Buhay Peyups

Promding-promdi ako nung pumasok ako sa UP.  Seventeen years-old lang ako nun. Ang allowance ko, 100 pesos a week. Malaki na yun nung panahong yun. Sa katunayan, sa isang daang piso, nakakapagpautang pa ako ng singkwenta pesos at may ipon pa akong bente pesos. Kaya mo yun? E kasi naman naabutan ko pa na bente singko sentimos lang ang bayad sa “ikot-campus” na jeepney. Ang kinakainan naming canteen, three pesos per meal! At ang dorm fee ko, 35 pesos a month. Feel na feel ko noon ang pagiging Iskolar daw ng Bayan.

Di uso nun ang porma. Maong, rubber shoes at colarless t-shirt lang ang bihis namin araw-araw. Minsan nga, tsinelas pa. Natatandaan ko nga nun, first day namin sa biology class, yun agad ang sinabi sa amin ng Prof namin. “Hindi pwede rito ang pa porma-porma lang! This is the University of the Philippines. Huwag kayong tatanga-tanga!”

Mataray din ang aming English teacher: “I do not care if you are the son or daughter of Juan Ponce Enrile or Lady Di. A deadline is a deadline. Otherwise, you’re dead!”

True enough, sa awa ng Diyos, wala nga akong nakilalang tanga. In fact, kung merong tanga, ako na siguro yun. Kasi yung mga kasama ko sa dorm, nakaka-insecure ang mga katalinuhan. Meron akong dormate, araw-araw lasing. Kumukuha ng exam sa algebra, sabog. Perfect pa rin lahat ng exam nya! Anak ng pating, sabi ko–ano yan, may sapi? Yung roomate ko, para syang xerox machine! Huwag lang di matingnan ang page ng libro, saulo nya kaagad ang laman! Sa kabilang kwarto, naririnig ko ang huntahan ng mga kasama ko sa dorm kapag nag-iinuman. Kung hindi mathematical formulas, philosophical discourses ang kanilang pinag-uusapan.

“Pare sa tingin mo, pag misa at tinaas ng pari ang chalice sa consecration at may dumapong langaw dun–ano ang mangyayari? Magiging holy ba ang langaw o magkakaroon ng bacteria ang alak?” Ganyang mga usapan ang naririnig ko. Hindi ko kako kaya yan!

Matapos ang isang semester, naka adjust na rin ako sa ka-weirduhan ng mga tao. Hindi na ako na-s-shock na may dormate akong nagpapa lock sa kanyang locker at naka  posisyon na parang test tube baby a few hours before his exam kasi gusto raw nya ng total darkness and silence. Hindi na rin ako nagtataka na yung isang kaibigan namin, may tago-tagong ahas sa backpack niya at nangongolekta ng bungo sa sementeryo. Nang minsang natagpuan ko ang sarili kong kumakanta ng malakas habang naglalakad papuntang classroom, sabi ko, weird na rin pala ako.

Kasagsagan ng student activism noon nang pumasok ako sa UP kaya may mga kaklase akong bigla na lang nawawala in the middle of the sem at nababalitaan naming namundok na. Sumasali din kami sa mga rally noon pero di ko talaga nakahiligan ang mga usaping pulitikal. Ang lagi kong bukang bibig noon–yang mga hardcore na aktibistang yan, tingnan lang natin ten years from now. Most of them, nasa mga multinational companies din na kanilang isinusumpa ngayon at gustong pabagsakin. Ganyan lang naman ang buhay. True enough, tatlo sa kilala kong aktibista noon ay mga kasalukuyang namamayagpag na sa mga multinational companies sa Maynila.

Sa UP rin ako natutong uminom–bagay na di ko naman ipinagmamalaki pero looking back, kung may isang magandang bagay na naibunga yun, natuto akong makisama at makisalamuha sa iba’t-ibang uri ng tao dahil sa mga “maboboteng” usapan.

Nakakatuwa minsan pag binabalikan ko ngayon–when I go on a memory binge. Ang dami kong sinasagot na tanong: Papaano ko natapos ang kurso ko e most of the time feeling ko ay nagpa bandying-bandying lang naman ako? At papaano ko nalusutan ang kasumpa-sumpa kong mga courses na nagkanda singko-singko ako? Bigla kong ma re-realize na ganun nga pala, acid test ang buhay sa UP. Para kang dumaan sa butas ng karayom. Na train din kami in the process na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili, na matutong pahalagahan ang substance over form, na walang palakasan. Bagsak ka kung bagsak maging sino ka man. Na ang respeto ay inaani at pinagpapaguran at di mahalaga ang yaman o koneksyon para pumasa o umangat.

Mistulang rock and roll man ang gimmick namin noon, pinagtibay din kami ng pambihirang hirap at saya ng buhay peyups.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

5 Responses to Buhay Peyups

  1. T says:

    Ah, I remember. I spent some of my best years there. Agree ako sa yo. Being there had a way of humbling you. All of a sudden you’re no longer the big fish sa campus unlike in high school, no? It was intimidating and challenging at the sane time.

    Spill it, who’s the roomie? I wonder if I know him?

    I remember attending a rally with Butch Aquino and my favorite writer, Ninez Cacho Olivares. I wonder if she is still writing. That was my one political involvement. The rest? Attending concerts sa Audi. After studying, of course.😉

  2. nymfs says:

    hi ronald! hehehe anong batch ka pala freshman at napakamura ng pamasahe at lunch? batch ’86 kasi ako at if i remember it right ay 75 cents ang minimum fare.

    pero totoo, kung average or a only a little above average ang academic performance/background mo ay mate-threaten ka talaga….

    in my case galing din ako sa public high school at akala ko noon ay magaling na ako sa english…. only to hear ang mga kaklase na galing sa private and exclusive schools na super articulate and fluent. nagkaroon yata ako ng inferiority complex since then. buti na lang at nkabawi nang ma-expose sa international environment.

  3. hi nymfs, batch `81 ako.:-)

  4. jayr says:

    nice article… kht batch 2000 na ako… sarap balik balikan ang buhay ng isang isko/iska..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s