Taong Radyo

“What???”

“Di nga?”

“Stir!”

“Nang-g-good-time ka, ano?”

Ilan lamang yan sa mga natatanggap kong reaksyon kapag na-m-mention ko sa ilang mga kaibigan at kakilala na once upon a time, isa akong, ehem… radio announcer. Parang di nila ma-imagine na broadcaster ako nung araw. So sabi ko, bahala kayo kung ayaw ninyong maniwala. Kalimitan nag-pa-pasample sila ng mga pinagsasasabi ko rati sa radyo, so pinagbibigyan ko naman sila. Eto ngayon ang kanilang sinasabi:

“Ay, oo nga!”

“Shyet, di ka nga nagbibiro!”

“Sample pa, dali!”

“Kaya ka pala makuwento!”

True. Dahil high school pa lang ay nasa radyo na ako, whether people like it or not, huwag lang di matapan ng mikropono ang bibig ko, I go into that broadcaster mode. Para akong nasusian. Nakakapag expound ako sa isang bagay in an instant kahit wala akong naiintindihan. Nakaka-shift ako ng mood basta nasabihang “you’re on the air.” At kahit mahigit ng 20 taon akong wala sa radyo, minsan ay hinahanap hanap ko pa rin ang ingay ng daigdig na yon–daigdig na di pwedeng manahimik dahil bawal ang dead air. Masaya ang buhay ko sa loob ng announcer’s booth noon. Updated ako lagi sa music. Ang dami kong na-m-meet at nakikilalang tao. Lagi akong naiimbitahang mag judge sa kung ano-anong contest. Napagtatanungan ako ng kung ano-anong bagay–mula sa pag-aalaga ng baboy hanggang sa kung papaano makikipagbalikan sa syotang nang-iwan. Parang authority ako sa maraming bagay gayong ang totoo, ang dami-dami kong hindi alam at naiintindihan.

It also goes with the territory na ang dami ko na ring nainterbyu live on air. Mga mayor, gobernador, konsehal, guro, magsasaka, estudyante, manggagawa, propesyonal, tambay, singer, artista, etc. Bawa’t isa, may kanya kanyang istilo at “himas” na kailangan para makakuha ka ng magandang sound bites. HIndi lahat ng pagkakataon, okay ang kinalalabasan ng mga interbyu ko pero komo’t live ito, the show must go on.

Nang mapunta ako sa corporate world at nag-focus na sa laranagan ng  pagsusulat, pumipitik pitik pa rin ang tawag ng broadcasting pa minsan minsan. Natatawagan ako para mag record ng aking boses sa mga corporate AVPs, commercials, etc. Naiimbitahan ako maya’t mayang mag-emcee sa kung ano-anong function–mula kasal hanggang lamay. Na-aanyayahan din akong mag-share ng experiences sa mga corporate communication training courses, seminars at sa mga eskwelahan.

Kapag nakikinig ako ng mga radio broadcasts at podcasts sa internet ngayon, di ko na lubos maisip na once upon a time, ako yung nakaupo sa announcer’s booth at nagdadadaldal. Dati rati, wag lang di sabihin ang title ng kanta, alam ko kung saang album nanggaling yun at kung anong cut nito sa CD. Minsan nga pati composer at songwriter, nabibigkas ko from memory. Ngayon, hindi na ako updated. At iba na rin ang istilo ng pag-a-announce ngayon–lalo na sa Pinas. Mas maingay. Mas bombastic. Mas nakaririndi.

Minsan nga, pag nagkikita-kita kami ng mga kasamahan ko noon sa radyo  naiisip namin: ano kaya’t di tayo nag-iba ng career path at nanatili tayo sa radyo? Ano na kaya tayo?

Tas isa-isa kaming sasagot. May mga nagsasabi na: “E di ganun pa rin. Gutom.”

Meron namang: “Maingay na rin siguro ako. Di na epektib yung style natin nun.”

Ako, di  na makapagsalita. Pakiramdam ko kasi, kahit nanatili ako noon sa buhay radyo, di rin ako talaga magtatagal. Pero naniniwala ako na parang pagbibisikleta rin yan. Kahit 20 taon na akong di nakakapagbisikleta, pasakayin mo ako’t makakapa ko ulit ang  pagpapatakbo nito. Napatunayan ko ito nang minsang mag promote kami ng isang event sa isang estasyon ng radyo sa Maynila. Sa pagkakataong ito, ako naman ang ininterview at matapos ang program, nilapitan ako nung announcer.

“Taong radyo ka dati ano?” Tanong nya.

Sumagot akong nakangiti. “Oo, ba’t mo alam?”

“Halata e. Once a broadcaster, always a broadcaster.”

Na-summarize nya ang gusto kong sabihin in just six words.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Homecoming Stories, Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

5 Responses to Taong Radyo

  1. sally says:

    galing mo talaga rgm…. thru your blog parang nakikilala kita ng lubusan..naks… love na talaga kita…hehehe …. sample ..sample….

  2. nymfs says:

    those were the days…. at pinakasikat ka yata sa DZLB ang “Radyo ng Kaunlaran.” baka naman until now ay meron ka pa rin station ID doon…

    bilib nga ako sa mga magagaling na announcers…. mahanap nga minsan ang aking treasured possession. yung tape ng docu natin na Christian Music. requirement yata yun sa elective ko kay ma’am marlyn (DC 62) kaya i had that opportunity to record with you…

    sobrang nag-enjoy ako sa broadcasting, kaya nag-contemplate ako kung edcom or broad, but i chose edcom pa rin. pero memorable and wonderful experience din for me makapag-SA sa DZLB. i handled Campus Balita nung time na kakaalis mo lang. wala na rin si ma’am helen at si junie na yata ang station manager.

    sarap talaga sa booth pati mag-operate ng console. minsan nakakaba din mga glitches like meron naiipit na reel tape…. nag-ambisyon din ako magkaroon ng broadcasting career kahit edcom ang pinili ko. kaso hindi ako kasing articulate and spontaneous tulad ninyo nina ate tattie. tukso nga sa akin ng mga kasamahan namin sa Christian org ay “scripted.” hehehe… in other words, trying hard kaya frustrated announcer ang labas.

    so unforgetable sa broad ang Broadcast Speech & Performance course kung saan natutunan ko magboses matanda at boses bata at magmodulate ng boses, pati na musical scoring.

    recently, i visited a Christian blog na may podcast, naisip ko tuloy masubukan kaya ang ganun hehehe… TH again… you ronsky talent mo lang din why not try podcasting if miss mo na broad?

  3. nymfs says:

    di na nga yata kita naabutan sa DZLB.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s