Unfriend

Dati rati, pag mayroon kang kaaway o kasamaan ng loob, matinding pag-psyche up ang gagawin mo sa iyong sarili para sa maaaring maganap na confrontation scene. Ni-re-rehearse mo ang iyong dialogue. Pinaghahandaan mo rin physically kasi baka may sumunod na sapakan at buntalan na maganap. Pero ngayon, kapag member ka ng mga social networking sites gaya ng Facebook, it takes only a click of the computer mouse to say your piece. Simply click the “unfriend” button at maipapahatid mo na sa buong mundo ang iyong mensahe loud and clear: Ayoko na sa `yo! Tapos na ang lahat! Wala kang kwenta! Nabura na kita sa buhay ko! Get out of my life! Scram!

Ang advantage raw nito, it saves you from the hassle of meeting face to face with your once-upon-a-time friend na ngayon ay iyo nang na “unfriend.” The term was used as early as 2008 and in 2009, became the word of the year of the New Oxford American Dictionary. Ganito nila dinefine ang salita: Unfriend – verb – To remove someone as a ‘friend’ on a social networking site such as Facebook. As in, ‘I decided to unfriend my roommate on Facebook after we had a fight.”

Pero yung absence ng totoong confrontation ay hindi nangangahulugang, di masakit ang effect kung ikaw ang na unfriend. Minsan nga raw, mas masakit pa ito. May mga nababasa nga akong tweet at shoutout na ganito: “Buti pa sinampal mo na lang ako at sinuntok, pero yung i-unfriend mo ako, mas masakit yun!” I-announce ba naman ang mga ganitong saloobin sa buong sangkatauhan! Ibig sabihin talagang nagnanaknak ang kanyang sugat. May nabasa rin akong thread ng conversation sa Facebook wall ng isang kaibigan: “Guys, huwag nyo nang hanapin pa ang  account ni (sinabi ang pangalan) sa inyong FB friends dahil i-n-unfriend na nya tayo ng bonggang bongga!”

Bagama’t less traumatic nga ang pag-unfriend kesa makipag bangayan, rejection pa rin ang suma total nito kaya makirot pa rin and it leaves a bitter taste in the mouth. Sa tingin ko, magandang pag-aralan ang mga effects ng pag-unfriend o pag-block ng mga tao sa networking sites. Kasi there is the absence of words but the message screams rejection in bold capital letters.

Admittedly, may mga na-unfriend na akong tao kasi nung nagsimula akong mag Facebook, tanggap lang ako ng tanggap ng friends kahit hindi ko naman sila kakilala. At nung mag-invite na sila sa akin sa kung ano-anong sites at nag-request na maglaro ako ng kung ano-anong games on a daily basis (I never play games in FB), I decided to unfriend them. Feeling ko naman, no harm done kasi we don’t know each other anyway.

Pero may mga ilan na rin akong na-unfriend na kakilala ko. In fact, yung iba, mga naging ka-close ko rin. Kasi may mga nangyari. Hindi kami nagkasundo. Nagkasamaan ng loob at na realize kong ganun talaga. Hindi mo pwedeng maging kaibigan ang buong mundo. It saddens me to unfriend friends but I also figured, it’s going to be sadder being friends with them when I am no longer happy with their company. And I mean it in the context of friendship outside the sphere of social networking sites. Which means taliwas sa mga sinasabi ng ilan na magkaiba ang buhay sa Facebook kaysa totoo mong buhay, may mga pagkakataon na lumalabo na rin ang demarcation lines.

Anyway, the point is, binabago man ng teknolohiya ang mode at style ng ating pakikipagkaibigan, bumabalik pa rin tayo sa pundasyon ng isang malakas at matatag na friendship: trust, loyalty, sincerity, love, etc. Pag may nasira o nawalang isa rito, gegewang na ang takbo ng pakikipagkaibigan. Kapag nangyari yun, ihanda ang sarili na mag-unfriend o ma-unfriend. Minsan, unahan lang yan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Relationships, Technology, Trends. Bookmark the permalink.

4 Responses to Unfriend

  1. Irish says:

    i love it sir ronald! Gusto ko itong ‘unfriend’ na blog entry mo. =)

  2. Rey Manalo says:

    RM.🙂 nung bago pa lang ako matuto mag pipindot sa keyboard ng pc at matutong mag fb, daming naging friends thru fb…kahit di ko kilala, ina-accept ako o ina-add ko…para madagdagan ang kaibigan. Nitong nakaraan lang, yung isang di ko kilalang tao na naging friends kami thru fb, may na-link sa akin. Mga punongkahoy na pi-nost sa fb, yung mga posisyon ng mga puno, sa paningin at isipan ng tao ay may malaswang ipapakahulugan.

    Kung bakit naman naki-comment ako. tanong lang, “edited?” sus, ang isinagot ay hindi na maganda sa halip na oo at hindi lang. May patutsada na. nagkasagutan na kami. Sa akin kasi, sana wag nang lagyan ng comment na malaswa yung posisyon ng mga punongkahoy. Nananahimik yung mga puno, kakaladkarin sa fb at saka lalagyan ng mga salita. Nagagalit na nga ang kalikasan, dadagdagan pa natin. Abused na nga ang kagubatan, Sa isip ko kasi, respeto lang sa bahagi ng ating buhay. Mag bastusan na ang mga tao, pero yung mga puno na hindi naman maipagtatanggol ang sarili sa akusasyon at masamang isipan ng tao, ‘wag na sana! Ayun, sa inis ko, blinak ko nga yung naging fb fren thru fb lang din. . Di natahimik ang mundo ko. Pag nalaman ko paano ita-tag iyon pictures ng mga puno, ipapadala ko sa’yo. at ikaw na humusga kung tama ba yung naramdaman ko para dun sa mga puno. hahaha.

    Pero hindi ko gagawin ang “unfriend” sa sinumang kilala ko at kaibigan ng personal. kung may nagawang hindi nagustuhan, iiwas lang muna. pretending…wala akong nabasang msg o nakitang post sa wall ko.mula sa kanya. kung gagawin naman niya iyon sa akin, unfriend niya ako, iyon ang hindi na sakop ng aking kontrol. Ang ngiti ay naibibigay natin sa hindi naman natin kilala, ay bakit ipagdadamot sa taong kilala mo kahit galit sa iyo o sa taong galit ka pero kilala mo….!:)

  3. kanya kanyang style yan, rey. gawin mo ang sa palagay mo’y makapagpapasaya sa yo. Thanks for reading and sharing.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s