Inside North Korea

Noong October 20, 2011, nakarating ako sa Panmunjon border village sa hilagang bahagi ng Seoul, sa South Korea. Ito ang border na naghahati sa South at North Korea at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ng dalawa kong mata ang isang tanawin nang sinasabing pinakatago at pinakamalihim na bansa sa buong mundo. Tinatawag din siyang “The Hermit Kingdom,” “The Most Recluse Place on Earth,”  at “A Living, Breathing Stalanist State.” Tumanaw ako sa malaking telescope at nakita ko ang ilang mga magsasaka na nagtatanim ng gulay–suot ang sa tingin ko’y parang mga Mao jackets. Tuyo at tila bitak-bitak ang lupa at wala akong makitang sasakyan. Sa malalayong sulok, natanaw ko rin ang mga armadong sundalo–lahat nagmamanman. Parang tahimik naman ang lahat sa aking paningin. Pero sabi nga ng aming guide, dahil sa border lang ang aming natatanaw, fake at pakitang tao lang daw ang aming nakita sa telescope. “Life inside is a living hell,” sabi nya.

Noong isang araw, naaalala ko ulit ang pagbisita kong yun sa Panmunjon village nang aking napanood sa National Geographic channel ang 2007 na dokumentaryo na pinamagatang “Inside North Korea,” na dinirek ni Peter Yost at sinalaysay ni Lisa Ling. Patagong kinunan ang dokyumentaryong ito nang sina Ling, Yost at ilan pang camera crew ay sumama kay Dr. Sanduk Ruit, isang Nepalese eye doctor, na pinadala sa North Korea para operahan ang libo-libong mamamayan na may katarata sa mata. Kunyari ay bahagi ng medical team ni Dr. Ruit, naipuslit ng buong crew ang kanilang mga camera equipment sa bansa dahil ang paalam nila’y i-d-document nila ang mga eye operations na isasagawa ng premyadong eye doctor. Kaya naibahagi nila sa televiewers sa buong mundo ang mga images ng mga North Koreans na nabubuhay sa ilalim ng isang mahigpit na communist dictator (Buhay pa noon ang kanilang Pinuno na si Kim Jong Il).

Unang araw pa lang nang humiga sa daan ang kanilang cameraman para kunan ang isang higanteng estatwa ni Kim Jong Il, nagalit na ang mga North Korean tourist guides dahil kahit kailan daw ay hindi pwedeng kunan ang kanilang pangulo ng larawan o video nang nakahiga. Kawalang galang daw iyon at pambabastos. Walang amount of explanation ang nakapagpahupa sa kanilang galit. Na-first warning na agad ang cameraman ng pagkabilanggo. Bagama’t limitado nga ang kanilang movement sa North Korea, naikwento pa rin ni Lisa Ling ang kaaawa-awang buhay ng mga North Koreans sa ilalim ng isang komunistang diktador. Buhay na sarado sa buong mundo–walang internet, walang uri ng babasahin na galing ibang bansa, walang kontak kahit kanino maliban sa kanilang ka-pamilya at kababayan. Buhay ito na bawal magsalita ng kahit na ano laban sa gobyerno. Na bawa’t maling kibot ay nangangahulugan ng pagkabilanggo o pagkamatay at ang mabilis ding paglaho ng mga kamag-anak at mga mahal sa buhay.

Tatlong case studies ang aking natatandaang ipinakita sa dokumentrayo. Una ay ang pamilya na bilib na bilib sa kanilang pinunong si Kim Jong Il–sinasamba, niluluhuran at hinahalikan nila ang litrato niya. Pero yun nga, hindi mo alam kung sincere sila o takot lang na mabansagang rebelde o laban sa gobyerno. Pangalawa ay ang matandang babae na nang maoperahan ay nanumbalik ang paningin at hysterical na nagpasalamat sa kanilang pinuno na siya daw sumagot sa kanyang medical bills. Ang pangatlo ay isang 20 plus na taong batang guwardya na tumakas sa border ng North Korea patungong China. Dalawa silang tumakas dahil hindi na raw nila masikmura ang buhay na walang kalayaan. Pero yung kasama niya ay nasabit sa electric fence at kaagad na namatay. Nang tanungin kung ano sa palagay nya ang nangyari sa kanyang pamilya, tumungo ito at sinabi sa kanyang wika: “Ayoko nang pag-usapan `yun.”

Masuswerte tayong lahat na nabubuhay nang malaya sa mga bansang may demokrasya. And yet, oftentimes, we take it for granted. Yan ang malakas na sigaw na mensahe ng dokyumentaryong “Inside North Korea.” When we’re having a bad day, caught in a traffic snarl, drenched in the rain, stood up by our friends or lovers, shouted at by our superiors, let’s think that we’re even one thousand times better than our brothers and sisters in North Korea. Sa totoo lang, hindi ko lubos maisip kung paano sila nagiging masaya.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Travels. Bookmark the permalink.

2 Responses to Inside North Korea

  1. Rey Manalo says:

    People power. kung may lalabas na lider sa kanila at handang mag Ninoy Aquino, na kahit may duda na siya’y ipapapatay pagdating sa Pilipinas ay umuwi pa rin. Ano man ang dahilaN noon ni Ninoy, may napulot sa kanya ang kasaysayan ng mga bansa sa mundo pag tungkol sa kalayaan ang paksa.

    Di katulad ni Joe Ma. Sison, gustong pamunuan ang kanyang pangkat pero buhat sa malayo. Matapang ang mga pahayag sa media pero nakatago sa saya ng Europa!

  2. Pingback: Hilagang korea | Kgdco

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s