Mag Re-Resign Ka na Ba?

Tatlo na silang lumapit sa akin ngayong taong ito. Humihingi ng payo. Dapat na nga ba raw silang mag-resign? Ang term nung isa, nasusuka na siya sa kanyang trabaho. Hindi na raw healthy. Yun at yun din. Wala na raw growth. Mayroon ding hindi na ma-take ang boss. Power tripper, slave driver, mahirap espelingin. All sorts of reasons.

Ang knee jerk reaction ko lagi sa mga ganyang dahilan ay simple lang: kung hindi ka na masaya, just do it. resign na agad. Maigsi lang ang buhay. Bakit mo papahirapan ang sarili mo? Pero hindi nga ganun kasimple ang buhay. Hindi siya black and white. Laging may tinatawag na penumbra or shades of gray. Madaling mag resign kung may milyon milyon kang pera sa bangko at kahit ilang taon kang humilata sa kama ay may pambayad ka ng bills. Madali ring mag-resign kung wala kang pamilya o mga taong sinusuportahan at sarili mo lang ang iyong inaalala. Ganundin kung bata ka pa. Madali lang maghanap ng trabaho.

Yun ang una kong tatlong tinatanong pag may humihingi sa akin ng advice tungkol sa pag-re-resign. Ano ang current financial status mo? May dependents ka ba? Ilang taon ka na? Pagkatapos noon, sinasabi ko rin ang general rule. As much as possible, huwag kang mag-re-resign kung wala ka pang lilipatan. Marami akong kilala, ura-uradang nag resign kasi hindi na raw nila ma-take na pumasok pa ng isa pang linggo sa opisina. Kahit daw wala pa silang malilipatan. Anyway, di daw naman siguro sila pababayan ng Diyos. Naku, inasa pa sa Diyos ang kapalaran. Ayun, yung isa, dalawang taon bago nakahanap ng trabaho. Baon na sa utang. Pakiramdam daw nya nangalawang na ang skills niya.Ang nakakatawa, na-mi-miss daw nya ang kanyang dating trabaho at gusto ulit bumalik.

Pero minsan, ang tanong ay ganito: may nakita na akong malilipatan. Kanya lang mas maliit ang sweldo dun! Gaano kako kaliit? Kasi kung konti lang naman ang diprensya, go ka pa rin if only for your peace of mind. Pero pag malaki ang difference, aba hanap ka pa ulit ng iba.May pagkakataon namang hindi sweldo ang problema. Malayo raw ang lilipatang opisina sa kanilang bahay. Makaka-apat na sakay sila. O kaya, may overtime daw lagi at may trabaho pag Sabado. Kapag ganyan, ang lagi kong tinatanong: ano ba ang mas matimbang? Ang bago mong trabaho o ang inconveninece ng apat na sakay, overtime at pagtatrabaho tuwing Sabado?

Pero ang lahat ng ito ay mga guide questions lang. Overall, konsensiya mo pa rin at gut feel ang mananaig. May kakilala ako. Marami siyang anak, wala pa siyang malilipatan at marami pa siyang utang. All odds were against him pero dahil ayaw na niya talaga, nakipagsapalaran siya. Resign kung resign. After five years, may sarili na siyang kompanya. Sabi niya, it was the best decision he ever made in his life.

Pero hindi lahat ay kasing swerte at kasing determinado nung nabanggit ko. Sa panahong mahirap ang buhay at talamak ang unemployment sa buong mundo, mag-isip ng sampung beses bago mag-resign. Alamin din ang inyong priorities at mga bagay na totoong makapagpapaligaya sa inyo bago i-submit ang nasulat ng rersignation letter. Good luck!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Tips. Bookmark the permalink.

2 Responses to Mag Re-Resign Ka na Ba?

  1. michiko says:

    hay naku gawin mo na kong pang-apat. pagod na ko sa TV!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s