Skip to content

True to Life Regal Shocker

March 2, 2012
365_03607.jpg

Bago ko ito isinulat, humingi muna ako ng permiso sa kaibigan ko na ka chat ko noong isang araw. Noong una’y ayaw niyang pumayag. “Please, Ronald, huwag na. Baka lalong gumulo” Pero kinumbinse ko siya na baka sakaling may makabasa nito na pwedeng magbigay  linaw sa mga nangyayari sa kanila. Sabi lang niya,  basta huwag daw ako magbabanggit ng pangalan at lugar. Pumayag naman ako. Pareho kasi kaming nahihiwagaan sa mga nangyayari sa kanila.

I-s-short cut ko na. Yung kaibigan kong babae, yung anak daw niya, pinaglalaruan ng duwende. Noong una niya itong sinabi sa akin, natawa pa nga ako. Ano kako yan? “Shake, Rattle and Roll?” Pero kahit siya raw, naloloka. “Lahat ng alam ko at natutunan ko sa science, nawalang saysay” sabi niya. Nagsimula raw ang lahat nang masugatan ang anak niya sa labi. Parang napaso yata sa hindi niya alam na dahilan. So dinala niya sa doktor. Kahit na anong gamot na inumin at ipahid sa bata ay hindi gumagaling ang sugat ng anak niya. Finally, pinatingin niya sa albularyo. Tinawas daw. Doon niya nadiskubre na yung bago niyang nilipatang bahay, may duwende daw doon na kinatutuwaan ang kanyang anak. Diumano, itim daw ang kulay ng dwende.

Ang kwento pa ng kaibigan ko, sumasapi daw ang duwende sa anak niya. Paano mo kako nalaman? Nag-iiba ang boses niya? Para bang si Linda Blair sa “Exorcist?” Hindi raw. “Kung may hiniling yung dwende at di ko pinagbigyan sasanib sya fully sa anak ko. Di makakapagsalita anak ko nakatikom lang ang  bibig…Pag pumayag na ako, saka sya makapagsasalita. Pag may sinabi ako na ayaw niya, sasaktan ng anak ko ang  sarili niya, hindi sya ganon. Kilala ko ang anak ko.”

Lalo naman akong naging curious. Tinanong ko ulit ang kaibigan ko. Ano kako ang hinihiling ng duwende? “Alayan daw siya ng itlog every Tuesday and Friday.  Yung unang sandok ng kanin dapat sa kanya May tubig din sya at kutsara at may place din siya sa lamesa namin.”

Up to when? Tanong ko. “Hindi ko alam,” sagot ng kaibigan ko. E ano’ng sabi ng albularyo?

“Sabi ng albularyo, magsasawa din yan…sabi ko kasi pwede bang bigyan ng ultimatum? Yun bang di na sya makapasok sa anak ko, pwede daw kaso baka saktan kami…kaya dinaan na lang sa pakiusapan.”

Ang takot ng friend ko, baka hindi raw tumigil. Sabi ko, hindi ba kayo pwedeng lumipat ng tirahan? Sabi daw ng duwende kahit saan sila magpunta, susunod siya. Kahit sa ibang bansa!

Aba, e papaano kako yan? Enslaved and at the mercy kayo ng duwende habangbuhay?

Hindi daw din nya alam. Ang dami nyang tanong. Hindi rin niya alam kung totoo nga ang lahat pero nakikita daw nya lagi ang transformation sa anak niya tuwing sinasaniban ito.

Nagtanong ulit ako: “E anong sabi ng landlord mo? Kinuwento mo ba sa kanila?” Oo raw. Pero iba ang relihiyon nila at di sila naniniwala sa mga duwende.

Patay tayo dyan.

Urban or rural legend ba ito? Sa panahon ba ng Ipad, Facebook at Twitter, may mga taong lupa pa ba na naglipana sa Pinas? Ano yun? Duwende nga o maligno? Huli ko itong napanood sa isang TV documentary more than 10 years ago. Totoo nga ba itong tila mala “Regal Shocker” na episode sa buhay ng kaibigan ko?

After a long time, wala akong masalita o masabi. Kakaibang dimension na ito. Kung binabasa ito ng kaibigan ko, ang suggestion ko, kumonsulta ka kaya sa mga eksperto na gaya nina Jimmy Licauco? Sa ibang nakakabasa nito, baka may mga iba pa kayong suggestion o gustong ipaliwanag tungkol sa problema ng kaibigan ko.

