Living Solo

Noong 1950, apat na milyon daw na mga Amerikano ang namumuhay sa kanilang mga apartments ng nag-iisa. Sixty-two years later, ngayong 2012, umakyat na ang bilang ng mga taong naninirahang mag-isa sa 33 milyon o 28% na ng buong US households. Yan ay ayon kay Eric Klinenberg na nagsulat ng article na pinamagatang “Living Alone is the New Norm, ” bahagi ng cover story ng March 12, 2012 issue ng Time magazine na tumalakay sa mas malawak na topic na “10 Ideas that are Changing Your Life.” Una sa 10 ideas na tinalakay ang living solo.

Amerika lamang ang naging starting point ng diskusyon ni Klinenberg pero ipinaliwanag niya na ang trend na ito ay lumaganap na rin sa buong mundo. Sa katunayan, ayon sa mga pinakitang figures sa artikulo, mas mataas pa nga ang bilang ng mga taong namumuhay ng mag-isa sa mga bansang gaya ng Sweden, Britain, Japan at Italy. Ewan ko lang kung meron na tayong ganitong figures sa Pilipinas pero sa dami na ng mga tinatayong studio type condominiums sa mga lungsod gaya ng Manila at Cebu, malamang na tumataas na rin ang bilang ng mga Pilipinong gusto na ring mamuhay ng mag-isa.

Tatlong bagay ang unang klinaro nitong artikulo sa Time. “Living alone, being alone and feeling lonely are hardly the same.” Sa madaling salita, hindi ibig sabihin na kapag namumuhay kang mag-isa, e malungkot ka. “Reams of public research show that it’s the quality, not the quantity, of social interactions that best predicts loneliness.” Sumasangayon ako rito. Nung unang panahon kasi, kapag bumukod ka sa pamilya at nanirahang mag-isa, nababansagan kang recluse at hermit. Parang kang ermitanyo na namundok. Ayaw ng lumabas sa lungga at makisalamuha sa iba. Hindi na  ito ganun ngayon. Sa katunayan, ayon sa article ni Klinenberg kung saan nakapag interview sya ng mga 300 daang tao na namumuhay mag-isa, napatunayan niya na ang mga taong naninirahan ng mag-isa ay mas nag-c-compensate sa kanilang solitary lives sa pamamagitan ng pagiging mas socially active kesa mga taong naninirahan sa kanilang pamilya o sa kanilang mga kasambahay.

Bakit nagkaganito? Kasi raw mas maraming tao ang nakakaramdam ng saya at ginhawa sa pamumuhay ng mag-isa. “Living alone allows us to do what we want, when we want, on our own terms.” Hindi mo na nga naman aalalahanin na gumising ng maaga kasi ipagluluto mo pa ang kasama mo sa bahay. Kakain ka sa oras na gusto mo–hindi yung dinidikta ng lipunan na kapag alas dose na ng tanghali, dapat magtanghalian ka na. Ikaw lang ang magdidikta kung gusto mong mamasyal, manood ng sine, magbasa ng libro, matulog, maligo o huwag gumawa ng kahit na ano ng walang makikialam.

Pero ang pinakagusto kong sinabi ng author ay ito: “…living alone can offer even greater benefits: the time and space for restorative solitude.” Ito kasi ang malimit kong marinig sa mga kaibigan kong naririndi na sa ingay ng kanilang mga kasambahay. “Kelan ko kaya mararanasan yung weekend na talagang ako lang? Yung nakakapag-isip ako, nakakapag-reflect, Yung ako lang at walang ibang iniiisip.”  At ang panghuli pang sinabi ni Klinenberg: “Paradoxically, living alone might be exactly what we need to reconnect.” Na sinasangayunan ko rin dahil kapag alam mo ang value ng pag-iisa, mas handa ka at mas aalagaan mo pa lalo ang iyong mga koneksyon sa iyong mga kaibigan at mga  mahal sa buhay.

Kamakailan lang, nakatangap ako ng email sa isang dating kaopisina. Isinasangguni niya sa akin ang problema niya sa kanyang 23 na anak na gusto na raw bumukod sa kanila at mamuhay nang mag-isa. Ang tanong ko lang, may trabaho na ba siya? Oo raw. E di go ahead, sabi ko. Sagot niya. “Natatakot ako. Paano kung anong gawin niya? Paano kung magkasakit siya?”

Ang sagot ko: “Iba na ang mga kabataan ngayon. Kaya niya yun. And besides, he is entitled to his own mistakes. Maniwala ka, mas matututo siya.”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Trends. Bookmark the permalink.

2 Responses to Living Solo

  1. ruel says:

    nakita ko nga din itong time issue na ‘to. Well.. Kasabihan nga sa kastila “Es mejor solo que mal acompañado” (“Better alone than in bad company”)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s