LB Killings and Violence

Last weekend, nagulantang ako sa mga balita. Ang una ay galing sa aking kaklase at school mate na si Rik Araral na nag-post ng ganito sa kanyang Facebook wall:

Rochel M. Geronda (Cesil), 14y.o., a student in my sampaguita kids bible study class, was raped and killed here in Los Banos last Tue night. A sweet and responsible girl who sold sampaguita in the UPLB campus since she was small, Cesil loved to dance, memorize verses, laugh, babysit, draw flowers, and make greeting cards. She loved school and was very thankful that despite her family’s poverty, she still had the chance to study….. I had been thinking of training her to be assistant teacher……..PLS PRAY for justice for Cesil, and healing for everyone who loves her….. Life can be hard, but our GOD STAYS ON THE THRONE.

The following day, nabasa ko naman ito sa “Interaksyon,” ang online news portal ng TV5:

“…At 1:30 a.m. Sunday, Rey Bernard Penaranda, a 19-year old BS Agriculture student of the UPLB, was killed in a robbery outside the UPLB gates in Barangay Malaking Bato……The Los Banos community has been heavily anxious over two rape-slay cases and one-robbery murder in the space of five months….”

Hindi ko lubos maisip ang lalim ng sakit na nararamdaman ng mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan ng mga biktima. Hindi ko rin mapigilang makaramdam ng namumuong galit sa mga hayop na kriminal na lumapastangan sa mga inosenteng batang ito.

Libo-libong milya ang layo ko sa Los Banos pero ang laki ng gimbal at concern ko sa mga nangyayaring ito. Bukod kasi sa Batangas at Paranaque, ang Los Banos ang itinuturing kong pangatlo kong tahanan. Dito ako nag-aral at nagtrabaho ng maraming taon bago ako lumipat magtrabaho sa Maynila at sa ibang bansa. Lagi kong ipinagmamalaki sa aking mga kaibigan at mga kasama na ako ay isang batang LB. Sa katunayan, the best 10 years of my life were spent in Los Banos. Kaya malaki ang attachment ko sa bayang ito.

Ang Los Banos na nakilala ko ay isang napakatahimik at mapayapang lugar. Naaalala ko, kahit alas dos ng gabi at wala ng umiikot na jeep sa campus, naglalakad lang kami mula crossing hanggang sa aming mga dormitoryo sa loob ng campus. Minsan nga, walang takot kong nilalakad  mula grove hanggang Forestry dahil alam kong wala namang gagalaw sa akin. Pero more than 20 years na yun. Iba na raw ang Los Banos ngayon. Marami nang mga nag-migrate buhat sa iba’t-ibang lugar. Marami nang nakakapasok ng campus na tiga labas. Talamak na rin daw ang bentahan at paggamit ng drugs lalo na sa mga kabataan. Hindi rin daw efficient ang mga kapulisan. Nagsala-salabid na ang mga dahilan kung bakit lumalaganap na ang krimen sa UPLB at mga karatig nitong lugar. Ang pinag-uusapan ngayon ay kung paano masisiguro na hindi na muling mangyari ang mga ganitong uri ng insidente. May nagsasabing “volunteer civilian patrol” na raw ang sagot, bagay na iniisip kong maganda ngang suhestyon bagama’t nangangailangan ito ng maayos na management, tamang pondo, mahusay na training at committed volunteers.

Sa mga kaibigan at mga kakilala kong tiga UPLB, sana ay maging mas vigilant at mas makialam pa tayo. Let’s do our share dahil maaaring tayo o ang mga mahal natin sa buhay ang maging susunod na biktima ng mga karahasang ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

One Response to LB Killings and Violence

  1. Rey Manalo says:

    Para sa lahat ng lugar dito sa maynila at karatig pook, “Sana ay maging mas vigilant at mas makialam pa tayo.” Tayong mga tahimik na tao na ginagawang target ng mga salbahe at mapaminsalang grupo.

    At saka mo makikita ang klase ng mga taong iyon, mataas ang pinag-aralan pero masahol pa sa bumubusang popcorn kung magsalita at kumilos!

    Tama yung sinabi mo, RM., SANA AY MAS VIGILANT AT MAS MAKIALAM PA TAYO!
    Tayo ang pag-asa ng ating kaligtasan at kapakanan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s