Ang Mga Millennials

Sa America, may 75 million daw na tao ang kasama sa henerasyong ito. Sila yung mga taong ipinanganak after 1981. Forty percent daw rito ay mga African American, Latino at Asians. Kakaiba na ang mundong kanilang kinagisnan dahil ito yung panahong ang bilis na ng pagbabago ng technology. Kung inyong maaalala, from betamax, naging VHS ito, tapos naging CD tapos naging DVD hanggang nagkaroon na ng mga high definition, IMAX, etc. Lalo naman sa cellphones at computers. Kung ano-ano nang nauuso. Nakakalito kasi pabago-bago at pa hi-tech ng pa-high tech. Ito ang mundong kinalakihan ng mga millennial generation na minsan ay tinatawag nilang generation Y or the Net generation. Tinatawag din silang  mga millennials, ang mga anak at apo ng mga post boomer generation–o yung mga taong ipinanganak matapos ang World War II.

Walang natatandaan ang mga millennials sa mundo na walang Internet at dahil dito, sila ang pinaka technologically savvy na tao sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Iba ang naging conditioning ng kanilang mga utak dahil ang parati nilang kaharap ay makina at high-tech gadgets. Ang bilis nilang matuto at mag-configure. Ang lupit nilang mag-analyze at mag solve ng mga technical problems. Lagi silang bukas sa mga pagbabago. Matindi rin ang kanilang self confidence at sanay na sanay silang mag-multi task. Marami rin daw sa kanila ay mga rebelde at palaban. Kung kayo ay mga nasa late 30s or early 40s, subukan nyong makipag-usap sa inyong mga anak o pamangkin at mapapansin ninyong kakaiba silang mag-isip at mangatuwiran. They are too smart for their age, know what they want and are highly ambitious.

Pero dahil sa kanilang kabataan, wala silang maturity para harapin ang mabibigat na problema ng buhay. Confident man daw sila sa kanilang technical skills, karamihan din sa kanila ay socially inept at kimi. Mainipin din sila dahil sanay na sanay sila sa mabilisang resulta. Mahina rin ang kanilang frustration tolerance. Sa mga human resources developement departments ng mga kompanya sa Amerika (at sa palagay ko’y kahit din dito sa Asia), may mga dinedevelop na mga training modules kung paano ang mga boss at supervisors ay makikitungo sa mga bagets na millennials. Obviously, mayroon kasing generation gap sa iba’t-ibang level ng relasyon na nagaganap sa mga boss at mga batang empleyado. Minsan, mas nagiging komplikado ang sitwasyon kapag ang boss ay bata at ang mga nasasakupan niya ang mga matatanda.

May kakilala ako, sa edad na 23 ay naging manager na ng isang agricultural company. Ang mga tauhan nya ay mga kasing edad na ng tatay at nanay niya. Mahigpit magpatakbo ng negosyo ang bata, bagay na ni-re-resent naman ng mga tauhan niya na nagsimulang manilbihan sa kompanya long before he was born. Paano kaya sila nagkakasundo?

Noong nag-aaral ako ng French sa Alliance Francaise de Manille, ang aking  teacher ay batang bata pang Pinoy at isa sa kanyang estudyante ay ang kanya mismong ina–awkward lagi ang kilos nung mag-ina lalo na sa recitation.

Ang ganitong mga shift of powers at roles ang pinakaiingatang huwag magkaroon ng sira o lamat dahil kapag na-manage naman daw ng mahusay, ang mga batang millennials ay pwedeng maging tiga salba ng negosyo at trabaho. Pwede rin silang maging mahuhusay na tagapamahala.

Reklamo nga ng kaibigan ko na may anak na batang sobra raw talino kaya mismong syang magulang ay na-i-intimidate: “Araw-gabi ang kaharap nya pag hindi cellphone, computer. HIndi kami magkaroon ng disenteng usapan dahil parang wala akong kausap!” Sabi ko naman sa kanya–ikaw ang magulang, ikaw dapat ang kapitan ng barko. Highly skilled at well-informed lang sya pero bata pa rin yan. You have the voice of experience kaya ikaw dapat ang gagabay sa kanya.

Totoong marami tayong matututunan sa mga millennials pero alalahanin natin na marami rin tayong pwedeng ituro sa kanila na di kayang ituro ng kahit anumang computer, matalinong gadget o makina.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Reflections, Technology, Trends. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s