She would appreciate that.

11 Comments
  1. Ronald, napanood ko ito sa GMA News Channel. Puwde silang sumangguni dito:

    G/F Lay Formation Center
    San Carlos Pastroal Formation Center
    EDSA, Guadalupe, Makati City
    Tel. No. 899-6954
    Mobile: 0927-4034863
    Director: Fr. Jose Vidamor B. Yu, LRMS
    Coordinator: Ms. Rowena delos Reyes
    Assistant Coordinator: Ms. Maria Christina M. Serrano

    ARCHDIOCESE OF MANILA
    OFFICE OF EXORCISM
    Fr. Jose Francsico C. Syquia
    Director/Assistant Exorcist

  2. Theresa Rosin permalink

    I forwarded this blog to my mom,I hope my mom can help your friend..But I believe in the Power of Prayers….:right ka,Jaime Licauco can also help. baka talagang nakursanadahan yun bata..kawawa naman..Incenso,salt at dasal..

  3. Theresa Rosin permalink

    RONALD: sagot ng mom ko:-)Ssabihin mo sa classmate( sabi ko batchmate eh,hehehe) mo magdasal ng I Believe in God…saka medal ni St.Michael pa bless isuot sa anak niya plus holy water.

  4. RM. Maraming pangyayari sapol ng lalangin ng Panginoong Diyos ang mundo na hindi kayang baklasin ng siyensiya. Kahit yata gaano pa katitindi ang gagawin nilang sapantaha.

    Baka makatulong ito, Ronald sa kaibigan mo. Kausapin niya yung mga nilikhang nasa ikatlong yugto ng paglalang. Ganito halos ang kanyang sabihin.

    “Sa pangalan ng Panginoong Diyos na Siyang lumikha sa lahat , Ng Panginoong Hesus na Kanyang nag-iisang Anak at ng Banal na Espiritu Santo, inuutusan kita, umalis ka sa panggugulo sa aking anak. Kinikilala ko ang iyong pagkakalikha, magkasabay tayong nilikha sa mundong ito. Magkaka-iba ang ating kapaligiran. Huwag mo kaming gambalain at magka-iba ang ating mundong ginagalawan. Kapag hindi mo nilayuan ang aking anak, magsusuplong ako sa PANGINOONG HESUS at ibibigay sa iyo ang pinakama-lupit na kaparusahan.”

    At saka umusal ng Ama Namin. Magsindi ng kandila bago kausapin ang nilikhang hindi katulad ng tao. Magpausok rin ng kamanyang at ensenso. Lahukan ng palaspas.

    Maraming ulit ko na ‘yang nagamit RM., at sa maniwala ka at hindi, epektib po! Manangan palagi sa kabutihan ng Panginoong Diyos. Si Hesus ang tatawagin sa oras ng takot, panganib, kalungkutan. Ang mga damdaming iyan ang kailangang labanan natin para hindi tayo makontrol ng masamang espiritu!

    At ipagsasama ko rin sa aking panalangin ang problema ng iyong kaibigan. Salamat.

  5. Thank you very much. Makakarating.

  6. Salamat, Rey. Ang bibilis ng mga responses. Matutuwa ang kaibigan ko nito. Thank you sa inyong lahat.

  7. Myla permalink

    we have to all pray at the same time.
    ronald, please set a time (same time all over the world) that we can all pray for this family. ie 3:00pm philippine time, etc
    the prayer to pray is :

    Saint Michael the Archangel, defend us in battle.
    Be our protection against the wickedness and snares of the devil.
    May God rebuke him, we humbly pray;
    and do Thou, O Prince of the Heavenly Host -
    by the Divine Power of God – cast into hell, satan and all the evil spirits,
    who roam throughout the world seeking the ruin of souls.
    Amen.

    some fasting is also good if we can all offer our suffering for the deliverance of the child.
    God bless us all.

  8. Ronald, ganito ang gawin mo para manahimik na yang kaaway ng kaibigan mo. kung mayroon silang telebisyon sa bahay, manood sila ng ORAS NG KATOTOHAN IBC CHANNEL 13 EVERYDAY 8am -9am. Mismong Sugo ng Dios at ang salita ng Dios ang magpapalayas diyan sa kaaway ng kaibigan mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 138 other followers

%d bloggers like this: