang about $200 per week sa online editing job sa odesk. pero tulad nang mga sinulat mo na maski sa online or home-based job ay applicable, hindi rin madali. kailangan visible or apply nang apply para di mawalan ng contract.

  2. Nymfa Aranas says:

    mga 5 weeks lang yung big contract na yun. sabi ng american kong employer, pag daw kumita yung 1st book, kukunin niya ako editor sa next book…. kaso di pa yata pick up sales.

    mas exciting sana yung buhay freelance mo…. ang online freelance job ay mahirap para sa mga extrovert o mga taong gala… parang nakakulong pag home-based. kaya medyo matagal din ako nawalan ng contract kasi meron ibang priorities….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s