Gout

Magigising ka sa gabi na humihirol sa sakit. Di ka makalakad o makagalaw. Huwag lang  madampian ng kumot ang affected area ay mapapasigaw ka sa tindi ng sakit. Ayon sa ilang internet medical sites, ang mga attack daw ng sakit na ito ang isa sa pinakamatinding uri ng physical pain na maaaring maramdaman ng tao. Ito ang sakit na gout, isang medical condition na tinatawag ding inflammatory arthritis o ang masakit na pamamaga ng ating mga joints.

Dalawang beses na akong nakaranas ng gout attacks. Yung una ay mga sampung taon na ang nakakaraan at yung pangalawa ay mga three years after. Di ko kayang ma-describe ang tindi ng sakit. Maiisip mo talagang pinarurusahan ka ng langit. Mapapa-reflect ka sa iyong mga kasalanan at mapapahingi ka ng tawad sa Diyos dahil hindi mo na kaya ang sakit. Sisigaw ka ng malakas kapag nasa sasakyan ka at dumaan ito sa lubak. Buti na lang, awa ng Diyos, hindi pa ulit ako dinadalaw ng gout attacks. Knock on wood. Huwag naman po sana.

Ano ba ang sanhi nitong gout? Ayon sa mga doktor, elevated levels of uric acid in the blood daw ang nagiging sanhi ng karamdamang ito. Ito ay namumuo na parang crystals sa ating mga joints, tendons at sa mga nakapalibot nitong tissues. Nine times more common in men ang gout attacks kesa mga babae. Bukod sa ating genetic predisposition ( ibig sabihin kung ikaw ay galing sa pamilya na may history ng gout, malaki ang chance mong mamana ang sakit), ang ating lifestyle at diet ang kalimitang sanhi ng pagtaas ng level ng ating uric acid. Pag tayo ay mahilig sa beer, hard liquor, mga matatamis na inumin, karne gaya ng baboy at baka, mga seafood, legumes tulad ng mani, monggo, patani, maaalat na pagkain at sawsawan gaya ng bagoong at patis, etc., madaling mag-s-shoot up ang ating uric acid.  Malaki rin daw ang chances na magkaroon tayo ng gout kung meron tayong hypertension, abdominal obesity at insulin resistance.

Nagagamot at manageable naman ang gout pero kapag hindi ito naingatan, maaari itong lumala at ang tanging maaaring lunas lang ay ang surgery kung saan kakayurin ng mga doktor ang inyong mga joints kung saan namuo ang uric acid crystals. E bakit pa natin hihintayin yun?

In the meantime, ang pagkain daw ng mga sumusunod ay maaaring makapagpababa ng ating uric acid: unsweetened na gelatin o gulaman, strawberries at peras. Ipinapayo rin ng mga duktor na magbawas tayo ng timbang, mag-exercise at uminom ng maraming tubig.

Natatawa na lang kami ng ilan kong mga kaibigan na nakaranas na ng mga gout attacks. Hindi kami naiiba sa mga earthquake at tsunami survivors. Tuwing magkikita kami at magkukwentuhan, papasok at papasok sa usapan namin ang aming mga gout attack experiences at mapapa-usal na lang kami ng: “hay, matatanda na talaga tayo”

Yes, midlife and senior life are realites that we all have to face. Kaya sa mga batang makakabasa nito, your time will come. Kapag hindi kayo nag-ingat, good luck sa inyong unang gout attack. Hindi ako nananakot but don’t tell me, hindi ko kayo na-warningan. Pero huwag kayong mag-alala, if it’s any consolation, life changing ang sakit na gout dahil pag umatake ito at naramdaman mo ang unang kagat ng sakit, mapapasumpa ka talaga na di ka na uulit mang-aabuso sa iyong katawan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Tips. Bookmark the permalink.

4 Responses to Gout

  1. AMEN to this! true and very painful facts. Arthritis and gout are sign of ehemmm being matured physically. just making it light, yes we are getting old and getting heavier everyday.

    You take Green barley. Its herbal juice (Php300.) malaking tulong sa akin ito bro.

    Di na masyado umaatake and gumaling pa iyong mga sakit kong Vertigo and ulcer.

    Order na at it irefer mo ako sa friends mo.🙂

  2. hello gie. hanep sa plugging ha. magaling yan. hamo’t pag may nagtanong. i-re-refer ko sa yo.🙂

  3. Joe Mar says:

    ako 10 years old palang nagkasakit na ako ng gout. ngayon 29 years old na ako isa na akung lumpo nasanay na ako sa sakit ng gout tuwing umataki.. kahit matindi yung sakit na naramdaman ko lumaban parin ako kasi gusto kung mabuhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s