Judge Not

Aminin na natin. Kahit ano pang sabihin ng mga pangaral ng ating relihiyon, ng mga nakatatanda, ng ating lipunan, nanghuhusga pa rin tayo at varying degrees. Kahit anong pilit nating maging open minded at kumbinsihin ang ating mga sarili na edukado tayo, disente at nakapaglakbay na sa iba’t-ibang lugar, dahil sa tao lang tayo, hindi natin maiwasang minsang umismid, magtaas ng kilay, manlaki ang mga mata at butas ng ilong kapag nakakarinig tayo ng mga pangyayari, insidente o sitwasyon na taliwas sa ating nakalakihang pamantayan ng sinasabing tama at nasa libro ng kagandahang asal. Bukod sa mayroon tayong sinasabaing religious, racial at cultural biases, kailangan nating tanggapin na kumplikado talaga ang buhay at hindi lahat ng bagay ay ating lubusang mauunawaan.

Kumakain ako sa isang fastfood sa basement ng isang mall dito sa Taipei nang mayroong lumapit sa aking ale at sinabing “is this seat taken?” Kaagad akong umiling. “Can I join you?” tanong nya ulit. Tumango naman ako nang hindi nagsasalita. Tuloy-tuloy lang ang subo ko sa mainit na noodles.

“Pilipino ka?” Tanong ulit ng ale na sa tingin ko’y may mga 50 years old na.

“Opo, “sagot ko.

At doon na nagsimula ang kuwentuhan. Gulat na gulat ako dahil wala pang five minutes kaming nag-introduce ng aming mga sarili, nagsimula ng magkwento yung ale, (na itatago ko sa pangalang Aling Minda) ng kanyang napakamakulay na buhay. Dalawang taon na raw siyang nag-aalaga ng matanda rito sa Taipei, lima ang kanyang anak, biyuda at breadwinner ng kanyang pamilya.

Ang bombshell ni Aling Minda ay pinakawalan niya nang malapit na akong matapos sa kinakain kong noodles.

“Yung panganay ko ngang anak na lalaki, hindi pa natatapos sa kolehiyo, nag-uwi raw ng bellas sa bahay. Tinawagan ako at ang sabi ay mag-aasawa na raw siya dahil sa mahal na mahal niya ang bellas!. Siya mismo ang nagsabing bellas ang kanyang kasintahan. Tama ba naman yun?”

Napatigil ako for five seconds. Sinubukan kong i-process ng mabilis sa utak ko ang aking mga narinig.”A-ano hong ibig ninyong sabihing bellas?” Tanong ko kasi parang fifteen years ko na yatang di naririnig ang salitang  yun.

“Bellas,” sabi ni Aling Minda. Babaeng nagtatrabaho sa club. Bayarang babae. Mababa ang lipad.”

Wow, sabi ko sa sarili. Very `70s ng dialogue ni Aling Minda. Parang dialogue nina Celia Rodriguez nung araw. Hindi ko napigilang matawa although bigla rin akong na-guilty dahil namumuo na ang luha niya at alam kong seryoso sya sa kanyang sinasabi. Sinubukan kong gawing light ang aming usapan dahil nagiging emotional na si Aling Minda at nagsisimula ng tumaas ang kanyang boses sa galit.

“Baka naman ho mahal niya talaga yung babae,” sabi ko, although nagtaka rin ako sa aking sarili kung bakit ganun ang reaksyon ko. Na dinugtungan ko pa ng. “E kung mangangako ho naman yung babae na magbabago at di na babalik sa dati niyang trabaho, baka naman ho maging okay ang relasyon nila.

“Magbabago pa ba yun?” tanong ni Aling Minda. “Yang anak kong yan, sa lahat ng anak ko, pinakamatalino yan. Honor student pa siya pero hindi ginagamit ang katalinuhan. Napakatanga niya! Napakatanga!”

Gusto ko ngang mag second the motion kay Aling Minda dahil hindi man ako naging magulang, ramdam ko where she is coming from. Pero nagpigil ako dahil feeling ko, I am already passing judgment on his son na hindi ko naman talaga kilala.

Naghiwalay kami ni Aling Minda ng maayos at nagpasalamat naman siya na nakinig ako sa kuwento ng buhay nya. Kaagad siyang nawala sa kumpol ng maraming tao pagkatapos niyang magpaalam sa akin.

Bagama’t sa tingin ko’y tama lang naman talaga ang lahat ng sinabi ni Aling Minda, napaisip tuloy ako nung gabing yun tungkol sa ating mapanghusgang nature. Kapag may mga naririnig tayong mga pangungumpisal ng mga kakiklala tungkol sa mga kaibigan nilang naki-apid sa may-asawa, mga babaeng nagpa-abort, mga taong winasak ang buhay nila dahil sa tingin natin ay mali ang kanilang mga choices, kaagad tayong nanghuhusga.

Di ba ang turo sa atin ay “judge not so that we won’t be judged?”

Isip isip ulit ako hanggang sa nakaramdam ako ng pagod.

Huu, linsyak na yan. Makatulog na nga.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Judge Not

  1. Permskee says:

    wow…naalaala ko tuloy yung dialogue sa isang movie..it goes something like “…Anong karapatan natin humusga? Ang Diyos nga, inaantay muna tayong mamatay bago tayo husgahan” (RGM tama ba tagalog ko?)

  2. reynaldo manalo says:

    hahaha…sineng-sine! Maige at gayun ang iyong naging reaksiyon. Baka pagod na nanay lang si aling Minda at naghahanap lamang ng mapagbubugahan ng kanyang sama ng loob at kapaguran. Nagsilbi kang pahingahan pansamantala nung ale. Nice, RM. Salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s